Kabanata 59

8.7K 179 63
                                    

"Send my regards to Lucifer, Jeanshe," ang nakangiti nitong utos.

Tinanguan ko naman siya, bago ko hinintay ang pagkalabit niya sa galatilyo ng baril.

Siguro ito na ang katapusan ko, siguro hanggang dito nalang talaga ako, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan kung muli. Sinusulit ko lang kasi e, sinusulit ko lang kasi dahil alam kong ito na ang huli. Kaya lubus lubusin ko na.

"Goodbye,"

Biglang humina ang pag-ikot ng mundo ko ng sambitin niya ang mga katagang iyon, tila nag slow-mow ang lahat gaya ng mga napapanood ko sa mga pelikula.

Mukhang ang himala na lang mismo ang makakatulong sa akin, tila ang himala nalamang ang makakasagip sa akin mula sa kamatayan ko. Ang himala na sana'y walang bala ang baril niya, ang himala na sana naubos na ang bala niyon, kahit na'y napakaimposible naman talaga. Knowing her, it will be her pleasure to kill me, kaya paano pa nito makakalimutan ang bagay na iyon kung ang gusto lang naman nitong makita ay ang pag-agos ng sarili kong dugo, sa malamig na sahig. 

Tears emmediately rolled down my cheeks as I open my eyes, I stared at her with to much emotions, I even stared her with a sympathy, pero mukhang wala man lang naging epekto para sakanya ang pagmamakaawa 'ko dahil ni isang emosyon ay wala akong nakita mula dito, blanko lang ang tingin na ibinibigay nito sa akin, mukha ngang mas nasisiyahan pa ito sa mga nakikita nitong emosyon sa mga mata ko.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kong paano niya dinahan dahan sa pagkalabit ang galatilyo. Mukhang mamatay ako na may maraming puwang sa puso ko.

I thought, iyon na ang katapusan ko, akala ko iyon na ang huli kong hininga, akala ko hanggang dito nalang ako, pero isang maling pag-aakala lang pala ang lahat ng iyon, dahil bago niya paman tuluyang makalabit ang galatilyo ng baril ay narinig ko ang pagtawag ni Spencer sa pangalan niya.

"Ma! Stop it!" ang rinig kong utos ni Spencer sa mama niya na siyang naging dahilan kung bakit ko naimulat ang mga mata ko.

"Why?" ang kalmadong tanong ni Mother Lucille na tila wala man lang siyang pakialam sa anak niyang tumatawag sa kanya. Akala ko susundin niya ang utos ng anak niya, pero siguro nagkakamali lang pala ako, dahil mas lalo pa nitong diniinan ang pagkakalapat sa galatilyo ng baril sa noo ko.

"Don't tell me, naduduwag ka na naman Spencer? Don't tell me pinapairal mo na naman iyang tanginang pagmamahal na iyan?" dagdag pang tanong nito na hindi man lang liningon ang gawi niya.

"No mama, it was just....." pambibitin ni Spencer.

Sa pagkakataong iyon ay tsaka palang nito nilingon ang gawi ng anak, ngunit ang galatilyo ng baril ay nakatotok parin sa noo ko, at dahil doon ay sunod sunod akong napalunok dahil alam ko na sa isang maling galaw niya lang ay maari na akong mamatay, sa isalang maling galaw niya lang ay maari akong mamatay,

"It was just? What Spencer?"

"It was just..... L-et me do it mama," I heard him sighed before continuing, "Let me kill her for you mama."

Akala ko kanina'y makakaligtas na ako mula sa kamay ng mag-iina na ito dahil sa ginawang pagtutol ni Spencer, akala ko tutulungan ako nitong tuluyang makawala sa bingit ng kamatayan pero tila mukhang ito pa mismo ang gustong tumapos sa buhay ko dahil sa mga sinabi nito. Tila ito pa mismo ang may gustong kumitil sa buhay ko.

"Okay anak, maayos naman akong kausap e," sabi nito sabay kuha sa baril na nakalapit sa noo ko na siyang naging dahilan kung bakit ako nakahinga ng maluwag, akala ko kanina'y iyon na talaga ang katapusan ko pero mukhang nagkakamali lang ako, dahil mukhang sa pagkakataong ito na talaga ang katapusan ko, lalo na ng makita ko kung paano tanggapin ni Spencer ang baril na nakalahad dito.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora