Kabanata 2

9.6K 276 44
                                    

Not gonna happen

Nagmamadali ako sa pag-aayos dahil mag aalas onse na ng umaga nang magising ako. Ngayon lang ako tinanghali ng gising sa buong buhay ko simula ng magka-isip ako.

Agad kong kinuha ang aking suklay at dali-daling inayos ang magulo kong buhok. Medyo sumasakit din ang likuran ko. Siguro dahil sa sobrang paghiga ko mula sa pagkakatulog.

Nakita ko rin ang maitim na kulay sa baba ng mga mata ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukha akong multo sa itsura ko. Pa'no ba naman kasi ay madaling araw na ako nakatulog. Nakailang basong gatas na ako ng nainom pero hindi pa rin agad ako nakatulog. Nagmukha na akong tanga kagabi dahil sa walang tigil kong paggulong sa kama.

Nang maisip ko kung sino ang dahilan noon ay mas binilisan ko pa ang aking pagkilos. Nang makababa ako ay agad kong hinanap sila mama. Ang naabutan ko lang ay si Papa na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Tumingin ito sa gawi ko at tinaasan ako ng kilay.

Napayuko naman ako at bumati sa kanya. "Tinanghali ka ata," malamig nitong saad habang nakakunot ang noong nakatingin sa 'kin. Kinagat ko ang aking labi at pinaglaruan ang aking mga daliri na nasa aking likod.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay kinausap niya na rin ako o matatakot dahil sa sinabi nito. "P-pasensya na po Papá. Napagod lang ho siguro ako," mahinang sabi ko habang nakayuko pa rin ang ulo.

Inangat ko naman ang ulo ko nang matagal na hindi umimik si Papa. 'Yon pala ay muli nitong binalik ang atensyon sa kaniyang binabasa. Huminga ako nang malalim at napatingin kay Nanay Rosing na kanina pa pala nakatingin sa 'kin. Agad ako nitong nginitian at isinenyas ang aking upuan para ako ay maupo na.

Ngumiti naman ako sa kanya at agad na nagtunggo sa aking upuan. Tahimik kong pinagmamasdan si Nanay habang hinahanda ang aking pagkain sa hapag. Agad naman akong nagpasalamat at nagsimula ng kumain.

Nang matapos na ako ay tumikhim ako para kuhanin ang atensyon ni Papa. Hindi agad ako nito nilingon kaya tinawag ko na ang pangalan nito na agad namang tumingin sa 'kin.

Kinakabahan man ay tinanong ko pa rin ang kanina ko pang gustong itanong simula ng magising ako, "K-kumusta na po ang kalagayan ng lalaki, Papá?" Seryoso naman akong tinitigan ni Papa at matagal bago ito sumagot.

"Maayos na ang lagay niya. Maya-maya ay pupunta na rito ang nurse na mag-aasikaso sa kanya. Hindi ko na siya matututukan dahil may aasikasuhin pa ako sa trabaho." Tumango naman ako at ngumiti nang matipid.

"Maari ko po ba siyang makita Papá?" Napakunot ulit ang noo nito at tumango nang bahagya. Napangiti naman ako at agad na nagpasalamat. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto kung nasaan ang lalaki.

Hinawakan ko ang door knob at unti-unti itong binuksan. Nagtaka naman ako kung bakit walang ilaw sa loob ng kwarto. Agad ko namang kinapa sa gilid ng pader ang switch ng ilaw. Nang mabuksan ko na ito ay nakita ko ang isang nakapikit na lalaki.

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nito. Natatakot akong muling makatagpo ang matalim na berde nitong mga mata. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha nito. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa estruktura ng perpekto nitong mukha.

Hindi ata makatarungan kung gwapo lang ang ihahambing sa mala adonis nitong mukha. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong kaperpektong mukha bukod sa aking Papa. Mukhang maayos na ang kalagayan niya dahil hindi na siya kasing putla katulad kahapon.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya. Akmang ilalayo ko na ang mukha ko nang bigla nitong minulat ang mga mata nito kaya agad na sumalubong sa akin ang matingkad na kulay berde nitong mata.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon