Kabanata 9

6K 155 30
                                    

Miss

Dalawang araw na ang nakalipas nang umalis si Kalas sa bahay. Dalawang araw na rin na nalalagi ako sa kwarto at walang ibang ginawa kundi magbasa ng bibliya. Minsan ay lumalabas din ako para bisitahin ang mga bata sa kombento.

Nahahalata nila Mama na lagi akong tahimik at hindi nagsasalita. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganito ako. Basta na lang akong nawalan ng gana simula noong umalis si Kalas.

Hindi rin ito nagpapakita sa 'kin o kaya bumibisita sa bahay. Nakakatampo pero baka busy lang taga siya. Hindi rin biro ang trabaho niya, sigurado akong mahirap ang magpatakbo ng isang successful at malaking kompanya.

"Ma'am Raffy, nasa baba ho si Sister Therese. Gusto ka raw ho niyang makausap." natigil ako sa pagmumuni-muni nang magsalita si Ate Delia sa labas ng kwarto.

Agad akong nag-ayos ng sarili. "Susunod po ako Ate Delia. Salamat po." narinig ko ang yabag nito papaalis.

Nang sa tingin ko ay presentable na ako ay agad akong bumaba patungo sa sala. Ngumiti ako ng makita ko si Mother Superior. Lumingon naman ito sa gawi ko at ngumiti pabalik.

Nang makalapit na ako sakanya ay nagmano amna ako at pinaupo na ito.

"Magandang umaga po Mother. Mabuti po at nakabisita kayo rito. Namiss ko po kayo Mother." sabi ko at humagikhik.

Tumawa naman ito at hinaplos ang buhok ko. "Napakaganda mo talaga anak. Tiyak na maraming iiyak na lalaki kapag naging madre kana." natawa naman kaming dalawa ni Mother.

"Mapagbiro talaga kayo Mother. Gusto niyo po ba ng makakain? Kukuha lang po ako." tatayo na sana ako nang pigilan ako nito.

"Hay nako. Huwag kanang magabala Sister Raffy. Ayos lang ako, tsaka kakakain ko lang kanina." tumango na man ako dito at ngumiti.

"Ang totoo niyan ay sinadya ko talagang pumunta rito. Nais ko lang sana na personal na magpasalamat kay Mr. Russo. May nakapagsabi kasi sa 'kin na dito raw siya tumutuloy. Kaso, ang sabi ni Delia ay umalis na raw siya dito. Sayang naman."

"Gano'n po ba? Dalawang araw na po siyang umalis dito eh. Kung hindi niyo po mamasamain, bakit po kayo magpapasalamat kay Kalas? Ang ibig ko pong sabihin. Dumayo pa po kayo dito para kay Kalas."

"Nako. Ang laki ng pasasalamat ko kay Mr Russo, Sister. Hindi mo ba alam na nagdonate siya ng napakalaking halaga ng pera? Wala kasi ako noon sa kombento noong pumunta siya. Sobra-sobra na yun sa pangpapa-ayos ng bahay ampunan, Sister."

"Tuwang-tuwa nga ang mga bata nang sabihin ko na papalitan na ang bubong at mas pagagandahin namin ang kwarto nila. Napakalaking tulong ng perang ibinigay niya kaya nais ko lang magpasalamat. Heto nga at may dala akong mga prutas, ibibigay ko sana sakanya, kapalit man lang ng kabutihang ginawa niya."

Natulala lang ako habang pinapakinggan ang sinabi ni Mother Superior. Hindi ako makapaniwala na gagawin 'yon ni Kalas. Wala kasi sa itsura nito na tumulong sa kapwa. Laging mainitin ang ulo at parang galit sa mundo. Tama nga ang kutob ko na may itinatago siyang kabaitan.

Napangiti ako at napahawak sa 'king dibdib nang lumakas ang kabog nito. Parang gusto ko siyang puntahan kung nasaan siya at bigyan siya ng mahigpit na yakap. Kaso nga, maski companya niya hindi ko alam kung saan.

"Ayos ka lang ba Sister? Natulala ka na d'yan. Siya nga pala, sainyo na 'tong prutas na dala ko. Sariwa pa yan Sister kaya sigurado akong masarap 'yan." nakangiting sabi ni Mother.

"Ayos lang po Mother. Pasensya na po kung natulala ako. Namangha lang po ako sa kwenento niyo. Mabait po talagang tao si Kalas. Hayaan niyo po at kapag nakita ko siya sasabihin ko po ang inyong pasasalamat. Tsaka po maraming salamat sa prutas, uubusin po namin 'yan mamaya." ngiti kong sabi sakanya.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon