Kabanata 20

5.1K 110 5
                                    

Storytelling

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hinablot ko ang isang unan at itinakip iyon sa mukha ko. Napa singhot ako nang parang pamilyar ang amoy na iyon.

Nagmadali akong bumangon nang maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Bakit ba lagi na lang akong nakikidnap? Mukha ba akong batang madaling pikutin?

Napairap ako sa kawalan at nilibot ang tingin sa kwarto kung nasaan ako. Mukhang lalaki ang may ari nito at sigurado akong si kalas ang lalaking iyon.

Nagpupuyos ako sa galit nang maalala ko na naman ang ginawa niya sa akin bago ako nawalan ng malay. May pa let go, let go pa siyang nalalaman tapos hindi rin pala niya ako papayagan.

Hindi ko talaga magets ang utak niya. Ang hirap basahin kung ano ba talaga ang plano niya. Umalis na ako sa kama at napa second look pa ako sa suot ko nang makitang iba na ang suot ko.

Nataranta ako dahil roon. Dali-dali akong lumabas ng kwarto kahit hindi pa ako nagaayos ng mukha ko. Lumabas ako na ang tanging suot ay ang malaking polo shirt na mukhang kay kalas dahil kaamoy niya iyon.

Bukod doon ay nakaunderwear lang ako at hindi man lang ito nagabala na suotan ako ng short o kaya boxer. Pag talaga nalaman ko na minanyak niya ako habang natutulog malilintikan siya sa'kin.

Halos maluha na ako nang hindi ko parin matunton kung nasaan ang hagdan papunta sa baba. Bakit ba kasi ang laki-laki ng bahay na'to? Daig pa palasyo sa mga fairy tale eh.

"Kalas!" malakas at mahaba kong sigaw. Nagecho pa ito kaya medyo namangha ako. Ewan ko na lang pag hindi niya pa ako marinig.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko na rin mabilang kung ilan na bang pintuan ang nadaanan ko. Namamangha rin ako sa tuwing may mga painting sa dingding. Napakaganda at mukha talagang mamahalin.

Para siya yung nakikita ko sa mga bidding. Pang mayaman talaga eh. Hindi ko talaga maimagine kung gaano kayaman si kalas.

Halos mapasigaw pa ako dahil sa saya nang sa wakas ay nakita ko na rin ang hagdan pababa.

"Thank you lord. Mahal mo talaga 'ko." masaya kong sabi bago nagmamadaling bumaba.

Grabe ang gara ng bahay na 'to este mansion. Parang puro gold lang ang nakikita ko rito. May lion pang statue na gawa sa ginto na nakalagay sa dulo ng hagdan.

Bakit parang walang tao? Ang lawak-lawak ng bahay tapos wala man lang katao-tao? Napasinghot ako nang may maamoy akong mabango sa kung saan. Agad ko itong sinundan at natagpuan ang kanina ko pang hinahanap.

"Halika rito kalas! Malilintikan ka sa'kin." malakas kong sigaw at piningot siya sa tenga. Kaya panay ang daing niya.

Pinandilatan ko ito ng mata bago ko pinakawalan ang namumula niyang tenga. Bakit ang gwapo niya parin kahit nasasaktan na siya? Nako rafflesia huwag kang marupok. Tandaan mo kinidnap ka ng lalaking yan.

"Fvck! What was that for?" salubong ang kilay nito habang hinihimas ang tenga niya.

"Para yan sa pangingidnap sa'kin at sa pagpalit ng damit ko nang walang permiso ko." taas kilay kong sabi at namewang sa harap niya.

"Damn..that's it?"

"Anong that's it ka dyan. Hindi mo ba alam na namissed ko na ang flight ko papunta sa Italy? At sigurado akong pinaghahahanap na ako ng mga magulang ko. Ano ka ba naman kalas. Malaking gulo 'to." tiningnan lang ako nito ng walang emosyon bago tumalikod at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Hoy! Ano ba..wag mo nga akong tinatalikuran. Kinakausap pa kita eh." nagpapadyak ako ng paa at hinila ang balikat niya paharap sa'kin.

"What do you want me to say?"

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon