P20

14 1 0
                                    

#SWP20 

Hindi...hindi ko kayang umibig muli. 

Phoenix's confessed to me. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mayroon sa sarili kong umibig ulit pero hindi ko naman kayang payagan ang gusto niya. Matagal ko ng kaibigan si Phoenix, kaya hindi ko alam kung tama bang gustohin ko rin siya. 

Mahalin ko daw siya dahil mahal ko siya hindi yung dahil pinipilit niya lang ako. Panatag akong ganun ang iniisip niya. Hindi niya naman ako pinipilit na mahalin siya sadyang hindi ko pa alam kung magbubukas ba muli ang puso ko.

Hindi man niya natanggap ang hinihingi niyang oo, sinabi pa rin niyang maghihintay siya sa akin at liligawan ako hanggang sa magustuhan ko rin siya pabalik. 

Kaya ko kayang magmahal muli? Kaya ko kayang mabigyan pa ng chance si Phoenix? Kaibigan ko si Phoenix at ayoko sa lahat ang nasasaktan siya pero ngayong ako naman ang gumagawa nun, masakit sa pakiramdam. Ayoko siyang nasasaktan pero ayoko rin masaktan tulad nung mga panahong minahal ko ang kaniyang pinsan. 

Naalala ko na naman yung mga panahong mag-isa nalang ako sa malaking bahay. Parehas kong tinaboy ang dalawa kong kaibigan. Ayaw kong nakikita ang pagmumukha nilang dalawa sa mansyon dahil mas lalo lamang akong naiirita. Kapag maririnig kong dadalaw sila sa akin, hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Puro kwarto lamang ako't nagkukulong magdamag. 

Halos araw-araw akong umiiyak, nagdurusa, at humihingi ng pag-asa. Sobra akong nawasak nung mga panahong 'yon. Hindi ko alam kailan matatapos ang pagdurusa ko. Wala akong masasandigan na pamilya dahil kahit sila hindi ako gustong makasama. 

"Mommy, please...umuwi na po kayo dito." Sabi ko habang patuloy na humihikbi.

Isang araw nung sinubukan kong tawagan ang numero ni Mommy at nagpasalamat naman ako na sinagot niya pa rin ito. 

"Busy ako, Beverly. At saka, tigil-tigilan mo nga 'yang pagiinarte mo diyan! Nandyan naman si Manang ah, matanda kana hindi mo na ako kailangan diyan." 

"Mommy, kailangan kita. Please, mommy!" Pagmamakaawa ko ulit. 

"Alam mo, maswerte ka nga't hindi ka pinatapon sa bahay ampunan e! May matitirhan ka't maraming pera kaya huwag kanang humingi ng ibang bagay. Malaki kana, Beverly. Matuto kang mag-isa!" 

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang pinatay ang tawag. Nanlulumo kong ibinaba ang aking cellphone at tumitig sa kawalan. 

Sana nga ganun, Mommy. Sana kaya kong mag-isa... pero hindi e. Anak mo rin ako na nangangailangan ng atensyon mo. 

Tinigil ko ang aking pagiging content creator sa YouTube. Hindi ko dinelete ang aking YouTube account, sadyang nilayo ko lang ang sarili ko sa mga social medias lalo na ngayong sunod-sunod ang mga balita tungkol sa achievements ni Ate Jasmine at mommy sa kanilang career. May mga nakikita rin akong balita tungkol sa mga orphanage na tinutulungan nila Mommy. Inggit na inggit ako dahil mayroon silang oras para sa ibang bata pero para sa akin, na anak at kapatid, wala. 

Nilayo ko man ang sarili ko sa pagiging content creator, binuksan ko naman ang puso ko sa pagiging manunulat ng mga nobela. Nagkaroon ako ng pag-asa upang mabuhay muli. I become a published author at may dalawang libro na pinamagatang: Mga tula ni bebs 1 &2. 

Masaya ako dahil may pagbabago na muli sa sarili ko. Hindi na ako nag-iisa. Bumalik ang sigla ko, lalo na nung malaman kong marami ang oportunidad na naghihintay sa akin at marami rin ang sumusuporta sa akin. Nawalan ako ng pag-asa nung una pero nagbalik ito ng makita ko ang kakayahang buoin ang sarili. Hindi man lahat, pero paunti-unti. 

Patuloy ang takbo ng mga araw, namalayan ko nalang ang sarili na nasa harapan na ng matandang Villanueva. Ayoko mang bumaba dahil sa takot na mahusgahan ulit ng mga tao, pinilit ko pa rin dahil ayokong bastusin ang taong tinuring narin akong parang isang apo. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now