Kabanata 21

4.7K 109 21
                                    

Bastard

Magkayakap kami ni kalas habang nakahiga sa malaki niyang kama. Pagkatapos niyang magkwento kanina sa labas ay agad na kaming pumasok dahil mahapdi na sa balat ang sinag ng araw.

"I already tell you my story. It's your turn now baby." paos nitong sabi habang pinaglalaruan ang hibla ng buhok ko.

"Hm.. sige ba. Ano bang gusto mong malaman?"

"Everything babydoll." ngumuso naman ako sa harap niya at nagulat ako nang mabilis na naman niya akong hinalikan.

Kalas niyo abusado na.

"Baka bukas pa tayo matapos kalas." ngumisi naman ito at pinisil ang ilong ko.

"I don't mind baby.. " inirapan ko na lang ito.

"Ewan ko sayo... summarize ko na lang para hindi tayo mag over time hehe." tumawa naman ito at pinanggigilan ang pisngi ko. Busangot naman akong tumingin sakanya at tinawanan niya lang ako.

"Im home schooled since I was kinder until college. Home study lang talaga. Never ko naexperience na magkaroon ng kaklase at gumising ng maaga para pumunta ng paaralan." tumigil sa paglalaro ng buhok ko si kalas at humarap sa akin.

"Why?"

"Hindi ko rin alam eh. Noong tinanong ko nga sila mama ang sabi lang nila for safety lang daw. Pero alam mo ba...narinig ko sila na naguusap na nakidnap daw ako nung bata pa. Pero hindi ako chismosa ha.. hindi ko naman sinadya na marinig sila.. nagkataon lang talaga."

"You got kidnapped and you didn't know that? You just found out because it happened that you eavesdrop to your parents?" salubong ang kilay nitong sabi.

"Grabe ka naman. Kakasabi ko lang na hindi ko sinadya na marinig sila diba? Mapang-akusa ka talaga hmp." pabiro ko siyang inirapan. Bakas naman ang frustration sa mukha niya.

"Just answer me baby."

"Eto naman. Ang atat ha--sabi ko nga magkekwento na." paano tumalim ang tingin niya sa'kin. Sino ba namang hindi matatakot eh para siyang mangangain ng buhay.

"Wala talaga akong maalala na nakidnap ako noong bata pa. Pati nga sila mama ay nagtataka rin kung bakit ganon. Pinadala pa nga nila ako sa psychiatrist at hindi ko alam kung bakit. Tapos simula noon hindi na nila ako pinalalabas ng bahay ng walang kasama. Mabuti nga at hinahayaan na nila ako kasi matanda na rin naman ako."

"And you're okay with that? Being caged since your childhood? That's a fvcking torture to me."

"Syempre okay lang sa'kin. After all ako rin lang naman ang inaalala nila mama at papa. Maswerte nga ako dahil inalagaan nila ako at tinuring na parang prinsesa nila. Kahit na napaka over protective nila sa akin lalo na si papa..okay lang. Naiintindihan ko naman. Kaligtasan ko lang naman ang inaalala nila at sino ba ako para magrebelde sakanila eh ako na nga ang inaalala nila."

Tiningnan naman ako ni kalas na tila siya ay namamangha. Namula naman ang pisngi ko at tinampal siya sa mukha.

"I didn't know that you are this obedient daughter babydoll." sinamaan ko naman ito ng tingin nang humalakhak ito.

"Ayoko na nga magkwento. Nangaasar kana eh." mas lumakas naman ang tawa nito.

May nakakatawa ba sa pagiging masunurin na anak? Baliktad na talaga ata ang mundo. Aalis na sana ako sa pagkakayakap niya nang hinigpitan nito ang pagkakayapos niya at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Sorry baby.. c'mon I want to hear your story babydoll." napabuntong hininga naman ako.

Ano pa nga ba. Syempre magkekwento parin ako dahil hindi ko naman siya matanggihan. Ginayuma ata ako ng lalaking 'to. Hindi..biro lang.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon