P9

17 2 0
                                    

#SWP9 

Kinabukasa'y hindi pa naman sumasapit ang tanghali pero okupado ko na ang aming malawak na kusina ng aming mansyon. Kanina pa ako dito at wala pang kain mula kaninang almusal. 

"Ma'am, baka mapaso kayo...papagalitan kami ni Mayor." Umiling ako. 

Pang ilang sabi na ba niya 'yan? 

Okay naman ako, kanina pa rin ako napapaso pero habang tumataggal nasasanay na ako sa sakit. Maliit lang naman iyon, mainit sa pakiramdam at parang namamaga pero agad din naman nawawala. 

"Okay lang po ako dito," tinabunan ko ang niluluto kong sinigang na baboy. Nakakagutom yung amoy. "Ano nga po ulit susunod na ilulunod?" Tanong ko. 

"Ah, yung gulay na." Taranta niyang kinuha ang gulay. Agad ko naman itong inagaw. "Ako nalang maglalagay, masyado ng mainit ang takip ng kaldero baka mapaso kana." 

"Ako na po, promise hindi po ako magsusumbong kay Daddy kapag may nangyari sa akin." 

"P-pero..." 

"Yaya, I can do it." Binuksan ko na ang takip. Lumabas tuloy ang mabangong usok mula sa aking niluto, agad ko nang nilunod ang gulay. 

Tiningnan ko ang oras. Malapit nang magtanghalian, siguro narito na si Anton maya-maya. "Pakilinisan nalang po ang lamesa tapos pakihain nalang din po itong niluto ko kapag naluto na." 

"Sige-sige, mabuti naman at pinaubaya mo na sa akin 'to, naku parehas na parehas talaga kayo ng nanay mo!" Napapakamot pa siya sa puti niyang buhok. 

Ngumiti lang ako. "Maliligo lang po ako, baka kasi dumating na si Anton." Tumango lang siya at ginawa na ang aking inuutos. Masaya naman akong umakyat at pumasok na sa aking kwarto. 

Halos umabot pa ako ng isang oras sa pagliligo dahil sa kakakuskos ko sa aking balat. Pakiramdam ko kasi ang dumi-dumi ko at ang baho ng aking pawis ay dumidikit sa aking balat. Sinuot ko na ang aking bistidang bulaklakin at umikot sa harap ng salamin. 

"Ang ganda ko!" Hindi ko maiwasang puriin ang sarili. Bagay na bagay sa akin ang aking suot at ang pisngi at labi ko'y pumupula pa, hindi dahil sa koloreteng katulad sa nilalagay ng ibang babae sa kanilang mukha kundi dahil sa normal nitong pagkatingkad. 

Sinuklay ko ang aking buhok pagkatapos ay tinali ang maliit at manipis na bahagi ng aking buhok sa gilid nang ulo ko—sa may kaliwang bahagi. Isang beses ko bang tiningnan ang aking ayos sa harap ng salamin bago nagpasyang lumabas na. 

Siguro nama'y nariyan na si Anton. Sabi niya kagabi tanghali daw siya makakapunta sa akin dahil nakapagpaalam na naman siya kanila Kuya Nate. Halos lampasan ko na nang isang hakbang ang bawat baitang ng aming hagdan sa sobrang pagmamadali. Gusto ko na siyang makita, pagkatapos nito...yayayain ko naman siya pumunta sa studio ko dito sa bahay para iparinig ko sa kaniya yung mga hinanda kong poetry para sa kaniya. 

Ilang taon ko na ba siyang hindi nabigyan ng tula? Simula nung narinig ko ang mga sinabi niya, hindi na ako naglakas ng loob na bigyan siya. 

Sobrang saya ko pa nung makababa na ako ng tuluyan at pumunta sa dining area pero agad na bumagsak ang aking balikat ng makitang walang ibang tao doon kundi ang aming maid. 

"Wala pa po si Anton?" Ani ko nang makalapit sa lamesa. 

"Naku Ma'am, wala pa po." Nawala ang aking ngiti at napatingin sa relo ko. 

Anong oras kaya siya darating? 

Ako: 

    Anton, hihintayin kita. 

Umupo ako sa upuan at nilaro muna ang aking cellphone. Sa sobrang busy ko sa akin cellphone ay hindi ko man lang namalayan ang oras. Ala-una trenta na't wala pa rin siya. Gutom na gutom na rin ako pero wala akong ganang kumain.

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now