Kabanata 17

5K 109 12
                                    

Baby

"Here." saad ko at nilatag sa lamesa ang isang papel.

"What's this?"

"Ito... papel 'to. Ngayon ka lang ba nakakita ng papel?" ngumisi lang ito.

"Of course I know baby. What I mean is what would I do with this"

"Try mo po kainin."

Natawa ako nang tumalim ang tingin sa'kin ni kalas. Ang sarap niya talagang asarin.

"Syempre po.. babasahin mo yung nakasulat diyan. Okay na po?" inirapan ako nito bago bumaling sa papel na hawak niya.

Pagkatapos no'ng nakakahiyang pangyayari kanina ay umuwi na agad kami. Hindi ko nga alam na may nakasunod pala sa'ming dalawang sasakyan.

Mga bodyguard pala 'yon ni kalas. Tinanong ko siya kung bakit ang dami, sabi niya for safety lang. Which is true naman... sa tulad niyang bigating business man. Marami talagang gusto siyang ipabagsak.

"Rules n-ni sister? What the fvck is this?" natawa ako ng malakas.

"Obviously.. that's my rules." taas noo kong sabi.

"Yeah.. but, for what? And why the heck you wrote 'sister' instead of 'babydoll'. It's more pleasuring to my ears."

"Basahin mo na lang. Huwag ka ng magreklamo diyan." pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib.

"I won't read it. Unless, you change your title. You should write 'Rules ni Babydoll' instead of that fvcking sister."

Humalakhak ako habang napapa palakpak ng kamay. Ilang minuto pa ako bago tumigil dahil walang emosyon ng tumitingin sa akin si kalas.

"And dami mo namang arte sa katawan. Basahin mo na lang kasi."

Ngunit nagmatigas ito kaya wala na akong nagawa kundi palitan ang sinulat ko. Minsan talaga may pagkaisip-bata siya. Pero mas gusto ko nga 'yon kasi nagagawa ko siyang asarin kapag nagiging bata siya.

"Okay na po ba, master?"

Tumango lang ito at nagsimula ng basahin ang sinulat ko. Nakita ko itong napapakunot ang noo habang binabasa iyon.

Expected ko naman na 'yon. Alam ko naman na karamihan doon ay hindi siya sang-ayon. Pero hindi na yon magbabago.

"This is totally non sense. Im not agree with it. That's insane baby." tiningnan ko lang ito at bahagyang umiling.

"Non sense man sa iyong paningin. Iyan ay masusunod parin."

"What? No... if you'll still insist this, I will gladly break your rules." may panghahamong sabi nito.

"Then... I will gladly leave your mansion."

"As if i'll let you baby." pang-uuyam nito.

"I don't need your approval, Russo."

"Try me then."

"Joke lang.. ang seryoso mo naman kalas." sabi ko at tumawa ng payak. "Basta..kung anong nakasulat diyan. Susundin mo na lang, okay? Para hindi tayo magtalo. Sige ka.. ikaw rin naman ang mawawalan."

"No baby... your rules are absurd!"

"Wag ka ngang sumigaw. Nasa harap mo lang ako kalas." tinaasan ko ito ng kilay at umirap.

"But..."

"Hindi na magbabago ang isip ko kalas."

"You're such a cunning woman babydoll. How can you do this to me. So fvcking cruel." laglag naman ang panga kong napatingin sakanya.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon