Kabanata 18

10.8K 200 19
                                    

Marami ang nagbago simula nang mangyari ang araw na iyon.

Buwan ang lumipas at hindi ko inaakalang sa loob nang mga buwan na iyon ay marami ang magbabago.

Isinubsob niya ang sarili niya sa trabaho, kung minsa'y nakakalimutan na nga niyang kumain dahil sa pagkakabusy niya, mabuti nalang at nandito ako sa tabi niya, baka kong hindi'y, hindi ko na alam kong ano ang mangyayari sakanya, dahil siguradong sigurado ako na malilipasan talaga siya nang gutom.

At sa loob nang mga buwan na iyon ay hindi ko na nakikita pang dumikit si Valentine sakanya.

Nawalan na ako nang balita tungkol sa babaeng 'yon, at mukhang hindi narin sila nagkikita ni Spencer nang palihim dahil ni minsa'y hindi na lumalabas si Spencer na hindi ako ang kasama. Siguro naghiwalay na silang dalawa, mabuti naman kong ganon ang nangyari dahil baka hindi ko na talaga kakayanin pa ang sakit na dulot na hatid nilang dalawa.

Balik trabaho na ulit ako, mabuti nalang at napilit ko siya kasi kong hindi? Hindi ko na talaga alam ang magiging kahihinatnan ko sa loob nang nakakabagot niyang apartment na iyon, siguradong sigurado ako na mamatay ako sa loob nang apartment niya kakatulala. 

Ilang beses ko rin siyang pinilit bago ko siya napapayag, ilang beses rin akong nagmakaawa sa harapan niya para pagtrabahuin niya lang ako ulit.

Pumayag siya nong sinabi ko sakanya na hindi ko pababayaan ang sarili ko habang nagtratrabaho ako.

Oo pinayagan niya 'ko, pero parang wala lang rin akong ginagawa dito sa loob nang opisina niya. Dahil nakaupo lang ako habang hinihintay ang mga taong mag papa set nang appointment sakanya.

Naging ganon na ang trabaho ko simula nang makabalik ako, tanging ang pag aayos lang nang schedule ang ginagawa ko, hindi gaya nong dating ang rami kong ginagawa. Hindi ko nga alam kong dapat ko pa bang tawagin ang sarili kong secretary niya, e wala naman akong ginagawa.

Dito narin ako naka qouta sa loob nang opisina niya, ang dating cubicle ko sa labas ay ipinalipat niya sa loob para daw sa security ko.

Pinayagan niya kong makabalik sa trabahong ito, pero ang rami niyang naging kondisyon. Isa na doon ay ang huwag daw akong magpapagod sa trabaho,

At paano naman ako magpapagod aber? E, ang tangi ko lang namang ginagawa dito sa loob nang opisina niya ay ang tumunganga. Ni pagtimpla nang kape niya'y hindi niya nga inuutos sa akin kaya ayon tuloy tumutunganga lang ako dito.

Napatingin ako sa gawi niyang busing busy sa kausap niya sa telepono, napangiti ako nang makita ko siyang lumingon sa gawi ko bago niya ko nginitian. He looks so hot today, nakasuot siya nang navy blue na longsleeve, nakatupi ito hanggang siko at bukas ang unang dalawang butones nito.

Para siyang isang diyos nang greeko na bumaba sa lupa upang sumali sa prominade. Para kasi siyang teenager pa dahil sa postura niya. Naalala ko tuloy yong prom namin nong highschool.

This past few days, naging busy siya ,hindi lang ang trabaho niya ang naging dahilan nang pagkabusy niya kundi pati narin ang pagrereview niya. Naghahanda na kasi siya sa papalapit na board. Kaya naging ganon nalang kapuspusan ang naging paghahanda niya. Gusto ko rin sanang mag take pero ang sabi niya sa susunod nalang daw kasi baka mapabayaan ko ang sarili ko lalo na't buntis ako.

At dahil siya ang boss at dahil wala pa akong ipon pang board, pumayag nalang ako. I don't have any choice e. Kailangan ko pa kasing mag ipon para pamboard ko.

Ngumiti siya nang magtama ang aming mga mata, this past few days ay mas naging malambing pa siya sa akin, na para bang sinusulit niya ang bawat araw. 'Yong tipong hindi mo malalaman na may pagka psycho siya dahil sa lambing niya, puwera nalang kong magalit siya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now