P2

38 7 0
                                    

#SWP2


"Mas masarap ang maging bata,
Yung tipong iiyakan mo ang iyong laruan kapag ito'y nasira,
Sumasaya kana kapag may bagong kalaro ang nakakasama,
Pero kapag nawala na sila,
At sa paglipas ng taon ikaw ay matanda na,
Doon mo lang mauunawaan, na mas masarap talagang maging bata, na mas iniiyakan ang simpleng sugat sa paa,
Kaysa ngayon na mas iniiyakan mo ang taong sa huli'y iiwan ka." -Unspoken 1

. . .

Nagising ako sa sunod-sunod na tilaok ng manok. I looked at the clocked and was shocked to see that its already six o'clock in the morning. Wala sa sarili akong bumangon sa aking higaan. Dali-dali kong sinuot ang aking tsinelas and ran out of the room. Hindi ko na inabala kung anong suot ko at ang gamit kong tsinelas basta maka-alis lang ako agad ay sapat na ako.

Ngayon na ang alis nila pa'amerika... I need to see him. I silently pray to god na hindi pa sila nakaalis at maaabutan ko pa sila. Siya nalang nga ang kaibigan ko dito, aalis pa siya. Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na agad napansing nasa harapan na pala ako ng kanilang pamamahay. Nalula ako sa sobrang laki nito. Mas malaki pa sa mansyon namin.

"Saan ka pupunta?!" sigaw sa akin ng guard at hinarang ako ng akmang papasok na ako sa gate.

Palingon-lingon lang ako at hindi na inabala ang parami na parami na mga guard sa harapan ko. Una kong napansin dito ay ang sobrang dami ng mga sasakyan sa labas kaya dahil sa liit ko hindi ko makita ang loob kung may mga tao pa ba sa loob ng mansyon.

Tuluyan ng nagsihulugan ang aking mga luha nang mas dumami pa ang mga guard na humarang sa akin, tinatabunan na ng kanilang katawan ang paningin ko sa loob ng mansyon. Ngayon lang ako nakapunta dito sa bahay nila kaya hindi ako kilala ng mga guard bilang kaibigan niya. Kahit gustuhin ko man na pumunta dito, hindi pa rin ako pinapayagan niya kasi daw delekado, baka mapahamak lang ako.

"N-nasaan na po ang may-ari dito?" I said.

Kumunot naman ang kanilang noo at nagtatakang napatingin sa akin. Siguro'y hindi nila inaasahan na magtatanong o hahanapin ko ang may-ari sa kanila.

"Bakit mo sila hinahanap?" maangas na sabi ng isa.

"Gusto ko lang pong makausap ang kaibigan ko." Tinanaw ko ulit ang mansyong natatabunan ng mga guard, sa sobrang liit ko ay wala na akong makitang kahit isang bahagi nito.

"Sino bang hinahanap mong kaibigan?" Doon ako napatigil.

Ang lakas kong pumunta dito pero kahit pangalan man niya hindi ko man lang alam.

"S-si ano po—" napahinto ako sa pagsasalita ng makitang may nagsisilabasan na mga dalaga.

Ang ganda ng mga ito at makikinis, ibang-iba sa itsura ko ngayon na walang ligo, kahit suklay lamang hindi ko pa nagawa. Bigla akong nandiri sa sarili dahil sa nakita.

"Anton, pasalubong ha!" they giggled softly.

Nakatingin lang ako sa kanila. Nabuhay ang dugo ko ng marinig ang boses na tumugon. Tingin ko'y kausap ito ng mga dalaga na nagsilabasan.


"Oo naman, kayo pa ba. Kapag nakauwi ako!" my nervousness grew stronger when I heard that voice again. I was about to go to the gate when the guards blocked me again.

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now