P10

18 2 0
                                    

#SWP10

"Wala akong pakealam, may babae ka man o wala. Kung ano ang nakita ko iyon na 'yon." Inirapan ko siya at nagsimula na ulit maglakad. 

"Hays, kahit kailan talaga ang tigas-tigas ng ulo mo." Palihim akong natawa. 

Totoo ang sinasabi niya at hindi ko iyon itatanggi, talagang pasaway ako. Si Anton ang saksi sa lahat ng sigaw ng Papa ko tuwing napapagalitan ako. Siya rin iyong taong nakakakita ng mga katangahan ko. He's my best friend and kung sino man mas nakakakilala sa akin, siya iyon. Lahat nalang guro ng tungkol sa akin ay alam niya. 

"Tara na!" Nabigla ako ng patalon niya akong inakbayan. Halos mapaupo na ako dahil sa bigat ng kaniyang brasong nakapulupot sa aking leeg.

"Hindi ako makahinga!" Inis kong sigaw habang tinatapik ang kaniyang braso para ialis niya ito sa pagkakapulupot. 

"Sabihin mo muna sasama ka sa akin." Ani niya. Nahihirapan na akong makahinga. 

"Ayoko nga sabi, may gagawin pa ako!" Nahihirapan kong sabi dahil sa pagkakasakal.

Hindi naman siya masakit, nauubusan lang ako ng hininga dahil sa bigat ng kaniyang braso.

"Nyenyenye..." kahit nahihirapan ay nagawa ko pang mang-asar habang nakalabas ang dila. 

Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. "Ah ganun ha," Niluwagan niya ang pagkakahawak sa akin sabay kiliti sa aking bewang.

Napaigtad ako sa gulat. 

Tawa kami ng tawa habang nasa gilid ng daan. Siya kinikiliti ako, habang ako'y pilit pinipigilan ang malikot niyang mga kamay. Mas lumalakas pa ang tawa ko kapag dumadapo ang kaniyang kamay sa parte ng mas nakakakiliti sa akin. 

"Ano ha, lalaban ka pa?!" Ani niya. 

"Tama na!" Ani ko sa gitna ng tawa.

Pero hindi siya nagpaawat, patuloy niya akong kinikiliti habang tumatawa kasabay ko. Parang sa ganung eksena siya kumukuha ng lakas upang makatawa. 

"Nang-aasar ka pa, 'kala mo naman ikaw mananalo sa akin!" Padarang niyang hinila ang upuan malapit sa kaniya. 

Andito kami ngayon sa isang parke na dinadayo ng maraming tao, kaya marami din vendors ang nandito.  Pagkatapos niya akong kilitiin ng kilitiin at nang sumuko ako'y pinasakay na niya ako sa kaniyang mamahaling sasakyan at dinala dito. Hindi naman ako nagsisi dahil nakakaginhawa dito, masarap ang simoy ng hangin kahit pa tabi lang ito ng kalsada. 

"Andaya-daya mo, dati rati nasusuntok pa kita pero ngayon hindi na!" 

"Kahit naman nasusuntok mo ako dati hindi pa rin naman masakit." Tumawa siya ng malakas. 

How dare him!? 

"Hoy, lahat ng nasusuntok ko dati umiiyak. Ikaw rin naman ah, umiyak ka!" 

"Umiyak ako hindi dahil sa suntok mo, umiyak ako kasi nadumihan yung shorts ko." 

"Ah, si Mister ayaw-madumihan ka pala, sorry ha nakalimutan ko, Mahal na Prinsipe." Ngumiwi ako na parang nandidiri. 

"Ikaw si Miss Panget!" Naglakihan ang aking mga mata ng sabihin niya iyon. 

"Wow ha, gwapo ka?!" I exclaimed. "Gwapong-gwapo sa sarili ha, akala mo naman hindi naligo sa kanal dati!" 

"E ikaw nga, natapakan mo yung tae ng baka!" Tugon niya rin. 

Mas naglakihan ang aking mga mata at hindi makapaniwala siyang tiningnan. 

"How dare yo—" hindi ko na natapos ang aking sinasabi ng ipalamon niya sa akin ang sandamakmak na fries sa bibig ko. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن