Kabanata 22

4.2K 92 10
                                    

Promise

Magtatatlong araw na simula ng mangyari ang kaguluhan sa bahay na ito. Tatlong araw na ring hindi umuuwi si mama. Tatlong araw ng laging umuuwi ng lasing si papa.

Tatlong araw na akong nagkukulong at nakatulala sa kwartong ito. At tatlong araw na ring hindi nagpaparamdam sa akin si kalas.

Ang malas ko naman ata sa tatlo...

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nabubuhay sa mundo na walang pakiramdam... parang patay na ako.

Ni wala na akong makausap na tao..kahit sinusubukan akong kausapin nila nanay rosing ay hindi ko sila makausap ng matino. Nawalan na ako ng ganang makipagusap kahit kanino.

At ang tanging taong gusto ko lang kausap ay wala pang paramdam. Kahit tumawag man lang siya hindi niya magawa. Ganon na ba siya kabusy at hindi niya man lang mahawakan kahit sandali ang telepono niya.

Nagtungo ako sa banyo at walang ganang napatingin sa aking repleksyon. Ang maitim na bahagi sa ilalim ng mata ko ay sinasabing ilang araw na akong walang matinong tulog.

Hindi ako sanay na walang mama at papang bubungad sa akin tuwing umaga. Walang bubungad sa aking nakangiting nanay habang inaalok akong kumain ng mga luto niya. Walang bubungad sa aking nagbabasa sa dyaryong si papa.

Bakit ba ito ngangyare sa amin? Ito na pa ang kaparusahan ko dahil sa mga ginawa kong pagkakamali?

Mali ba talagang piliin ko si kalas? Mali bang ipaglaban ko ang aming pagmamahalan? Mali bang piliin ko kung saan ako mas sasaya?

Bakit kailangan pang idamay ang aking mga magulang? Ako lang dapat... ako lang dapat ang parusahan. Dahil ako lang naman ang may kasalanan.

Ilang beses kong sinabunutan ang sarili at ramdam ko na ang paghapdi ng aking anit pero hindi parin ako tumigil. Tiningnan ko ang kamay ko at marami na roong hibla ng buhok.

"Kalasanan mo 'to Rafflesia. Ikaw lang dapat ang pinaparusahan." malakas na sigaw ko at mas sinabunutan ko ang aking sarili.

Napaupo ako sa lapag at malakas na umiyak. Pinukpok ko ang aking ulo at muling sinabunutan ang buhok ko.

"Ikaw lang dapat... nang dahil sa'yo kaya sila nasaktan.. kasalanan mo 'to rafflesia." mariin kong bulong habang patuloy paring sinasaktan ang sarili.

Natigil ako sa pananakit sa aking sarili nang marinig kong tumunog ang cellphone ko sa labas ng banyo. Agad ako tumayo at tumakbo papunta roon. Ang akala ko ay si kalas na iyon ngunit hindi pala.

Napakagat ako ng labi at nanginginig ang mga kamay habang hawak ko ang aking telepono. Nabitawan ko pa ito, mabuti na lang ay bumagsak lang ito sa kama ko.

Nanginginig parin ang kamay ko kaya pilit kong pinakalma ang sarili ko. Nang sa tingin ko ay maayos na ako ay agad ko iyong dinampot at nilagay sa tenga ko.

"Hello couz. Bakit ang tagal mo namang sagutin?"

"A-ahh a-ano kasi... ma-may ginawa l-lang ako k-kaya hindi ko a-agad nasagot." mariin kong kinagat ang aking labi kaya nalasahan ko ang sarili kong dugo.

"Hey.. are you okay couz? Bakit nanginginig ka? Omg! I really have to go there asap. Mygosh! I heard what happened there. I can't believe that tito marco can do such things."

Mariin akong napahawak sa cellphone ko at naramdaman ko na naman ang panginginig ng kamay ko. Mariin kong kinagat ang daliri ko bago pabagsak na umupo.

"A-ah oo naman.. o-okay lang ako. Tsaka h-hindi mo naman kailangan umuwi dito mira. Kaya ko naman... kaya namin 'to. M-masosolusyunan namin 'to.. h-huwag kang mag-alala."

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon