Kabanata 61

10.1K 213 150
                                    

Happy 3k followers! Thank you po ng marami! Thank you po for being part of my journey..

________

"Run bitch,"

Tears emmediately rolled down my cheeks as I run for my life,

Sunod sunod akong napatili ng marinig ko ang sunod sunod niyang pagpaputok sa baril niya, habang ako naman ay hindi magka ugaga sa pagtakbo para lang maiwasan ang bawat balang binibitawan ng baril niya.

"Looks like I'm enjoying this show," ang tumatawang sabi ni Mother Lucille, mula sa speaker. "One is running for her life, and one is trying to end her life," dagdag pa na ani nito. Na siyang naging dahilan kung bakit ako nagpupuyos sa galit, masaya na ba siya? Masaya na ba siya sa mga nakikita niya? Masaya na ba siya, dahil nagkatotoo na ang sabi niyang gusto niya kong makitang nakikipaglaro kay kamatayan bago mamatay? Masaya na ba siya sa mga nasasaksihan niya ngayon?

Nanlalabo ang paningin ko habang tumatakbo ako, at dahil sa panlalabo nang mga ito'y ilang beses na akong muntikang madapa, ilang beses narin akong natapilok, pero kahit ganon pama'y ipinagpapatuloy ko parin ang pagtakbo, dahil may isang rason ng nakatatak sa utak ko, at ang rason na iyon, ay kailangan kong tumakbo upang mabuhay.

Pagod na pagod ako at hingal na hingal na rin, dahil ilang minuto narin ang lumipas mula ng magsimula akong tumakbo,

Ang tinatakbo ko'y parang walang katapusan, dahil tila ako'y tumatakbo sa isang matuwid na daan na wala namang patutunguhan, ilang beses ko ng hiniling na sana'y maabot ko na ang dulo nitong tinatakbohan ko, para kahit gaano'y makakapagpahinga ako, dahil gaya nga ng sinabi ni Mother Lucille sa mechanics ng game na ito'y, makakapagpahinga lamang ako, kapag narating ko na ang dulo nitong tinatakbohan ko, pero kahit anong gawin ko pamang pagpupumilit ay para lang akong bumabalik sa umpisa at sa una. At mas lalo pa akong pinanghinaan ng loob na marating ko ang dulo ng may maramdaman akong hapdi sa aking binti.

"Arghhh." daing ko nang maramdaman ko ang pagtama nang bala sa aking binti.

Naitigil ko ang ginagawa kong pagtakbo palayo sa gawi niya nang madapa ako gawa nang pabaril niya sa binti ko.

Napaupo ako sa malamig na sahig nang semento habang tinitignan ang binti kong dumudugo.

Tears emediately rolled down my cheeks as I feel the pain in my leg. Umiiyak kong tinignan ang gawi niya habang ang mga mata ko'y patuloy parin sa pagluha.

Hanggang ngayon, ay hindi ko parin inaaakala na magagawa niya ang bagay na ito sa akin, hanggang ngayon ay hindi ko parin inaakala na magagawa niya kong saktan nang ganito katindi.

Well, what should I expect? Muntikan na nga akong mamatay noon dahil sa ginawa niya. Muntikan pa nga kaming mamatay nang anak niya noon dahil sa kahangalan niya. Nang dahil sa pagiging psycho.

Napagbuhatan niya na rin ako nang kamay, kaya ba't pa ba ako nag eexpect nang maganda sakanya? Ba't paba ako nag eexpect na hinding hindi niya ko sasaktan? E, ginawa na nga niya iyon sa akin noon.

Mamula mula ang tuhod ko gawa nang pagkadapa ko sa matigas na semento nang barilin niya ang binti ko.

Nanginginig ang mga labi ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot na nararamdaman ko, habang unti unti kung pinagmamasdan ang dahan dahan niyang paglapit sa gawi ko.

Napayakap ako sa sarili kong tuhod nang makita ko ang pag-igting nang panga niya. Isang palatandaan na galit siya.

"Point the gun on her, son," utos ni Mother Lucille na agaran niya namang sinunod.

He pointed the gun on me,

Isinubsob ko ang ulo ko sa mga tuhod ko habang hinihintay ko ang pagpaputok niya sa baril na hawak hawak niya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon