Kabanata 15

5.5K 125 18
                                    

Cold

Nagising ako na nakahiga sa isang maliit na kama. Agad akong napabangon at nanginig nang maalala ko kung bakit ako nandirito sa maliit na kwartong ito.
Nagsimulang tumulo ang aking luha at di nagtagal ay naging hagulhol na.

Diyos ko.. ito na po ba ang kaparusahan ko sa aking nagawang pagkakamali?

Pilit kong pinakalma ang aking sarili dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon ko. Baka mamatay agad ako ng hindi man lang lumalaban para sa buhay ko.

Nilibot ko ang aking tingin sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan ko. Maliit lang iyon at may isang maliit na kama. May isang maliit na bombilya na nakasindi sa taas ng kama.

Dali-dali akong nagtungo sa pinto at tinangka ko iyon buksan pero mukhang ikinandado nila ito sa labas.

"Tulong! Buksan niyo 'tong pinto.. parang awa niyo." umiiyak kong sabi habang kinakalampag ang pintuang nakasara.

"Please... pakawalan niyo na ako. Parang awa niyo na..." nanghihina kong sabi at napaupo sa likod ng pintuan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay wala paring bumubukas ng pinto kaya nanatili lang akong nakayuko.

"Kalas... kalas kailangan kita ngayon, pakiusap tulungan mo ako..." mahina kong bulong.

Nang matauhan ako ay agad akong tumayo at naghanap ng paraan para makalabas sa silid na ito.

Hindi pwedeng tumunganga lang ako at maghihintay kung may magliligtas saakin ngayon. Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas dito ng sarili ko lang ang inaasahan.

Dahil hindi sa lahat ng oras, ay may tutulong sayo para sagipin ka. Kailangan mong matuto at masanay, na ang sarili mo lang ang magiging kakampi mo sa ibang pagkakataon.

Nabuhayan ako ng loob nang may nakita akong maliit na bintana sa kwarto. Agad akong tumungo roon at naghanap ng bagay na makakatulong saakin para makaayat sa may kataasang bintana.

Nagpasalamat naman ako nang may makita akong isang upuang gawa sa kahoy. Agad ko itong kinuha at tumungtong roon para maabot ko ang bintana.

Sinubukan kong tanggalin ang nakaharang roon pero kahit anong subok ko ay hindi man lang ito gumalaw.
Napaupo naman ako sa sahig at umiyak sa ibabaw ng aking tuhod. Paano ko nga naman iyon matatanggal kung bakal na ang nakaharang. May siwang nga pero impossible namang magkasya ang maliit kong katawan.

Napaangat ako sa aking pagkakayuko nang marinig kong may nagbubukas sa likod ng pinto. Nataranta naman ako at naghanap ng pwedeng maging armas ko laban sa kung sino man ang dumakip saakin.

Wala akong nakitang iba maliban sa ginamit kong upuan. Kaya kahit na nahihirapan akong buhatin ito ay pinilit ko parin. Hindi ko na lang pinansin ang nangangalay kong braso.

Kinabahan naman ako ng marinig ko na ang pagkalas ng kadena. Nanginginig kong hinawakan ang upuan at naghanda na sa pag atake sa taong nagbubukas ng pinto.

Kahit ayaw kong makasakit ng tao.. wala na akong ibang pagpipilian dahil buhay ko na ang nakasalalay dito.

"Aray! Potangina..gusto mo bang mamatay agad?" galit na sigaw saakin ng nakamaskarang lalaki.

Napaatras naman ako habang hawak ang upuan na pinalo ko sa katawan niya. Nabali ang isa sa mga paa ng upuan dahil sa paghampas ko sa lalaking nakamaskara.

"Hoy kanor! Ayusin mo yang pananalita mo. Baka ikaw ang maunang mamatay dito." saad ng isa pang nakamaskara na pumasok sa kwarto.

"Potangina kasi niyan eh. Hampasin ba naman ako ng upuan. Tangina ang sakit non gago."

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon