Kabanata 37

10.4K 207 64
                                    

"Carson, laya kana!"

Napangiti ako nang marinig ko ang tawag na iyon, kainumagahan. Ang ngiti ko ay umabot hanggang sa tenga ko dahil sa narinig kong iyon.

"Ma mimiss ka namin, Jeanshe." ang malungkot na sabi ni Manding sa akin. "Makiusap ka don, Jeanshe, pakiusapan mo sila na sa pasko ka nalang palayain nang sa gayon ay maranasan mo ang magpasko dito." Dagdag pa niya sabay halakhak. Napailing nalang tuloy ako. Gaga talaga ang isang 'to.

"Gaga ka!" ang natatawa ko namang ani sakanya, sabay sukbit sa bag ko. Back pack lang ang dala dala kong bag dahil hindi naman ganon ka rami ang mga damit ko rito.

Tumawa lamang ang gaga, "Bitaw, sana all makakalaya na!" sigaw pa nito.

Natatawang napailing ako. Dumako ang paningin ko sa gawi ni Aling Mercy. Nakahiga parin siya sa higaan niya hanggang ngayon, pero hindi na pareho kahapon ang lagay niya.  Kahapon kasi ay halos hindi niya maigalaw ang katawan niya, samantalang ngayon ay naiigalaw na niya.

Isang ngiti nang pagpaalam ang ibinigay ko sakanya, nginitian rin naman niya ko nang pabalik. She knows how thankful I am that I met her. Nang dahil sakanya ay gumaan ang buhay ko dito sa loob nang kulungan, at isa iyon sa mga bagay na ipinagpasalamat ko.

Kumalampag ang tunog nang bakal nang bahagya ko itong itulak. Ang tunong nang pagkalampag nang bakal ay ang isa sa mga ma mi miss ko. Kahit nakakarindi ito pakinggan ay isa parin ito sa mga nagpapaalala sa akin, na minsan na akong nakulong.

Muli kong liningon ang gawi nila, at parang nadurog ang puso ko nang makita ko silang umiiyak habang nakatingin sa gawi ko.

Sa ilang buwan na pananatili ko sa lugar na ito, ay napamahal na ako sakanila, at ganon rin sila sa akin. Kaya hindi na ako nagtaka pa sa ipinapakita nilang reaksiyon sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko na nasa gilid nang mga mata ko.

Isang kaway ang ibinigay ko sakanila, kaway na nagpapahiwatig sa salitang paalam.

Hinawakan ko nang mahigpit ang bag na nakasukbit sa balikat ko bago ko sila tinalikuran. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inihakbang ang mga paa ko palayo sa selda namin.

"It's Trinidad Kuya Guard." nakangiti kong pagtatama kay Kuya Guard nang muli, bago tinapik ang balikat nito.

Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na Trinidad at hindi Carson, since hiwalay na kami nang asawa ko. Pero ang gago ipinagpatuloy parin ang pang-aasar sa akin.

Isang ngiti na nang-aasar lamang ang ibinigay nito sa akin. Natatawang napailing tuloy ako bago ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad.

"Let's go." ang malamig na sabi nang pamilyar na baritonong boses.

Lumingon ako sa gawi nong pinanggalingan nang boses, at doon ko nakita si Attorney Klein, matiim itong nakatingin sa gawi ko.

One of the police tapped his shoulder na para bang isa iyong pahiwatig nang pagpapaalam.

Lumingon naman doon Si Klein atsaka ito nginitian, "Una na kami, bro." ani ni Attorney Klein.

Tumango naman ang nakangiting Police bago umalis. Lumapit ako sa sa gawi niya, tumingin siya sa relong pambisig niya nang makalapit ako sa gawi niya, "Let's go?"

Tumango naman ako, tila naging hudyat iyon para sakanya, dahil tsaka palang siya nagsimulang maglakad.

"May sundo ka sa labas." aniya habang binabagtas namin ang mahabang hallway papunta sa Police Area.

Tumango naman, bago binilisan ang paghakbang ko. Ang bilis bilis niya kasing maglakad e. Ang haba haba kasi nang mga binti niya e, yong tipong ang isang hakbang ko ay tatlong hakbang na para sakanya. Parang kay Spencer lang.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now