Kabanata 24

4.2K 82 11
                                    

Sorry

Maaga akong nagising ngayon dahil nangako ako kay papa na ipagluluto ko siya ng agahan. Pagkagising ko rin kanina ay wala na sa tabi ko si kalas.

Dapat na ata akong masanay na wala siya sa tabi ko tuwing magigising ako sa umaga. Pero ayos lang. Nagpaalam naman siya sa 'kin bago kami matulog na kailangan niyang umalis dahil tatapusin na niya daw ang misyon niya.

Tinanong ko pa nga kung ano ba talagang misyon niya kaso ayaw niyang sabihin. Ayaw na niya daw kasing dagdagan ang problema ko. Hindi naman 'yon problema sa 'kin ngunit hinayaan ko na lang.

Pinagmamasdan ko na ngayon ang sarili ko sa salamin ng banyo. Wala pa ring kulay ang mukha ko pero hindi na katulad noon na walang ka buhay-buhay ang ekspresyon.

Siguro dahil sa nakita ko na si kalas kaya nagkabuhay ng kaunti ang aking mukha. Napangiti naman ako ng wala sa sarili at bahagyang umiling.

Napahawak ako sa bibig ko nang parang bumaliktad ang sikmura ko. Napayuko ako sa sink at naduwal ng paulit-ulit. Napatungkod ako roon at natulala saglit.

"May nakain ba akong expired na pagkain? Pero hindi pa naman ako kumakain ha.. t-tsaka bakit wala naman akong sinusukang pagkain? B-bakit tubig lang naman?" wala sa sariling kong saad.

Napailing na lang ako at hinugasan ang aking bibig bago tumayo ng matuwid. Pinagmasdan ko ang sarili ko at napansin ko na tumataba na talaga 'ko. Napanguso naman ako nang maalala ko si kalas.

Hindi niya ba napansin ang katawan ko? Pero ayos na din 'yon. Baka kapag napansin niya iwan niya na ako ng tuluyan.

At sa tingin mo, gano'n ka babaw si kalas?

Napanguso na lang ako. Syempre hindi. Patay na patay 'yon sa'kin eh. Napahagikhik naman ako dahil sa naisip.

Tahimik akong bumaba habang nakayuko. May mga tao na rin dito sa loob, probably my mom's friends or our relatives. Bumalik na naman ang lungkot ko nang nasa harapan ko na si mama.

Hinaplos ko ang salamin na nakaharang sakanya at muli na namang nanubig ang aking mata.

"M-ma.. ang hirap pa ring tanggapin na wala kana." nanginginig kong saad. "A-at mahihirapan akong tanggapin 'yon m-ma. P-pero susubukan ko po.. para kay papa. A-alam kong mas higit na nahihirapan si papa sa pagkawala mo. At ipinapangako--hindi. Ayoko pong mangako.. hindi na po ako mangangako dahil sa nangyari sa'yo. Hindi na po ako naniniwala sa mga pangako."

Napatingala ako para pigilan ang pagdaloy ng luha ko. Ayoko ng mangako. Dahil yung huling taong nangako sa 'kin, nawala kasama ang binitawan niyang pangako.

"G-gagawin ko ang lahat ma... magiging maayos din kami. Kakayanin namin 'to, para sa'yo mama. S-sana masaya ka sa piling ng Diyos. Ipagdadasal ko na sana ingatan ka niya at alagaan. Mahal na mahal kita mama... i-ikaw ang pinakamabait at maalaga kong nanay. W-walang makakapalit sa'yo ma.. ikaw lang ang ituturing kong m-mama."

Pinunasan ko ang mukha ko at malalim na napahinga. Napatingin ako sa gilid ko at napayuko ng makita ko si Mother Superior.

"Nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong ina, Rafflesia." mahina nitong bulong.

Napalunok naman ako bago humarap sakanya at kinuha ang palad niya para magmano. Tumayo ako ng tuwid at muling pinagmasdan si mama.

"S-salamat po... "

Matagal pa kaming nakatingin kay mama bago niya basagin ang aming katahimikan.

"Hindi talaga natin alam kung anong oras ang ating kamatayan." ilang minutong walang nagsalita sa amin. "Kaya dapat sulitin natin ang bawat araw na kasama ang ating minamahal. Dahil hindi natin alam.. iyon na pala ang huling araw natin sa mundong ibabaw."

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon