Kabanata 38

10.4K 170 36
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sakanya nang makita kong hindi na pamilyar ang tinatahak naming daan.

Akala ko sa condo niya ko dadalhin, pero bakit hindi ito ang daan papunta sa condo niya ang tinatahak namin? Saan ba kasi kami pupunta? Nakakapagtaka. Kanina ko pa siya tinatanong, pero hindi naman siya sumasagot, yan tuloy para lang akong kumakausap nang hangin.

Kong alam ko lang sanang ganito ang iaasta niya, edi sana hindi nako pumayag na sumama sakanya. Edi sana ipinagpatuloy ko nalang ang naudlot kong paglalakad. Ba't ka ba naman kasi naawa sakanya self? E siya nga hindi naawa sa'yo nang iwan ka niya, at nang saktan ka niya!

Hindi ko alam kong bakit, pero nang makita ko siyang lugmok na lugmok habang nakaupo sa tabi nang guwater at umiiyak ay naging marupok ako, nanlambot ako.

Pinilit ko naman e. Pinilit ko namang pigilan ang sarili kong huwag lapitan siya, pero hindi ko nagawa dahil naawa ako sakanya. At hindi ko inaakalang sa paglapit kong iyon ay iyon na ang magiging dahilan kong bakit ako makakasama sakanya.

Binuhat niya kasi ako nang pa bridal way e atsaka sapilitang pinapasok sa loob nang kotse niya. Kong alam ko lang sanang parte nang pag-iiyak iyak niya ang plano niya, edi sana hindi na ako lumapit sakanya, edi sana hindi ko na sana siya kasama ngayon.

"Sagutin mo naman ako, Spencer oh!" pinipigilan ang huwag mainis na sabi ko sakanya.

Sa totoo lang nasasaktan parin ako hanggang ngayon, nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kong bakit pero siguro dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin, siguro dahil sa ginawa niyang pagkamuhi sa akin kong kailan kailangan na kailangan ko siya.

He just dump me, like I am just a kind of some shit. He just dump me, like I am a kind of some trash.

Kailangan ko siya e, kailangan na kailangan ko siya sa mga oras na iyon, pero bakit? Bakit nagawa niya kong ipagtabuyan atsaka saktan?

Hindi ko siya kayang titigan nang matagal, kasi sa tuwing tumititig ako sa pagmumukha niya ay parang nag fla-flashback sa akin ang eksenang kong saan niya ko sinampal nang malakas.

At sa tuwing natitigan ko ang mukha niya, ay parang dinudurog ang puso ko dahil sa sakit. Para akong pinapatay sa sakit. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko e, hindi ko kasi kayang tanggapin na naging tanga na naman ako pagdating sakanya. Na umasa na naman ako dahil sa mga katagang binitawan niya, na umasa na naman ako dahil sa sinabi niyang mahal niya ako. Mahal na walang katuturan.

Malamig siyang lumingon sa gawi ko, na siyang naging dahilan kong bakit umurong ang dila ko, ang lamig lamig niya kong makatingin sa akin.

At dahil doon, mabilisan kong iniwas ang paningin ko atsaka ko ito itinuon sa labas, nanahimik nalang rin ako, at hindi na sumubok na tanongin pa siyang muli, dahil baka masaktan niya na naman ako, lalo na't mukhang galit na galit na siya.

Nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa pumasok ang sinasakyan naming sasakyan sa isang subdivision. Bumukas ang napakalaking harang sa harapan namin, bago kami nakapasok sa loob nang subdivision.

Nalula ako sa mga tanawing nakikita ko, mga matatayog na bahay na may magagandang disenyo, karamihan sa mga bahay na nakikita ko ay pawang gawa sa salamin.

May mga matatayog na gate, na alam kong hinding hindi basta basta maakyat. At alam kong sa loob nang mga gate na iyon ay ang napakalaking garden at malaking pool na gaya nang mga nakikita ko sa mga pelikula.

Mas lalo pa akong nalula nang madaanan namin ang banda nang parke, hindi pang karaniwang parke ang nakikita ko, dahil halos sampung basketball court ang laki nito.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon