P28

8 1 0
                                    

#SWP28

Pagkatapos namin tumingin ng mga bituin at magpahangin sa dalampasigan ay agad naman akong hinatid ni Phoenix sa bahay. Hindi pa nga niya gustong umuwi pero pinipilit ko kasi baka hanapin na ako ni Manang.

“Baby,” nakanguso niyang ani.

Pababa na sana ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko para pigilan. “Po?” Tugon ko.

“Huwag ka munang umuwi, kain muna tayo ng burger sa jabee!”

“Busog pa ako, by.” Pagtanggi ko.

“Ako, gutom!” nakasimangot na siya, “Sige na! Sige na!” Napatawa ako dahil sa kakulitan niya.

“Shh,” agad ko siyang pinigilan at mabilis na hinalikan sa labi. “Bukas nalang ah,” malambing kong sabi habang hinihimas ang pisngi niya.

Lumambing ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. “Sige,” iyon ang sinabi niya pero kabaliktaran naman iyon ng sinasabi ng ekspresyon niya. Kunyaring naglulungkot-lungkotan siya.

“Goodnight, hal. Bawi ako bukas.”

Tumango na siya kaya ng akmang bababa na ako ulit, akala ko papakawalan na niya ako pero ganun nalang ang gulat ko ng muli akong mapabalik sa kinauupuan ko.

“Mahal nga!” igik ko.

Napatawa siya at ipinalibot ang kamay sa bewang ko. Naglalambing na yumakap.

 “Diyan ako tulog…” bulong niya sa tenga ko.

Bahagya akong napaiwas sa kaniya dahil sa kiliting hatid nun sa akin.

“Bawal, magagalit si Manang.” Sinamaan ko siya ng tingin. Mukha niya may binabalak e! “Ano na naman ang binabalak mo?!” singhal ko.

Imbes na sumagot sa akin ay hinalikan niya pa ang tenga ko pababa sa leeg. Nakuryente ako dahil sa lakas ng intensidad nito. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang nararamdaman ko ang mainit niyang halik sa akin. Para akong hinahapo. Nakakamatay pero ayaw kong itigil.

Hindi bago ang pakiramdam na ‘to sa akin. Dati pa simula nung nangyari din ito at hanggang ngayon. We make out pero hindi na kami umaabot sa puntong gagawin na namin ang bagay na iyon.

Hindi pa namin napaguusapan ang tungkol doon kaya pinipilit muna namin ilayo ang sarili sa bagay na ‘yon. Hindi naman siya nagagalit dahil kuntento naman siya sa kaya palang ibigay ng katawan ko.

Bata pa lang naman kami at aabot din kami sa puntong ‘yon. Sa ngayon din kasi, hindi pa iyon prioridad namin. Wala pa ‘yon sa isip namin. At ayaw namin gumawa ng pagsisisihan namin sa huli lalo na’t parehas kaming hindi pa handa.

Hindi naman niya hiningi ang ganung bagay kaya panatag ako. Tiwala naman ako sa kaniyang hindi niya iyon hahanapin sa ibang tao.

Malaki ang tiwala ko kay Phoenix. Sobrang laki.

“Agh,” malakas akong napaungol at napahawak sa kaniyang balikat.

His hand trailed down to my back. Mas lalo lang niya akong pinapalapit sa katawan niya na para bang hindi pa siya kuntento sa lapit namin dalawa. Nang pailaliman niya ang halik sa akin ay tinugon ko rin iyon. Nauubusan na ako ng hininga pero hindi ko man lang kayang humiwalay kahit isang segundo, ramdam ko rin na ganun din siya.

Sa ilalim ng gabi at sa nagniningning na mga bituin. Sila ang tanging naging saksi, sa kung paano namin pagsaluhan ang init ng aming mga halik.

Ilang saglit pa'y humiwalay na si Phoenix at nilagay ang noo sa akin. Panting, his palms gently cupped my cheeks. Ang kaniyang hinlalaki ay naglalakbay sa aking namumulang labi. Kahit sa pagod kong pagngiti'y sumunod din iyon.

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now