P4

29 5 0
                                    

#SWP4

Hindi paman tuluyang natatapos ang unang araw namin sa paaralan ay muli ko na naman nakita si Phoenix Wyatt. Hindi ko alam anong mayroon sa kaniya pero talagang mapilit siya't mas gusto akong kasama. 

Ang eksenang iyon ay dala-dala ko hanggang sa ako'y magtanda. Si Phoenix Wyatt lamang ang aking nakakasama sa tuwing ako'y nasa paaralan. Siya lang ang tanging nariyan tuwing ako'y naaapi dahil sa mga kaklase kong pinaglihi yata kay Satanas. 

At si Anton? 

Tulad ng sabi niya, bumabalik naman siya dito sa Isla Amore tuwing bakasyon nila. Para sa akin, okay na ako doon, kaysa naman umalis nga siya pero hindi na bumalik. 

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang aking cellphone. Naglakihan ang aking mga mata ng makitang si Anton ang tumatawag. Tiningnan ko muna si Phoenix Wyatt at inayos ang sarili bago sinagot ito. 

"Anton!!" Halos patili kong bungad sa kaniya. 

"Ang tinis talaga ng boses mo." He laughed. 

Akmang may sasabihin na sana ako ng bigla itong kunin sa akin ni Phoenix Wyatt at ni loud speaker. 

"Sinabi mo pa," he scoffed. 

Napanganga ako at sinapak siya.

"You idiot!" I retorted. Inirapan niya lang ako.

"Alam mo ba itong si Beverly, may nanliligaw na sa kaniya."
Pagsusumbong ni Phoenix Wyatt.

Sinubukan kong agawin sa kaniya ang aking cellphone pero masyado siyang mataas para maabot ko ito. 

"Hindi 'yan totoo!" ani ko at pinandilatan siya ng mata. 

"Anong hindi, andami nga e!" pinagdilatan din niya ako ng mata.

"Ulol!" Sa sobrang inis ko'y nasabi ko nalang. Doon ko lang napagtanto ang sinabi, pagkaraan ng ilang saglit.

"Ang baho ng bibig mo, Beverly!" Nandidiring sabi niya. Rinig ko ang pagtawa ni Anton mula sa kabilang linya. 

"Mas mabaho sayo, amoy kanal!" Inamoy niya rin ang kaniyang bibig at nang may mapagtanto'y sinamaan niya ako nang tingin. 

Binelatan ko lang siya't tumakbo na palayo sa kaniya. Bahala siya makipag-usap kay Anton. Dumeretso na ako sa book store. Actually, nandito kami ngayon sa Mall para bumili ng notebook at libro. Ubos na kasi ang mga babasahin ko sa bahay at notebook nama'y ubos na rin, sa dami ba naman ng mga poetry na aking ginawa. 

Hilig ko talaga ang pagsusulat ng mga tula. Hindi ko alam pero isa iyon sa mga gusto kong makamit sa buhay, ang maging kilala sa larangan ng tula. 

Pagkapasok ko sa bookstore ay dumeretso na ako sa mga libro. Nangningning agad ang aking mga mata dahil sa mga bagong labas na libro. Lumapit ako ito at binuklat bago inamoy. Hindi ko alam pero gusto ko talaga ang amoy nang libro. 

It's smell magical...

"Umayos ka nga, Toni. Ilang beses ko bang sinabi sayo na iwan mo na 'yang lalaki na 'yan kasi wala ka naman mapapala doon." 

Napatingin ako sa katabi kong babae. Palihim na umiiyak ang isa habang ang isa naman ay inaalo siya. Sa tingin ko'y magkaka-edad lang kaming tatlo pero magkaiba ang eskuwelahang pinapasukan dahil sa magkaiba ang suot naming uniporme. 

"Pero mahal ko pa rin siya, kahit gaano ko pa man pilitin sa sariling pagod na ako, hindi ko na kaya. Siya pa rin talaga...siya pa rin." She shrieked. 

"Shhh, shh bes naman...andaming tao, huwag kang sumigaw!" 

Tsk. Tsk. Tsk. 

Dito sa mundo talaga walang pinipili. Pagdating talaga sa katangahan at pagiging martir, babae talaga ang nauuna. Kita niyo 'yon. Sinaktan na nga't lahat-lahat pero bumabalik pa rin sa taong nanakit sa kaniya. Okay lang naman bumalik sa taong mahal natin, okay lang talaga. Pero kapag alam mong mali na ang pag-ibig na pinaramdam, matuto naman tayong sumuko. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now