Kabanata 16

5.4K 119 10
                                    

Pushcart

"Saan ka ba nanggaling anak? Alam mo ba na halos mamatay na kami dahil sa pag-aalala. Nabulabog na rin namin ang resort na'to dahil nagpatulong kami sa paghahanap sa'yo. Nagpunta na nga kami sa police station para ireport ang pagkawala mo pero sabi nila wala pa namang 24 hours simula no'ng mawala ka. Jusko.. paano kung may nangyari nga sa'yong masama.. edi walang silbi yang 24 hours nila. Nako! tataas ata ang bp ko sakanila."

Lumapit naman ako kay mama at hinagod ang likod niya. "Im sorry ma.. sorry po kasi pinag-alala ko kayo ni papa. Nang dahil sa'kin... muntik na kayong mapahamak. Sorry po talaga."

"Ano ba kasing nangyare anak? Saan ka ba natulog? Hindi ba sabi mo saamin, may bibisitahin ka lang kaibigan sa hospital. Hindi nga namin alam na may kaibigan kana pala."

"A-ano po... nakatulog po kasi ako sa hospital. May emergency po kasi, kaya binantayan ko yung kaibigan ko.. hindi ko naman po namalayan na nakatulog na pala ako.. pasensya na po."

Halos hindi na ako makatingin sa kanila dahil sa pagsisinungaling ko. Parang dati ay ayaw na ayaw ko ang nagsisinungaling. Ngayon... mukhang nagiging eksperto na ako sa larangan na iyon.

"Sino ba yang kaibigan mo hija? At ano bang nangyare sakanya? Wala ba siyang kamag anak na pwedeng magbantay sakanya?" napalunok naman ako at nag iwas ng tingin.

"W-wala po kasi 'yong magulang niya. Nagbabakasyon din po kasi siya katulad natin. Dito ko po siya nakilala at naging isang kaibigan."

Lumambot naman ang tingin saakin ni mama. "I'm happy that you finally have a friend, hija. Maybe we should visit her one of these days. I want to meet your first best friend baby."

"Yeah.. we should definitely visit her. Of course it's a her, right rafflesia?" kinabahan naman ako nang biglang sumingit ang kanina pang tahimik na si papa.

"Actually po... it's a he, not a she." kabado kong sagot.

Narinig ko namang napasinghap si mama at napasinghal si papa.

"Can you leave us alone karen? I want to talk to our daughter." walang emosyong sabi ni papa.

"What? How 'bout me? I also want to talk to our daughter. I won't leave her here, marco." napahilot si papa sa ulo niya kaya kinabahan ako. Baka may mangyari kay papa dahil saakin.

"Please karen..."

"Fine. Huwag kang tatabi sa aking matulog marco." singhal ni mama at padabog na umalis.

Narinig kong huminga ng malalim si papa bago tumingin sa akin.

"So... who is he?" diniinan ni papa ang magkakasabi noon lalo na ng he.

"Yung sinuntok niyo po kanina papá." nanlaki naman ang mata nito.

"Then cut your friendship with him. He's no good for you rafflesia. Listen to your father hija."

"Bakit po ba papa? Ano po bang nagawang kasalanan sainyo ni thunder para itrato siya ng ganon?"

"Just do what I've said, Rafflesia. I'm just doing what's the best for you. So leave him alone."

"No papá. Mabait pong tao si Thunder. Hindi.. hindi ko po siya magagawang iwasan. Kaibigan ko po siya papa at parang.. kapatid ko na po siya."

Napaigtad naman ako ng paluin ni papa ang lamesa. Napamura ito at ginulo ang buhok.

"When I said leave him alone. You leave him alone. No more buts. I don't want to see you with him raffy. You don't want me to bring back my silent treatment to you. Right hija?"

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon