Kabanata 19

4.6K 116 29
                                    

Last day or... not?

Nagising ako nang nakadagan ang mga paa ni kalas sa akin at mahigpit niya akong yakap. Inalis ko ang braso at binti niya kahit na ako ay nahihirapan dahil sa bigat niya.

Umungol lang ito at muling yumakap sa akin ng mahigpit. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang inalis ang pagkakayakap sa akin.

Malalim akong napahinga ng sa wakas ay natanggal ko na rin ang braso niya sa akin. Pinunasan ko ang aking noo at naramdaman ko pa ang pawis ko roon.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang nakakunot nitong mukha habang natutulog. Napahagikgik ako dahil hanggang sa pagtulog niya ay ang sungit niya paring tingnan.

Nagiging normal na lang ata sa akin ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag tinititigan ko si kalas. Napailing ako nang marealized ko na pumuslit na naman papunta sa kwarto ko si kalas para makatabi niya ako matulog.

Pumasok na ako sa banyo at nagayos na ng sarili ko bago bumaba papunta sa kusina para magluto ng aming agahan.

Pagkatapos kasi lumubog ng araw ay umuwi na rin kami dahil madilim na at malamok sa lugar na 'yon. Natatawa parin ako nang maalala ko kung paano niya gustong patayin yung mga kumagat sa aking lamok. Para siyang mababaliw dahil hindi niya mapatay ang mga insekto.

Napailing na lang ako at hindi ko namamalayan na para na pala akong tanggang nakangiting mag isa. Nagsimula na akong magluto ng agahan.

Hindi nagtagal ay natapos ko na ring lutuin ang sinangag, hotdog, scramble eggs, omelette at syempre hindi mawawala ang tuyo. Nagtimpla na rin ako ng kape para kay kalas at gatas naman para sa'kin.

Nakangiti ko itong tiningnan nang makitang maayos na ang aking pinaglagyan. Naks! Asawang-asawa ang dating ah.

Napailing na lang ako ng may kung ano na namang kalokohan ang pumasok sa isip ko. Tatawagin ko na sana si kalas para kumain nang marinig ko itong sumigaw ng malakas at rinig na rinig ang mabibigat nitong yapag pababa ng hagdan.

"Rafflesia!" napahawak naman ako sa dibdib ko ng malakas niya iyong isigaw. Kung may kapitbahay lang kami baka pati sila ay nagising na dahil sa sigaw niya.

Nakita ko itong walang pangitas at tanging boxer short lang nito ang suot. Magulo pa ang buhok nito at ang mukha niya na tila makakapatay na ng tao.

"Hoy kalas! Anong meron at bakit ka nagsisisigaw diyan?" taas kilay kong sabi at namewang sakanya.

Lumingon naman ito sa gawi ko at huminga ng malalim. Ginulo nito ang buhok niya at napahawak sa bewang niya. Bumaba ang tingin ko roon pero agad ko ring binalik ang tingin ko sa mukha niya.

Huwag mong ibaba ang tingin mo rafflesia.. baka magkasala na ka na naman.

Nagmamadali itong lumapit sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit. Naramdaman ko ang init galing sa kanyang katawan at amoy na amoy ko rin ang natural na bango ng kanyang katawan.

Tinulak ko naman siya agad nang uminit ang buo kong mukha. Tumalikod ako sakanya at nagkunwaring inaayos ang mga pinggan.

"A-ano bang ginagawa mo kalas? At bakit ka nagsisisigaw ng ganito kaaga? Mag bihis ka nga.. next time huwag kang bababa ng walang pangitaas ha."

Hindi ito nagsalita kaya lilingunin ko na sana siya nang yinakap niya ako sa likod at pinatong nito ang mukha niya sa balikat ko.

"I thought you left babydoll. Next time, wake me up okay?" paos niyang bulong sa aking tenga.

Wala sa sariling napatango ako. Napabalikwas ako nang pinasok na naman niya ang kamay sa loob ng damit ko.

"Ano ba. Yan ka na naman kalas. Kumain na nga tayo. Baka lumamig na yung kape mo." ngumisi naman ito sa'kin.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon