Kabanata 33

10.2K 183 52
                                    

Ka

Napairap atsaka malalim na napabuntong hininga ako nang makita ko ang dalaw na tinutukoy sa akin ni kuya guard.

Nagtataka man kong ano ang ginagawa nang babae dito, ay lumapit parin ako sa gawi nito.

Napatayo ito nang makita niya kong papalapit na sa gawi niya. Isang plastic na ngiti ang kanyang ibinigay sa akin.

"Naeenjoy mo ba ang pagtira sa nakakadiring lugar na ito?" maarteng tanong nang bisita ko pagkalapit na pagkalapit ko palang sa gawi niya, pinasadahan niya pa nang tingin ang buong lugar na para bang nandidiri siya.

Isang ngiti na nang-aasar ang pinakawalan ko para sakanya, "Yes mama. Enjoy na enjoy 'ko ang pagtitira ko dito."

Nandilim ang paningin niya dahil sa narinig niyang tugon ko, gusto kong tumawa nang malakas nang makita ko kong paano magbago ang reaksiyon niya. Mula sa pagiging maarte patungo sa pagiging galit. Napangiti tuloy ako dahil sa nakita kong reaksiyon niya.

Nagtiim ang bagang niya bago matalim na tinignan ang gawi ko, "Sinuka ka nang anak ko, kaya nama'y isang basura nalang ang dapat kong ituring sayo. So don't you ever call me mom again, because you are just a trash!"

Ang ngiti sa aking labi ay nawala dahil sa narinig kong tugon niya, bahagya akong nasaktan dahil sa tinuran niya. Pero kahit ganon paman ay hindi ko ito ipinalahata sakanya, bagkos ay nginitian ko siya nang matamis para itago ang sakit na bahagya kong naramdaman.

"Ano ba talaga ang pakay mo dito? At ba't nag aksaya ka pa nang oras sa isang basura na kagaya ko?" nakangiti kong tanong sakanya, emphasizing the word basura na kagaya ko.

Hindi ko na hinintay pa ang paanyaya niya, umupo ako sa tapat nang kinauupuan niya nang walang paalam.

"Hmmm, What do you think?" maarte niyang tanong, "Ano sa tingin mo ang dahilan ko kong bakit ako naririto?" dagdag pang tanong nito, habang ang kanyang mga daliri ay nasa mesa, naririndi ako sa bawat pag tunog nang mga daliri niya sa mesa, pero kahit ganon pama'y hindi ko iyon ipinahalata sakanya.

Nginitian ko siya nang matamis, "What do you think mama?" may halong pang-aasar na tanong ko sakanya.

Inirapan ako nito, "I am asking you, trash." she said emphasizing the word trash. The irritation on her voice is also visible, which made me want to laugh.

"Hmmm," ani ko sakanya habang ang mga daliri ay nasa baba, umaaktong nag-iisip. "Dahil na miss mo ang basurang manugang mo?"

Ngumiti siya nang malapad dahil sa narinig, "Exactly! Na miss kita, basurang ex manugang ko."

Isang plastic na ngiti ang isinukli ko sakanya, "E, kong ganon naman pala'y ba't di mo ko i hug?" ang nakanguso kong tanong sakanya, waring nagpapacute sakanya.

Umakto naman siya na parang nasusuka, "Oh My God trash, hindi ako yumayakap nang mga basura," maarteng sabi nito, pinasadahan ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa, "Lalo na sa isang katulad mo."

Bahagya akong nasaktan dahil sa panlalait na natamo ko mula sakanya, hindi kasi ako sanay malait, dahil simula bata pa ako ay palagi nilang sinasabi sa akin na maganda ako, ipinaramdam nila sa akin na hindi ako kalait lait, kaya hindi ko alam kong ano ang iaakto ko sa panlalait na natamo ko. "Oh, I thought Oo, dahil trashcan ka remember?"

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang natawa lalo na nang makita ko kong paano dumilim ang mukha niya, hindi niya siguro inaasahan ang mga ibabato kong salita sakanya. Na hurt siguro siya.

"It looks like, I am the trash and you're the trash can." pagpapatuloy ko pa. Nakita ko kong paano dumaan ang isang emosyon sa mga mata niya, pero agaran ring nawala iyon atsaka napalitan nang isang plastic na ngiti.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now