P7

21 2 0
                                    

#SWP7

"Anton, bumalik ka." Lumipat ang kaniyang paningin sa akin kaya ganun nalang ang paghugot ko ng sariling hininga ng bigla siyang ngumiti. 

Magkasabay silang nagsibabaan sa kani-kanilang kabayo nila Kuya Maverick at Kuya Nate. 

"Oh, ang laki mo na ah!" Bungad na bati sa akin ni Kuya Nate sabay ngiti. Kinilig ako sa kaniyang ngiti dahil ang kaniyang dimple ay bumaon sa kaniyang pag ngiti.  

"Lumalaki pala 'yan si Beverly? Parang 'di naman." Panirang sabi ni Phoenix. Agad nawala ang aking ngiti at paningin kay Kuya Nate. 

"Ikaw, kahit kailan panira ka talaga ng mood!" Nakasimangot kong sabi. Akmang susugod na dapat ako sa kaniya ng maramdaman akong hinila ako. Pag tingin ko'y si Anton pala iyon at agad akong inakbayan. 

"Lagi nalang kayo nag-aaway, bawat dating ko dito sa Isla Amore'y iyon ang aking naaabutan."  Ani niya.

Seryoso at buo ang kaniyang tinig pero iba ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Kumikinang ito sa saya habang nakatingin sa aming mga kasama. 

Halos hindi ko na masabayan ang kanilang pag-uusap. Nariyan din ang mga usapan nila tungkol sa kanilang negosyo. Lalo na ang negosyo nila Kuya Nate. Kasalukuyan kasing siya ang humahawak nito. 

"Anong balak niyo sa isang linggong pananatili mo rito, Anton?" Biglang sabi ni lolo na nakakuha ng aking atensyon. 

"Isang linggo kalang dito?" Tanong ko rin. Bumagsak ang aking balikat doon. 

"Oo, nagkaproblema rin kasi sila Mama sa Maynila. Kailangan kong pumunta doon bago tuluyang pumunta sa Amerika." Tugon ni Anton. 

Ibig sabihin, hindi siya magtataggal dito at kung patuloy na kukunin siya ng kaniyang mga kaibigan ay wala na rin akong pagkakataon upang makasama siya. Wala akong sapat na oras para nakasama siya. 

Nag-aagaw na ang dilim at umaga ng magdesisyon na si Phoenix Wyatt na ihatid na ako pabalik ng bahay. Nanghinayang ako dahil sa bilis ng oras. Naglalakad na kami papuntang sasakyan niya ng biglang sumulpot si Anton sakay ng kaniyang kabayo. 

"Nix, ako nalang maghahatid sa kaniya." Ani niya ng mapatigil na ang kabayo sa aming harapan. 

"Sure," agad namang tugon ni Phoenix. 

Gulat ko silang tiningnan. "H-huh?" 

"Ako na maghahatid sayo." ani ni Anton.

Namula ako ng bumaba siya sa kaniyang kabayo at kunin ang aking kamay. Ganun nalang ang gulat ko ng imbes na sa sasakyan niya ako dalhin ay doon kami dumeretso sa kabayo niya. 

"Diyan tayo sasakay?" Tanong ko. 

"Oo," sunod-sunod siyang tumango. "Ayaw mo? Hiramin nalang natin ang sasakyan ni Nix." Dugtong niya pa. 

Agad naman akong umiling at nauna nang sumampa sa kabayo.

 "Beverly!" 

"Mahulog ka!" Rinig kong sabay nilang sabi ni Phoenix. 

Napakamot naman ako sa aking ulo at nginisihan sila. "Over ha," 

"Ikaw, kung mahulog ka diyan at mabagot ang ulo mo, pasanin ko pa! Hindi ka nagiingat!" Galit na sigaw ni Phoenix na aking ikinanguso. 

"Hindi na po mauulit, Tatay Phoenix." Sarkastiko kong sabi. 

"Ikaw talaga—" natigilan siya ng tapikin siya sa balikat ni Anton. Walang imik niya nalang akong pinalakihan ng mga mata kaya binelatan ko lang siya bilang pang-aasar. 

"Una na kami." Tango lang ang tanging naitugon ni Phoenix kay Anton at seryoso na kaming tiningnan.

Sumampa na rin si Anton sa kabayo at pinaandar ito. Iniiwas ko na ang paningin kay Phoenix hanggang sa nilisan na nga namin ang kanilang mansyon. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now