Kabanata 8

6.7K 159 15
                                    

Date

Suot ang aking puting tshirt na may nakaimprintang salita na can I pray with you at isang maong na pantalon.

Kinuha ko ang aking itim na sling bag at nilagay do'n ang mga importante kong gamit. Suot ang aking puting pares na sapatos at naglagay ng pabango sa likod ng tenga at leeg.

Nagmamadali akong bumaba at nakita ko si Kalas na nakatayo malapit sa hagdan. Naramdaman siguro nito ang aking presensya kaya lumingon ito sa aking gawi.

Binaba nito ang hawak na cellphone at pinagmasdan ang suot ko. Ang lakas ng dating nito kahit na simple lang ang suot niya. Nakasuot ito ng plain white t-shirt at maong na pantalon. Napangiti ako nang mapansin na pareho kami ng suot.

"You look fascinating as ever babydoll." paos na sabi nito nang makalapit ako sakanya.

Napahagikhik naman ako rito. "Ang gwapo mo rin Kalas. Bakit nagmumukhang mahal ang suot mo kahit napakasimple lang ng ayos mo? Ang unfair naman." sabi ko at ngumuso sa harap niya.

Tumawa naman ito at kinurot ang ilong ko. "You jealous baby? Don't be. You look like you're in a runaway model."

"Ewan ko sa 'yo. Halika na nga. Saan nga pala tayo pupunta?" hinawakan ko ang braso nito at naglakad na papalabas ng bahay.

"I actually don't know baby. Should we go to the mall? I heard that it's the dating place of the lovers." natigil naman ako sa paglalakad kaya nahinto rin ito dahil hawak ko siya.

"D-dating? Magdadate ba tayo?" wala sa sarili kong tanong. Kumunot naman ang noo nito at pinitik ang noo ko. Napaaray naman ako kaya hinimas niya 'yon at hinalikan.

"Yeah. Why?"

Hindi ba ang nagdadate ay mga magkasintahan?

"What? You were saying something baby?" hala nasabi ko ba 'yon? Buti na lang hindi niya narinig.

Umiling lang ako dito at ngumiti. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi lang naman siguro magkasintahan ang nagdadate. Siguro pati na rin ang kaibigan o kaya pamilya.

Kung ano-ano na lang kasi ang naiisip ko. Unang-una, hindi naman kami magkasintahan ni Kalas. At hindi mangyayari 'yon dahil napaka impossible no'ng mangyari.

Napapintag ako nang may bumusina sa harap namin. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng bahay.

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga nang makita ko ang isang makintab at magarang itim na kotse sa aming harapan. Sino kayang may-ari nito? Mukhang mamahalin at galing pa sa ibang bansa.

Lumabas doon ang isang nakatuxedong lalaki. Walang emosyon itong nakatingin sa tabi ko, nakatingin ito kay Kalas. Sinundan ko ito ng tingin hanggang nasa harap na ito ni Kalas.

Nanlaki ang mata ko ng yumuko ito ng ilang segundo bago tumayo ng tuwid. Nakaawang ang bibig kong napatingin sa kanilang dalawa.

"Greetings Mr. Russo and Ms. De león." walang emosyon nitong sabi.

"Hand me the key."

May inabot ang lalaking nakatuxedo kay Kalas at yumuko ulit.

"You may go now, Rodriguez." nagbow muna ito tsaka umalis sa harap namin. Nakanganga pa rin akong napatingin kay Kalas.

Tumingin ito sa 'kin at inakbayan ako. Tiningnan ko 'yong lalaki ngunit hindi ko na ito nakita. Ang bilis naman ata niyang nawala. Umiling ako at inalis ang brasong nakaakbay sa 'kin tsaka hinarap ito.

"A-ano 'yon Kalas? Bat may pa gano'n? Bakit yumuko sa 'yo yung lalaki? Kaano-ano mo ba 'yon? Tsaka kanino tong mamahaling kotse? S-sayo ba 'to?"  sunod-sunod kong tanong dito.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon