Simula

18.3K 356 45
                                    

Saved

"Sister Raffy!" Natawa ako nang marinig ko ang pagsigaw ng mga bata sa pangalan ko.

Agad akong kumaway sa kanila habang nakangiti at naglakad patungo sa mga nagtatakbuhang bata na papalapit sa akin.

"Dahan-dahan lang mga bata, 'wag kayong tumakbo, baka madapa kayo at kayo'y magkasugat," mahinahon kong sabi sa kanila habang nakangiti pa rin dahil baka isipin nila ay pinapagalitan ko sila.

Humagikhik lamang sila bago sila isa-isang nagmano sa 'kin. Natawa na lang ako nang mahina dahil sa inasal nila.

Kaya gustong-gusto kong bumibisita dito sa kumbento dahil isa sila sa nagpapasaya ng araw ko. At nagpapasalamat ako dahil nakilala ko ang mga batang 'to.

Hindi man sila pinalad sa pamilya. Nandito naman kami para sila ay gabayan at punan ang mga gampanin ng kanilang magulang. Gagawin namin ang lahat para sila ay maging masaya at maging mabubuting bata.

"Namiss ka kasi namin Sister Raffy. Ang ganda mo po talaga Sister. Artista ka po ba?" Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi ni Popoy at sa pagsabay-sabay na tango ng mga bata.

"Nako nangbobola na naman kayo ha. Tsaka hindi ba kakadalaw ko pa lang sa inyo noong isang araw? Miss niyo na agad ako, kayo ha." Pero ang totoo ay mas namiss ko sila kahit noong isang araw lang akong bumisita sa kanila.

Kung hindi lang importante 'yung nilakad ko baka ilang linggo na 'kong namalagi dito sa kumbento.

"Namiss ka po kasi namin agad, Sister. Tsaka Hindi naman ako nangbobola Sister eh. Kahit tanungin mo pa silang lahat totoo po 'yun. Crush nga po kita Sister." Napahagikhik naman ako at ginulo ng kaonti ang buhok niya nang makita kong pumula ang kaniyang mga pisngi. Ki-kulet talaga nitong batang 'to.

"Hoy Popoy, anong crush-crush ka diyan. Kulang nga 'yang ngipin mo tapos magkakacrush ka kay Sister Raffy. Hindi kayo bagay no. Sobrang ganda ni Sister tapos ikaw sobrang panget." 

Malakas na humalakhak si Jenna at sinabayan pa ng mga bata ang pang-aasar kay Popoy.

Pipigilan ko na sana sila dahil mukhang mag-aaway na naman ang dalawa nang magsalita si Sister Felly na nasa tapat ng pintuan.

"Mga bata itigil niyo na 'yan, baka kung saan pa 'yan umabot at baka kayo'y magkasakitan lang ng damdamin. Jenna, ano ang sasabihin mo kay Popoy?"

Tinanguan ko at binigyan ng matamis na ngiti si Jenna nang tumingin siya sa 'king direksyon. Ngumiti rin ang kanina nitong busangot na mukha at hinarap ang naluluhang si Popoy.

"Pasensya na sa mga nasabi ko, Popoy. Hindi ko na 'yon uulitin, promise," sabi ni Jenna habang nakayuko ang ulo sa harap ni Popoy.

Ngumiti naman si Popoy kay Jenna at ito'y kaniyang niyakap. Nakisali na rin ang mga bata sa kanila. Nakangiti naming pinagmasdan ni Sister Felly ang mga bata.

"Hay nako. Ang mga bata talaga ay hindi naiiwasan ang magkatampuhan ngunit ang nakakatuwa lang ay marunong silang humingi ng tawad kapag sila ay nagkakamali na. Nakakatuwa lang na naging parte tayo ng kanilang pagkabata. Parang ayoko nang lumaki sila," emosyonal na sabi ni Sister Felly.

Agad akong lumapit sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay. "Ako din po'y natutuwa sa kanilang pagtrato sa isa't isa. Hindi po sila magiging mabuting bata kung hindi po dahil sa katulad niyong may mabubuting mga kalooban."

"Alam kong malaki ang pasasalamat sa inyo ng mga bata dahil sila ay kinupkop niyo at inalagaan na parang sila ay tunay n'yong mga anak. Ako din po'y nagpapasalamat dahil may mga katulad niyo pong tao ang nais tumulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit."

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon