P21

9 1 0
                                    

Unedited.

#SWP21 

"Anton..." 

I gasped. I try to touched anything to support my weight. Pakiramdam ko tuloy mahihimatay ako habang nakatingin sa taong nasa harapan ko. 

"B-bakit ka nandito?" I asked. Avoiding his eyes. 

"To see you," nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. "After all those years, I realized that it's still you I'm inlove with. Ikaw pa rin talaga." 

"Love?" Pagak akong natawa. "You still inlove with me—andali lang sabihin, Anton, nuh. Andali lang sabihin pero hindi mo kayang ipakita! Those years bago mo narealized na mahal mo ako ay sobra akong nasaktan. Lahat ng taon na iyon tiniis ko dahil sa pagaakala kong mahal mo ako. Ako pa rin, huh? Talaga ba? After you left me para lang makasama mo yung babae mo! Gago ka!" 

"Babe, mage-explain ako..." 

Babe, your ass...

"Explain, what? That after you cheated on me while we're still in a relationship, umalis ka ng bansa para lang sumama sa malandi mong ex...mahal mo pa rin ako?!" 

Naalala ko pa yung mga araw na paulit-ulit akong nagmamakaawa sa kaniyang huwag ako iiwan. Pero ano ginawa niya? 

"Anton, please.  . . umuwi na tayo." Nanghihina kong sabi. 

Ilang linggo ko na itong panghahabol sa kaniya. Hindi kami naghiwalay, I promised to myself na kapag magiging kami sisiguraduhin kong kami lang talaga. Kung mag-away man kami't may hindi pagkakaitindihan, aayusin agad. Pero ngayon, umabot na ako ng ilang linggong kakahabol sa kaniya pero wala pa rin nangyayari. 

"Anton, please..." unti-unti akong lumuhod. Tiningala ko siya na gulat akong tiningnan. May pagsisisi sa kaniyang mata pero mas lamang ang kagustuhang sundin ang gusto niya. 

"I don't love you anymore," iyon pa lang ang sinasabi niya pero masakit na para sa akin. 

"H-hindi mo na ako mahal? Parang ang bilis namang magbago ng puso mo. Anton, matagal na kitang kilala at alam kong hindi ka ganito—" 

"Matagal mo nga akong kilala pero bakit hindi mo makitang hindi na kita mahal!?" 

"Anton, naguguluhan ka lang." Hinawakan ko siya sa kaniyang mga kamay. "Alam kong naguguluhan ka lang. Tungkol ba ito sa arrange marraige na sinasabi ng mama mo? Pwede kong kausapin siya at itigil iyon. Anton, lahat naman may paraan e, huwag mo naman paabutin sa ganito." Sunod-sunod akong humikbi at mas hinigpitan ang paghawak sa kaniya pero nabigla nalang ako ng marahas niyang tanggalin ang aking kamay at itulak ako. Napasubsob ako sa lupa. 

"I don't love you." Mariin niyang sabi. "Hindi mo naiitindihan? Tatagalogin ko. Hindi na kita mahal. Mahal ko si Gerlyn, mula noon at hanggang ngayon. Kung minahal nga talaga kita noon baka tira-tira lang iyon." 

Tumayo ako mula sa pagkakadapa at sinampal siya. Inulit-ulit ko iyon hanggang ang sarili kong mga kamay mismo ang nagsawa. 

Sinungaling siya, sabi niya mahal niya ako pero bakit sumama siya ngayon sa ibang babae. 

He loves me, yet, he chooses her. 

"If you still thinking some ways to hurt me. Please, stop. Hindi na ako yung Beverly na kilala mo." 

"Beverly, please. . . Alam kong kasalanan ko lahat pero pag-usapan naman natin 'to oh." He begged. "A-alam kong ako pa rin yung mahal mo." 

Simula nung araw na iyon, pinangako ko sa sariling kakalimutan ko narin siya. "I hate you. That's real." I saw how pain filled his eyes with what I say. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now