Kabanata 12

5.6K 157 11
                                    

Confessed

"Thunder, sure ka na bang hindi ka talaga sasabay saamin kumain? Mababait naman ang magulang ko. Tsaka sigurado akong matutuwa sila sayo, kasi sa wakas ay may maipapakilala na ako sa kanilang kaibigan."

Ngunit umiling lang ito at ngumiti saakin. "Maybe next time? Besides I have something do to. But thank you for inviting me. Im glad that I met a kind person like you."

Ngumuso naman ako nang guluhin nito ang buhok ko. Tumawa naman ito at kinurot ang ilong ko. Napatigil ako saglit nang may maalala ako dahil doon. Winaksi ko agad ito sa aking isip.

"Sige na nga. Basta next time sumama kana ha. Magtatampo na ako sayo kapag tinanggihan mo pa ako."

Sa maikling oras ay napalapit na agad ang loob ko sakanya. Isang dahilan na rin siguro ay dahil kahawig niya si papa. At para siyang kuya ko kung umasta. Matagal ko ng pangarap ang magkaroon ng kapatid.

"I didn't know that you are clingy, baby girl."

Sinamaan ko naman ito ng tingin at pinalo ang kanyang braso. Tumawa ito ng malakas kaya nahiya ako dahil marami na ang lumilingon sa amin.

"Tumigil ka na nga. Nakakahiya thunder, ang dami ng tumitingin saatin. Ang lakas mo kasi tumawa tapos ang pangit pa ng tawa mo. Nakakahiya."

Tumigil naman ito at sinamaan ako ng tingin. Ako naman ngayon ang tumatawa ng parang baliw.

"Nahiya naman ako sa tawa mo baby girl. Dati ka bang kambing?" hinampas ko naman ito ng malakas at tumawa lamang ito imbis na masaktan.

"Pikon."

"Pangit."

"Manlalait."

"Sino?"

"Syempre ikaw, sino pa ba?"

"Bakit ako? Ikaw kaya."

"Bakit din ako? Hindi naman kita nilait ah. Nagsabi lang ako ng totoo, kambing."

"Ah talaga? Hindi rin ako nanglait kasi totoo namang yung sinabi ko kanina."

"Ano bang sinabi mo?"

"Para kang kabayo tumawa."

"Kabayo pala ha."

Napasigaw ako at tumakbo ng mabilis nang habulin ako nito ng may nakakatakot na ngisi. Mas lumakas ang tili ko ng lingunin ko ito at ilang dangkal na lang ang layo niya saakin.

"Ano ba thunder! Bat mo ba ako h-hinahabol. I-ikaw pala ang p-pikon dito e." nahihirapan kong sabi dahil pagod na ako kakatakbo.

"Run rafflesia. Humanda ka saakin kapag nahuli kita."

Napatili ako ng malakas at mas lalong binilisan ang takbo. Naramdaman ko rin ang namumuo kong pawis sa noo.

Matinis akong sumigaw ng maabutan na niya ako. Nakita ko itong napahawak ng magkabilang tenga bago ako sinamaan ng tingin.

"Aray! Bakit ka ba sumisigaw? Ang sakit mo sa tenga. Damn, feeling ko nabasag eardrums ko sayo." sabi nito habang nakahawak parin sa tenga.

Malakas ko naman itong hinampas. "Bakit mo kasi ako hinahabol?" nakapamewang kong tanong habang hinihingal.

"May pinapatunayan lang ako."

"Ano?"

"Napatunayan ko na mas mabilis ang kabayo kaysa sa kambing."

Hinampas ko ito ng malalakas kaya napadaing ito. "A-aray! Ang sakit shiitt. Bakit moko hinahampas arayyy!"

Natigil naman ako sa paghampas dito at nakangusong tumingin sakanya.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon