Kabanata 7

6.6K 173 11
                                    

Last day

Ngayong araw na tuluyang aalis si Kalas. Lumipas na ang isang linggo at tuluyan ng gumaling ang kanyang sugat.

Sa loob ng isang linggong 'yon. Lagi siyang nakabuntot sa akin. Kahit saan ako magpunta ay lagi siyang nakasunod.Nasanay na akong makita ang natutulog nitong mukha sa tuwing magigising ako sa umaga.

Nagtataka rin ako kung bakit hindi 'yon napapansin nila mama. Yun pala ay tuwing pagsapit ng hating gabi ay pumupuslit ito papunta sa aking silid. Talagang sinisigurado niya na walang makakapansin.

Hindi ko alam kung paano siya nakakapasok sa kwarto ko. Sinisigurado ko namang nakalock ang pinto at bintana bago ako matulog. Isang beses nga ay tinanong ko siya ngunit ngisi lang ang isinagot niya.

Ang sabi pa nga niya "Nothing is impossible if you are the reason baby. I will always find a way just to be with you babydoll."

May naramdaman nga ako sa aking t'yan no'ng sinabi niya 'yon.

Mabuti na rin lang at hindi na ako nananaginip katulad noong nakaraan. Naging ilag kasi ako noon kay Kalas. Ngunit hindi rin naman 'yon nagtagal dahil sa ugali nito.

Nagalit, nagsuplado, at naging bata ito para lang mapansin ko. Hindi naman 'yon umabot ng isang araw dahil
hindi ko naman matiis ang tigasin na lalaking 'yon.

Sa maikling panahon na 'yon ay mas nakilala ko siya. Although, hindi siya nagkekwento tungkol sa buhay niya. Alam ko na kung anong ugali ang meron siya.

Napalapit na siya sa 'kin at sigurado akong mahihirapan ako kapag umalis na ito sa aking tabi. Masyado niya akong sinanay sa presensya niya at hindi ko alam kung masasanay ba akong wala siya.

"Hey! Are you alright babydoll? Why are you looking at that fvcking piece of plant for how many minutes? You are ignoring me for that piece of crap? Damn. Should I burn that just so you could focus on me?"

Nagtataka naman akong napalingon dito na ngayon ay mukhang makakapatay na ang tingin. Pumorma ng O ang bibig ko at napangisi.

"Ang over mo naman magreact Mister Russo. Kawawa naman ang innosenting halaman na pinag-iinitan mo ngayon. May iniisip lang ako. Hindi ko nga alam na nakatitig pala ako ng matagal sa munting halaman na 'yan."

"And who the hell are you thinking woman? You dare to think of someone while you're with me? That's bullshit!"

"Hey! Diba sabi ko huwag na huwag ka ng magmumura lalo na sa harapan ko?" tinaasan ko ito ng kilay at pinagkrus ang aking kamay. Ngumisi lang ito nang nangkakauyam.

"Dont divert the issue here woman. Now tell me who the hell is that bastard? I will skin him alive."

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Ikaw talaga ang paranoid sa 'ting dalawa."

"Darn. Who is it?"

"Bakit ba?"

"Just tell m--"

"Ikaw."

"Oh, damn...really?"

"Oo nga. Ano, will you skin yourself alive?" taas kilay kong sabi rito. Ngumisi naman ito at umiling-iling.

"Damn. That was smooth baby."

"Ewan ko sa 'yo Kalas. Huwag ka ngang magsasabi ng gano'n sa susunod. Masama 'yon. Walang karapatan ang isang tao na kumitil ng buhay ng kapwa niya tao."

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito at ilang minuto itong hindi nakapag salita.

Kinabahan naman ako sa kanyang inakto. May nasabi na naman ba akong mali? Pero totoo naman 'yon eh. Mali naman talaga ang pumatay ng tao. Isa 'yong malaking kasalanan.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon