Kabanata 49

9.9K 214 17
                                    

Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya ang pambababoy niya. Hindi ko na kayang sikmurain ang mga ginagawa niya sa akin. Hindi ko kayang sikmurain ang lahat nf pasakit na ibinibigay niya sa akin. At higit sa lahat hindi ko na kayang makasama ang isang mamatay tao sa isang lugar.

Kung kaya't napagpasyahan kung lisanin ang lugar na ito. Mabilisan kung inimpake ang lahat ng gamit ko at ang gamit ng anak ko. Na i text ko na rin kay Thunder ang plano kong pag-alis sa mansiyong ito sa mismong araw na ito.

At ang sabi niya'y hihintayin niya ako sa labas nang subdivision para hindi malaman o matunugan ni Spencer kong ano ang balak ko.

Gusto ko pa sanang manatili dito, dahil kahit papano'y napamahal narin ako sa lugar na ito, at sa may ari ng mansiyon na ito. But I can't hindi ko kayang sikmurain ang katotohanang nakatira ako sa pagmamay-ari ng isang mamatay'ng tao.

Mas lalo niya pa akong binigyan ng dahilan na lisanin ang lugar na ito dahil sa ginawa niya sa akin. Mas lalo niya pa akong binigyan nang dahilan na iwan siya at ang mansiyon na ito dahil sa ginawa niya sa akin kanina.

Oo, inaamin ko, may kong ano rin sa puso ko na nasisiyahan dahil sa ginawa niya kanina sa akin. Mahirap mang aminin pero inaamin ko, inaamin 'kong may kung ano rin sa akin ang nasarapan dahil sa ginawa niyang iyon. May kong ano rin sa aking nasarapan sa bawat pagbayo niya sa akin.

Napabuntong hininga ako nang maisarado ko na ang zipper ng bag na linagyan ko sa mga gamit ko at gamit ng anak ko. Hindi ganon karami ang dala dala kong gamit, dahil alam kong kapag rinami ko pa ito'y matatagalan ako, at sa oras na matagalan ako'y maari niya kong maabutan na nag iimpake. Maari siyang magising habang nag-iimpake pa ako.

Alas tres palang nang umaga, kung kaya't siguradong sigurado ako na mahimbing pa ang tulog niya sa kuwarto niya, lalo na't siguradong sigurado ako na pagod na pagod siya dahil sa ginawa namin kanina.

Ako nga rin e, pagod na pagod na nga rin ako tas antok na antok na rin, gusto ko ng matulog at ipahinga ang hapdi at sakit nang pagkababae ko gawa nang kanyang marahas na pagtira sa akin. Gusto ko ng matulog dahil pagod na pagod na 'ko.  Pero kailangan kung manatiling gising para maisagawa ko ang plano ko ng hindi niya nalalaman. Gustong gusto ko nang matulog pero hindi puwede, kung kaya't pinipigilan ko talaga ang mga mata ko na huwag sumuko. Pinipigilan ko talaga ang sarili kong huwag matulog kahit na'y labis na labis na ang antok na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa gawi ng anak ko, ng marinig ko ang mahinang pagtawa nito, na para bang nasisiyahan siya sa panaginip niya, na siya ring naging dahilan kung bakit ko naitanong sa sarili ko kong ano ang ipinapanaginip niya.

Wala sa sariling ako'y napangiti dahil sa nakita ko, huwag kang mag-alala anak dahil aalis na ta'yo, aalis na ta'yo ni mommy sa lugar na ito. Tama na ang pagpapakatanga tangahan ko. Tama na ang pagkabulag bulagan ko. At higit sa lahat tama na ang pagmamahal ko sakanya. Tama na dahil ang sakit sakit na.

Isinukbit ko ang bag sa balikat ko, kumuha rin ako nang dalawang jacket para sa sarili ko at para sa anak ko. Dahil alam kung malamig ang labas lalo na't madaling araw pa.

Sinuotan ko ng jacket ang anak ko bago ko siya ipinasok sa loob ng lampin, pagkatapos ay kinarga ko siya mula sa pagkakahiga niya sa kuna niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, muli kong pinasadahan ng tingin ang buong kabuuan ng kuwarto ko, sa ilang buwan na pamamalagi ko sa mansiyong ito ay ang lugar na ito--ang kuwartong ito, ay ang naging saksi kong paano ako umiyak at magdalamhati tuwing gabi.

Ang kuwarto na ito ay ang naging saksi kung paano ako umiyak nang umiyak. Ang kuwarto na ito ay ang naging saksi kung paano ako nadurog at nalugmok ng paulit-ulit. Ang kuwarto na ito ay ang naging saksi kong paano nadurog ang puso ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now