Kabanata 40

10.2K 182 18
                                    

Anong nakain nang tarantadung ito at kong makatitig sa akin ay ba't parang nakakailang?

Nakaupo ako ngayon sa harapan niya, kumakain gaya nang utos niya. Hindi ko alam kong ano ang nakain nang lalaking ito at kong bakit naisipan nitong pasabayin ako sa pagkain niya. E samantalang noon ay halos itakwil na ako nito kong uupo ako sa isa sa mga silya dito.

Nakakapagtaka ang mga inaakto niya, ito palang ang kauna-unahang pagkakataong nakasabayan ko siyang kumain simula nang inilagay niya ako dito sa magarabong kulungan.

Magarabong kulungan ang tawag ko sa kulungang ito, dahil kahit ganon paman ang ganda nito, ay parang nakakulong parin ako sa kulungan. Halos na libot at napuntahan ko na ang bawat sulok nang lugar na ito. Dahil sa wala akong magawa at dahil narin sa ka bored ko.

Gusto ko sanang masilayan ang labas, gusto korin sanang maglakad lakad sa labas, pero hindi puwede dahil bawal. Hindi puwede dahil hindi niya ko pinapayagan. Hindi ko alam kong ano ang tunay niyang dahilan at kong bakit niya ko ipinunta dito, kong bakit niya ako ikinulong dito, pero siguro kaya niya ako ikinulong dito para makipaghigante, para saktan ako nang paulit ulit, at iparamdam sa aking hindi ako karapat dapat mahalin.

Nang hindi ko na kinaya pa ang ilang na nararamdaman ko'y tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, tinapos ko ang pagkain ko kahit hindi pa naman talaga ako busog. Tinapos ko ang pagkain ko kahit gusto ko pang lumamom.

Kinuha ko ang pinggan ko upang dalhin ito sa lababo atsaka hugasan,

"Where are you going?" napatigil ako sa balak kong paglalakad dala dala ang pinggan dahil sa mga katanongan na iyon.

Lumingon ako sa gawi niya, "Ang liit liit pa nang nakain mo ah," pagpupuna niya habang nakatingin sa pinggan kong marami pang laman.

"Busog na 'ko." iyon lang ang tangi kong isinagot sakanya bago ko ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad. Inilapag ko sa lababo ang aking pinagkainan. Pumunta ako sa gawi nang ref upang uminom nang malamig na tubig. Bigla kasi akong nag crave sa malamig na tubig e.

Nakakailang talaga ang mga tingin niya, jusko! Kahit ano sigurong gagawin ko'y susundan at susundan niya parin ako nang tingin.

Nang matapos ay dali dali akong pumasok sa loob nang maramdaman kong parang maiihi ako. Hindi paman ako nakakupo sa cubicle upang umihi ay nakaihi na ako. Nabasa tuloy ang short at panty na suot suot ko.

Shit! Nakakahiya! Paano na 'to? Paano ko siya mahaharap kong ganito ako? Paano ko siya mahaharap kong basang basa ang short at panty na suot suot ko. Visible na visible pa naman sa short na suot suot ko na basa ito. Paano ako makakalabas nito?

Gusto ko nang lumabas upang makapagpalit ako nang damit, pero hindi ko magawa dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang ibandera sakanya ang basang basa kong short at panty.

Luminga linga ako, umaasang sa pamamagitan niyon ay may mahahanap akong bathrobe o hindi kaya tuwalya na maari kong magamit. Pero ni isa ay wala. Wala akong nakita.

Malakas akong napabuntong hininga nang maramdaman ko ang panlalagkit nang pang ibabang bahagi nang katawan ko.

Nasapo ko ang noo ko, bago sumandal sa pintuan. Tangina! Mukhang kailangan kong maghintay nang ilang oras para makalabas ah. Mukhang kailangan kong hintayin kong kailan siya aalis sa kitchen area nang sa gayon ay nakalabas rin ako.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang alamin ang mga ginagawa niya. Sa pamamagitan kasi nito ay maari kong marinig ang mga kaluskos o kong ano ang mga ginawa niya sa labas.

Napasimangot ako nang wala akong narinig, siguro nasa labas na ang gagong iyon.

Napaigking ako at ganon nalang ang pagkagulat ko nang makarinig ako nang sunod sunod na pagkalampag nang pinto.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now