Kabanata 52

10K 176 30
                                    

This chapter is dedicated to @user40472478 (Sorry but I can't mention you po)

By chapter po ang pag didicate ko.
______________

"Bakit hindi pa nababawasan iyang pagkain mo?"

Napairap ako sa kawalan dahil sa mga narinig kung tanong na nanggagaling sakanya, bobo ba siya? Ahh, bobo nga pala talaga siya, bobo na traydor pa, may pangako ngako pang nalalaman e traydor naman.

Gusto ko siyang bulyawan at sabihin sakanya kung gaano siya ka bobo, pero hindi ko magawa dahil sa busal na nasa bibig ko.

"Kumain kana." aniya pa, hindi inaalintana ang bulgaran kong pag-irap sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa tinuran niya, na para bang sa pamamagitan niyon ay pinipilit ko ang sarili kong habaan ang pasensiya ko, dahil sa totoo lang gustong gusto ko na talaga siyang batukan at sampalin.

E kasi naman, hindi siya nag-iisip e. Paano ako makakain kung may busal ang bibig ko? And worst may hand cuff sa kamay ko? Tell me. How?! Paano ako makakain?

Isang lantarang pag-irap ang muli kung pinakawalan.

Paano ko ba sasabihin sakanya kung gaano siya kabobo? E may busal at may handcuff naman itong mga kamay ko?

Ang mga katanongan kung iyon ay parang narinig ng langit, dahil siya na mismo ang gumawa ng paraan kung paano ipapaabot sa bobo at traydor na ito ang gusto kung iparating sakanya.

"Bobo ka ba pre?" ang natatawang tanong ng isang lalaking medyo naging pamilyar na sa akin ang boses.

Paano ko ba hindi magiging pamilyar ang boses na iyon? E ang pangit pangit. Pangit na nga ang mukha niya, pangit pa ang boses niya.

Hindi ako nagkamali sa hinuha ko, hindi ako nagkamali sa naging hinala ko, dahil ang taong inaasahan ko ay ang siya talagang nagsalita.

Pumunta sa gawi ko ang lalaking kani kanina lang ay nakaupo sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa mesa. At ng makalapit ito sa gawi ko ay doon ko nakita ang lalaking inaasahan kung dadating. Ang lalaking gustong gusto ko ring saktan, sa totoo lang.

Kung siguro'y natuloy nila ang balak nilang gawin sa akin kanina, habang nasa sasakyan kami, hindi ko na siguro alam ang patutunguhan ko. Hindi ko na siguro alam kung ano ang magiging kahihitnan ko sa kamay nila.

"Paano yan makakain pre? E may busal yan sa bibig at may handcuff sa kamay?" natatawa pang dagdag nito habang nakahawak sa tiyan dahil sa kakatawa.

Sana mabilaukan siya dahil sa kakatawa. Sana makalimutan niyang huminga dahil sa kakatawa, sana ma deads na siya. Sana mamatay na siya.

Napailing nalang ako dahil sa naisip ko, honestly I really want to burry his smiles. I want it to be gone. I want it to fade by killing him. Hindi ko alam kung bakit, pero inis na inis talaga ako, siguro dahil ito sa kabubuhan nilang dalawa.

"Ayy oo nga pala no?" ang hilaw na ani ni traydor bago napapahiyang kinamot ang kanyang batok. Napairap ako, parang bata kung umasta. I never thought that he have this kind of side. A childish one.

Nagsitawanan ang mga kasamahan niya dahil sa tinuran niya, binatukan siya nong katabi niya, na akala mo'y matagal na matagal na silang magkaibigan kung makaasta.

Natatawang napailing naman si traydor, bago dahan dahang lumapit sa gawi ko. Ng napatitig ako sa mga mata niya'y may kung anong emosyon akong nakita doon, pero agad ring nawala iyon, pero bago paman mawala iyon ay napagtanto ko na kung ano iyon.

Ba't parang naiirita siya? Ba't parang irita ang emosyon na nakita ko sakanyang mga mata? May ibig sabihin kaya yon? Kung meron man, ano naman iyon?

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na itinuon ang atensiyon sa nakaupong traydor na nasa harapan ko, kinakalagan nito ang kamay kung nakagapos, gamit ang susi na kinuha niya mula sa likod niya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now