Kabanata 14

5.6K 120 5
                                    

Captured

"Tumahan ka na nga kambing. Tingnan mo nga yang mukha mo. Ambaboy na, kadiri naman. Puro na sipon ang mukha mo. Kadiri talaga."

Pinalo ko naman ang braso nito at sinamaan siya ng tingin. "Ang sama mo talaga thunder. Hindi na dapat kita binisita dito. Gusto mo bang dagdagan ko yang pasa sa pangit mong mukha?"

"Aray! Wag naman. Binangasan na nga ako ng seloso mong jowa. Dadagdagan mo pa. Sayang naman 'tong gwapo kong mukha. Pag wala talaga akong nakuhang chix, babangasan ko rin yang jowa mong barumbado. Tangina, ang sakit talaga."

"Hindi ko naman 'yon jowa." mahina kong saad.

"Ay hindi ba? Then, why is he acting like a jealous boyfriend of yours?" napalunok naman ako at umiwas ng tingin.

"H-hindi ko rin alam eh.."

Napasinghap naman ito ng malakas. "I don't know what should I feel about that. Magpapasalamat ba ako kasi hindi mo yun boyfriend o maiinis kasi kung makaarte kala mo pagmamay-ari ka ng gagong yon."

"Wag ka nga magmura. Tsaka hayaan mo na siya. Ako na rin ang humihingi ng pasensya dahil sa ginawa niya. Ako rin naman ang dahilan kung bat ka nagkaganyan." mahinang sabi ko habang nakayuko.

"He's bad for you, Raffy. I have this gut feel that he's a dangerous person. You should avoid him raffy. He's no good for you. Trust me."

Naramdaman kong kumirot ang aking dibdib. Bakit ba lahat ng tao, ang tingin sa kanya ay masama? Hindi naman nila kilala ng lubusan 'yong hinuhusgahan nila.

Ako 'yong nasasaktan sa tuwing may nagsasabi ng mga masasamang salita tungkol kay kalas. Kasi... alam kong hindi siya masamang tao kagaya ng tingin sakanya ng ibang tao.

Bakit ang daling humusga ng mga tao?

"Hoy.. okay ka lang ba? Natulala ka na diyan eh."

Tumango lang ako rito at tipid na ngumiti.

"Basta huwag mo na yung lalapitan ha. Huwag ka ng lalapit kay... teka ano nga ulit ang pangalan non?"

"Kalas."

"Tamo, pati pangalan pangit rin." pinalo ko naman ito sa balikat at sinamaan ng tingin. Dumaing naman ito at ngumuso sa akin.

"Nakakarami ka na ha.. nako kung hindi ka lang ano eh..."

"Ano?"

"Kung hindi ka lang kako kambing. Kasi animal abuse 'yon.. ayoko makulong---aray! Bat niyo ba akong laging sinasaktan? Hindi naman ako punching bag--aray! Oo na titigil na nga eh."

"Itikom mo na lang yang bibig mo, Thunder. Puro mga kabulastugan lang ang lumalabas sa bibig mo."

"Ang sakit mo naman magsalita kambing. Magmamadre ka ba talaga? Bawal ang demonyo sa loob ng simbahan." humalakhak ito ng malakas habang pumapalakpak pa.

"Ewan ko sayo. Lalabas muna ako... "

"At saan ka naman pupunta? Dito ka lang. Baka bigla na lang magannounce na may nawawalang bata na ang pangalan ay Raffleasia--"

Tumayo na ako at aalis na sana nang hawakan nito ang palapulsuhan ko at natatawa akong tiningnan. Walang emosyon ko lang itong binalingan.

"Eto naman.. ang pikon mo naman baby girl. Chill ka lang, sige ka magkaka wrinkles ka niyan baka hindi kana akuin ni lord sa langit---"

"Bahala ka na nga."

Bago pa ako makalabas ng pinto ay sumigaw pa ito.

"Bumalik ka agad baby girl! Kapag hindi ka agad nakabalik, gigibain ko tong hospital na 'to. Naiintindihan mo?"

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon