Kabanata 66

9.2K 175 31
                                    

Mukhang mas mapapahaba pa ang story na 'to kesa sa inaasahan ko ah. Ang rami pa kasing twist ang hindi ko naiilabas e.

"I said, let her go, Thunder!" ulit ni Storm ng wala naman itong nakuhang sagot mula kay Thunder.

"Ibaba mo siya o ipuputok ko ang baril na ito sa bungo mo?!" dagdag pang tugon nito.

Akala ko matatakot na si Thunder sa pagkakataong iyon, dahil ang pagbabanta sa boses ni Storm ay nakakilabot na. It was like a lightning, and he is storm who brings it.

But what shocked me is that Thunder still managed to laugh mockingly, "And do you really think na maniniwala ako sa'yo?" He tsked.... "For pete's sake Storm, magkakambal ta'yo! At ni isang beses ay hindi ko pa nakitang sinaktan mo 'ko! Ni isang beses ay hindi ka pa nagalit sa akin, kung kaya't sa tingin mo ba'y mapapaniwala mo 'ko sa mga banta mo?!" ang natatawang dagdag pa nito bago nagpakawala ng isang malakas na tawa.

"And do you really think, that I can't do those shits on you?" siguradong sigurado ako na sa pagkakataong iyon ay naka smirk siya.

"Yes Storm, I am really sure that you can't do it to me," ang may malakas na kumpiyansa sa sariling ani nito kay Thunder.

Strom laughed mockingly, before whispering some words na hindi naman nakatakas sa pandinig ko, "Then how about this?"

Magtatanong na sana ako kung ano ang ibig niyang sabibin sa tanong niyang iyon, pero hindi ko na ito naituloy ng may marinig akong isang buto na tumunog, kasabay niyon ay ang pagpapakawala ni Thunder ng isang palahaw na daing.

Dahil sa sakit na nararamdaman nito'y naitulak ako nito. Na siyang naging dahilan kung bakit ako napasalampak sa sahig.

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagtama ng puwet ko sa malamig na sahig dulot ng kanyang pagtulak sa akin.

Ngunit ang sakit na iyon ay hindi ko na nainda pa, lalo na ng makita ko kung paano sila nagtutukan ng baril sa isa't-isa, na siyang naging dahilan kung bakit ako napatanga, Damn! What is happening?

What is happening between the two of them?

"What the hell did you do, Storm?!" ramdam na ramdan ko ang bawat diin habang binibigkas ni Thunder ang mga katagang iyon.

"I warned you," Storm answered na mas naging dahilan pa kung bakit mas nairita pa si Thunder, "Yes, you warned me...p-ero...." pumiyok ang boses niya, "M-agkakambal tayo, Thunder," I know that Thunder tried so hard not to cry, pero hindi ito gumana, dahil nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano tumulo ang isang patak ng luha sa mga mata nito. Na agaran rin naman nitong pinunasan.

"Yes we're t-wins T-hunder but...." pambibitin ni Storm, bago bumunot ng isang malalim na buntong hininga upang siguro'y pakalmahin rin ang sarili, lalong lalo na't nauutal siya, "But... You're not the Thunder that I used to know," dagdag pang sabi nito, bago pinunasan ang luha na kumuwala galing sa mga mata nito gamit ang kamay nitong walang hawak na baril.

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga, "Hindi na ikaw ang Thunder na dating kakilala ko, hindi na ikaw ang Thunder na kasabayan kung lumaki, you've changed T-hunder," pumiyok muli ang boses niya.

"I didn't change Storm," giit ni Thunder dito.

"You did Thunder! You did!" Storm sighed like he was trying to calm his self, para maiwasan niya ang sariling huwag masaktan si Thunder, "You did Thunder, hindi mo lang ito namalayan dahil busing busy ka- kayo sa kakaisip ng plano kong paano pabagsakin si Jeanshe kahit na'y bagsak na bagsak na naman talaga ito!"

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon