Kabanata 23

4.2K 83 26
                                    

Almost

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at napangiwi nang kumirot ang ulo ko. Hindi ko muna minulat ang aking mata nang may marinig akong naguusap malapit sa akin.

"Hindi nga natin sasabihin... sa ngayon. Ayoko ng dagdagan pa ang problema ni raffy, hijo." rinig kong sabi ni nanay rosing.

"Paano naman 'yon naging problema nay? Blessing kaya 'yon." gusto ko na sanang imulat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni thunder.

Anong ginagawa niya dito? At ano bang pinaguusapan nila?

"Magulo pa ang lahat hijo. Nahalata ko na may nagbago sakanya noong nagaway sila karen. At alam kong mas lalala pa 'yon kapag nalaman niya ang nangyari sa...mama niya."

Bigla akong napamulat ng mata at nagsimula ng rumagasa ang aking luha nang maalala ko ang nangyari bago ako nahimatay.

Si mama... hindi!

Agad na napalingon sa aking pwesto sila nanay at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Mabilis na lumapit sa pwesto ko si thunder at hinimas ang aking likod para pakalmahin ako.

Nagpatuloy lang ako sa pagluha at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ni mama.

Ang mama ko... pakiusap huwag ang mama ko...

Humahagulhol na ako sa dibdib ni thunder habang yakap niya ako ng mahigpit. Napahawak ako sa ibabang damit niya na parang doon kumukuha ng lakas.

"T-thunder.. s-si m-mama.. b-buhay pa s-siya diba? N-nangako siya s-sa akin thunder.. b-babalikan niya k-kami ni p-papa.. " mas lalong lumakas ang hagulhol ko nang yakapin lang ako nito ng mahigpit.

Naramdaman kong hinihimas ni nanay rosing ang buhok ko. "P-pasensya ka na anak.. a-alam ko kung gaano mo kamahal ang mama mo. At alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo ang nangyari sa mama mo."

Umiling-iling ako habang humahagulhol. Hindi.. panaginip lang iyon. Hindi iyon totoo. Buhay pa si mama... babalikan niya pa kami ni papa. Aayusin pa namin ang gulong nangyari sa pamilya namin. Magkakasama ulit kami nila mama.. hindi 'yon totoo.. pakiusap..

"K-kailangan kong m-makita si m-mama.. p-please..." nagkatinginan sila nanay bago nagaalinlangan na tumango.

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni thunder kaya tiningnan ko ito ng walang emosyon. Napakamot ito ng ulo bago tumingin kay nanay na parang humihingi ng tulong.

"A-ah hindi ka muna pwedeng mapagod anak kaya ikukuha muna kita ng wheelchair ha." mabilis naman akong napailing.

Uunahin ko pa ba ang kalagayan ko kaysa sa mama ko? Wala na akong paki sa sarili ko..

Tatayo na sana ako nang pigilan na naman ako ni thunder kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Padaanin mo 'ko thunder." mariin kong saad.

"Hindi nga pwede. Wag matigas ang ulo rafflesia. Ikukuha kita ng wheelchair, promise mabilis lang ako." napatulala na lang ako sa puting pader ng hospital.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay mama.. hindi pa rin ako naniniwala na w-wala na siya. B-buhay siya.. babalik siya sa'min ng buhay!

Nang bumalik na si thunder na tulak-tulak ang wheelchair ay agad na akong naupo roon. Nanginginig ang aking katawan at nginangatngat ko na ang aking kuko dahil sa kabang nararamdaman.

"A-anak huminahon ka.. kakagising mo palang sa pagkakahimatay mo baka maulit na naman 'yon." pilit kong pinakalma ang sarili ko.

Hindi ito ang tamang oras para mawalan ng malay rafflesia. Kailangan ka ng mama mo.. kailangan ko rin siya..

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon