Kabanata 10

6.3K 165 2
                                    

Diploma

"Anak ko! Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa 'kin ng personal. Namiss kita anak." natawa ako nang salubungin ako ni Mama nang mahigpit na yakap habang umiiyak.

"Ma naman. Bakit ka ba umiiyak diyan? Sa 'yo talaga ko nagmana eh." natawa naman ito tsaka pinahid ang luha nito.

"Syempre naman anak. Pati mukha mo namana mo rin sa 'kin. Kaya nga pareho tayong maganda eh." sabay kaming napahalakhak ni Mama.

Naglakad na kami papunta sa loob ng bahay. Inakbayan ako ni Mama at hinalikan ang buhok ko.

"Ang ganda-ganda mo talaga hija. Kamukhang-kamukha mo ang yumao mong lola."

"Akala ko ba ikaw ang kamukha ko Ma?" pabiro kong sabi. Natawa naman ito at marahang ginulo ang buhok ko.

"Oo naman. Pero mas kamukha mo talaga si Mamá. Pagbigyan na natin ang lola mo anak." natawa kami pareho.

"Oh, mukhang nagkakasayahan kayo diyan ah."

"Papá!" mabilis akong tumakbo papunta sakanya. Natawa ito nang dambahin ko ito ng yakap.

"Ang daya naman. Bakit no'ng ako wala namang ganyan? Halatang may favoritism na nagaganap dito ah." natawa kami ng malakas ni Papa.

Inakbayan ako ni Papa at sabay na naglakad papunta sa nakasimangot na mukha ni Mama.

"Huwag ka ng magselos Ma. Pareho ko naman kayong mahal." paglalambing ko dito at niyakap siya patagilid.

"Sus, nangbola pa ang aming unica hija." tumawa naman ako habang si Papa ay umiiling na nakamasid sa 'min.

Umupo na kami sa sofa at nagkwentuhan. Pinadala na ni Mama ang bagahe ko kila Kuya Jun na siyang driver nila Papa.

"Kumusta nga pala ang naging lakad mo hija?" tanong sa 'kin ni Papa.

"Ayos lang po Papá. Marami pong tinuro sa 'min. Kaya may bago na naman po akong natutunan." tumango naman ito habang umiinom ng kape.

Hinahaplos naman ni Mama ang buhok ko habang nakangiti sa ,jkin. "Mukhang masaya ka talaga sa pagiging madre mo anak."

Hindi ko alam kung bakit natigilan ako. Nanlaki ang mata ko nang maisip ko ang walang emosyong mukha ni Kalas. Napapikit ako at tumingin kay Mama ng nakangiti.

"O-oo naman po Mama. Masaya po akong paglingkuran ang Diyos at makatulong sa mga tao." napatingin si Mama kay Papa at bumuntog hininga ito.

"Pasensya ka na kung hindi kaagad kami pumayag noong sinabi mo sa 'min na gusto mong maging madre, Anak. Alam naman namin ng Papá mo na simula bata ka pa lang, malapit na talaga ang loob mo sa Diyos. Hindi lang namin inaasahan na may plano ka palang maging isang madre." sabi ni Mama habang hawak ang dalawa kong kamay. Nginitian ko ito at bumaling kay Papa nang magsalita ito.

"Ikaw lang ang nagiisa naming anak, Rafflesia. Kahit naman ayaw kong napapalapit ka sa mga lalaki. Pinangarap ko pa rin na maihatid ka sa dulo ng altar. Gusto ko rin na makita ang little version mo. Pero tanggap ko naman kung ano ang gusto mo. Tandaan mo anak na lagi akong nakasuporta sa 'yo. Nandito lang kami sa tabi mo."

Naiiyak naman akong napatingin sa kanilang dalawa. Agad ko silang niyakap at umiyak sa kanilang balikat. Narinig ko namang mahina silang natawa at hinawakan ang buhok ko.

"Napaka iyakin talaga ng baby namin. Manang-mana ka talaga sa 'kin." natawa naman kaming lahat dahil doon.

"Ano pong meron ngayon Ma Pa? Bakit kailangan kumain pa po tayo sa mamahaling restaurant? Pwede naman po tayo sa fast food kumain." mahina kong bulong sakanila habang sinusundan namin ang waiter papunta sa lamesa.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon