Kabanata 18

5.1K 109 4
                                    

Sunset

Namamangha kong pinagmasdan ang isang munting bahay kubo sa aming harapan. Para akong bumalik sa dating panahon kung saan yari pa sa mga nipa at kahoy ang mga bahay.

Maliit iyon ngunit may dalawang palapag na yari sa kahoy at nipa hut. May gate rin na gawa sa kahoy na abot hanggang bewang ko lamang.

Mas nagpapaganda pa sa paningin ang punong-puno ng kulay berde na mga halaman na nakapabilot sa bahay.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang hapitin ako ni kalas sa bewang papalapit sa kanyang katawan. Tumingala naman ako sakanya at ngumiti ng maaliwalas.

Nakita kong namula na naman ang tenga nito at umigting ang panga niya.

"Shall we go inside babydoll?" tumango naman ako mabilis sakanya. Narinig ko itong tumawa ng mahina bago ako ginaya papasok sa maliit na gate.

"Grabe ganda dito kalas. Alam mo ba..dati ko pang pangarap ang tumira sa ganitong kapeaceful na lugar. Grabe para akong maiiyak dahil sa sobrang tuwa."

"Im glad that you like it babydoll. You can live here anytime you want. This is yours now baby." sinamaan ko naman ito ng tingin at namewang sa harap niya.

"Ayan ka na naman kalas eh. Alam mo naman na hindi ako tumatanggap ng ganitong mga bagay. Una yung kotse tapos ito na naman. Kuntento na ako sa kung anong meron ako... pero salamat kasi dinala mo ako rito. Parang nasa ibang dimension na 'ko." sabi ko at tumawa ng mahina.

"Whatever you say babydoll. Let's get inside. I'll cook our snack for today."

Hinawakan ko naman ang pulso nito at ngumuso sa harap niya. "Bakit lagi na lang pagkain ang nasa isip mo kalas. Kakakain lang natin ah. Hindi ka pa ba busog? Gusto mo ako naman ang magluto?"

"It's not for me baby.. it's for you hm." paos nitong sabi at hinalikan ang noo ko.

"Eh kakakain ko lang din kalas. May balak ka bang patabain ako?" ngumisi naman ito ng malaki bago tumango.

"Yeah.. that's exactly my plan babydoll. You should gain weight. Your waist is so thin. Aren't you eating baby?"

Hindi makapaniwala ko itong tiningnan at pinalo ng malakas ang braso nito kaya hinihimas na niya ngayon iyon habang tumatawa.

"Grabe ka naman sa'kin kalas. Syempre kumakain ako. Sadyang kahit anong kain ko hindi ako tumataba kaagad. Wala akong magagawa kung ganito na talaga 'to. Tanggap ko naman kung ano ako eh."

Umiling naman ito habang nakangisi bago ako inakbayan at inamoy ang aking buhok. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko talaga kapag ganon ang galawan ni kalas.

Pakiramdam ko kasi ang sweet niya at nirerespeto niya ako dahil doon.

"You don't have to worry about that babydoll. I got you baby." mapaglaro nitong sabi at ngumisi ng malaki.

Inirapan ko lang ito at tumawa ng mahina. Kung sana...ganito na lang kami palagi. Walang ibang iniisip, walang bawal, walang hadlang.. kami lang. Nagiging totoong kami lang kapag kami ay magkasama.

Nawala ang tawa ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Napahiwalay ako kay kalas at bumagsak ang aking balikat habang iniikot ko ang paningin ko sa loob ng bahay.

"B-bakit ganito kalas? Bakit parang hindi naman dapat ganito ang itsura ng bahay kubo katulad sa labas? Nascam ba 'ko?" tumawa lamang si kalas at umupo sa malawak na sofa.

Muli kong nilibot ang tingin sa 'bahay kubo' na 'to. Sino ba naman ang hindi magtataka kung sa labas ay makikita mo na tipikal na bahay kubo lang iyon.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon