P30

6 1 0
                                    

Kabanata 30
#SWP30

"A-anong dapat kong gawin?"

"You have to go to Manila and close the deal with your mommy. I know it's difficult for you to go visit her there, especially given what happened to you before, but this is the only way. Remember, if you don't close the deal, many people from Isla Amore would go hungry and lose their jobs."

"Y-yes, Tito. I'll try."

"You should do it. I know you can," rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Please..."

Hindi ko na siya tinugon pa at binaba na ang tawag.

I have to go to manila. Kailangan ako mismo dahil ayaw ni Mommy na tumatapak dito sa probinsya naming. Minsan na siyang nilait dito ng mga tao, pati pamilya namin kaya ayaw na ayaw niyang tumapak dito. Gusto niyang ako mismo ang pumunta sa kanila para ano? Para ipamuka niya sa aking wala akong kwentang anak at mas magaling pa ang ibang tao kaysa sa akin? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga araw na nagdusa ako dahil sa mga sinabi niya sa ibang tao.

Wala siyang Beverly na anak?

Kung pwede lang palitan ang mga nakasaad sa aking birth certificate baka matagal na niyang ginawa. Ganun siyang klaseng ina. Ganun siya kawalang kwentang ina.

Kinabukasan, paggising ko'y agad kong binuksan ang aking camera at nag-video sa sarili.

"Watzaap, mga bebebs. As you can see naman na bagong gising pa talaga ako at nakatutok na agad ang camera ko sa akin. So, ayun nga, kailangan kong bidyohan ang araw na ito dahil napaka-espesyal nito sa akin. Alam kong andami nang nagre-request sa akin na mag vlog ako kasama si nobyo pero hindi ko ginagawa kasi busy siya at busy rin ako. Kaya ngayon, tutuparin ko na ang mga request niyo. Ngayong araw, monthsary namin ni Phoenix."

Tumigil ako magsalita at tumayo para makalabas na nang aking kwarto. Habang pababa'y muli na naman akong nagsalita.

"Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang mga plano ko today. Ilang beses pabago-bago, minsan naiirita na talaga ako sa sarili ko kasi wala na akong idea kung paano. And then boom, last week siguro 'yon. Dinala ako ni Phoenix sa tambayan namin dalawa kaya naisipan kong doon nalang din siya sorpresahin. Si Phoenix 'yung tipong mayaman pero simpleng tao pa rin. Hindi siya tumitingin sa katayuan nang isang tao, lahat gusto niya kaibiganin niya at lahat gusto niyang nakakasalamuha niya. Isa sa mga natutunan ko habang kasama ko siya sa ilang taon, iyon ang maging ikaw, habang hindi ka tumatanaw nang mataas. Ah basta, magaayos muna ako tapos update ko kayo later."

Tinabunan ko ang camera nang aking kamay bago ito pinatay. Pagkatapos nun ay tumayo na ako at agad na naligo. Mahigit isang oras din ako sa banyo. Ganun talaga ako maligo, matagal. Nagbihis na rin ako nang isang White floral Puff Sleeve Midi Dress na pinarisan ko nang white flat sandal at nilagyan ko rin nang white silk scarf ang buhok ko.

I apply also some light makeups para hindi naman ako magmumukhang dugyot. Nang masigurado ko nang okay na ako'y kinuha ko na ang camera ko at binitbit ito palabas.

"Ahy, ang ganda naman nang anak ko!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Manang nang makababa ako.

Nasa sala siya't nanonood nang tv. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Binuksan ko ang aking camera at kinuhanan kaming dalawa.

"Sabi ni Manang, maganda daw ako." nakangisi kong sabi.

Narinig ko ang tawa ni Manang, nung tiningnan ko siya doon ko nakitang naiiling-iling siya't hindi sumasangayon sa sinabi ko.

"Manang!" Nakasimangot kong sabi. Mas lumakas lang ang tawa niya at niyakap na rin ako pabalik.

"Palagi kang maganda sa paningin ko. Ayawan ka man nang lahat, mananatili pa rin ako sa tabi mo."

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now