Kabanata 5

8K 208 12
                                    

Friend

"Wag ka nang sumama Kalas. Mangungulit ka lang sa 'kin eh. Baka bigla ka na lang mangyakap at kung ano pang isipin ng mga makakakita, lalo na sila Sister Felly." seryoso kong sabi sa lalaking nakaupo sa kama ko.

Ayan na naman ang mukha niyang parang bata na inagawan ng lollipop. Nakatayo ako sa kanyang harapan habang nakapamewang. Siya naman ay nakakrus ang mga binti habang nakatingala sa 'kin.

"No. I want to go with you, babydoll. Please. You can't just leave me here. C'mon baby. Have mercy on me." napatanga naman ako sa kanyang sinabi.
Bat pabago-bago ang ugali niya? Kanina lang seryoso tapos ngayon parang bata na kung umasta. Napailing na lang ako dahil sa kanyang inasal. Alam niya talaga kong anong gagawin niya pag hindi ako pumapayag sa gusto niya.

"Hindi nga pwede Kalas. Hindi pa nga masyadong magaling 'yang sugat mo pero kung makakilos ka ay parang hindi ka nabaril." ngumuso naman ito at pinagsalubong ang kanyang kilay.

Mariin akong napapikit. Hindi, huwag kang magpadala sa pagpapacute niyan Rafflesia. Huwag kang magpalinlang sa mga pinapakita niyan.

"It's not that painful babydoll. Besides I'm already a big man. It's nothing to me." parang wala nitong sabi saka tumingin sa 'kin ng nakakaawa.

"You said you're a big man but why are you acting like a child?" taas kilay kong sabi sakanya. Para naman itong nagulat sa 'king sinabi.

"Wow. Just wow, babydoll. You know how to act so snobbish huh. I'm liking the idea of you, discovering a new behaviors." tila namamangha nitong sabi sa 'kin.

"Tigilan mo nga ako Kalas. Basta hindi ka sasama sa 'kin. Magpahinga ka lang dito sa bahay at magpagaling." tsaka umalis sa harap niya.

Hinawakan naman nito ang kamay ko at pinaupo sa kandungan niya. Nanlaki naman ang mata kong tumingin sa kanya.

"Then, you're not going anywhere. Just stay here with me." tinulak ko naman ang dibdib niya tsaka tumingin sa kanya nang matalim.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa 'kin Kalas. Kaya aalis ako at ikaw ay maiiwan dito sa bahay, naiintindihan mo?" taas kilay kong sabi sakanya. Imbis na matakot siya ay tinawanan niya lang ako.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Hindi talaga niya sineseryoso ang mga sinasabi ko.

"I said no babydoll. Whether you like it or not, I'll go with you. You're not going anywhere when you're not with me. And that's final babydoll." nakangisi nitong sabi habang hinahaplos ang kabilang pisngi ko.

Bumagsak naman ang balikat ko. Hindi talaga siya magpapatalo. Gusto ko naman talaga siyang isama kaso hindi pa masyadong magaling ang sugat niya sa tagiliran. Baka biglang bumuka ang pagkakatahi no'n at mas lalong lumala ang kalagayan niya.

Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hinawakan ni kalas ang baba ko at tiningala ito kaharap ng mukha niya. Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.

Napapikit naman ako at huminga nang malalim. "Fine. Basta huwag kang yumakap sa 'kin at huwag kang masyadong dikit nang dikit. Baka kung ano pang isipin nila Sister." tumango naman ito na parang bata at hinalikan ang noo ko.

Wala sa sariling napangiti ako at tumingin sakanya. "I'll try babydoll." napasimangot naman ako sakanya. Tumawa ito nang mahina at pinisil ang ilong ko.

"Just kidding babydoll."

"Seryoso ako sa sinabi ko Kalas ha. Sana seryosohin mo rin 'yon. Mag-ayos kana at aalis na tayo maya-maya. Hintayin kita sa baba. Bilisan mo ha." tumango naman ito at hinalikan ulit ako sa ulo bago umalis.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon