P23

6 1 0
                                    

#SWP23 

Phoenix: 

        Let's date later.

Ako: 

       May trabaho ako mamaya, Phoenix. Baka mapagalitan ako ni Mr. Loius. 

Phoenix: 

      Tsk. Ako ang kasama mo, Bebs. At boss mo ako, okay lang 'yan. 

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. May point rin siya. 

Ako: 

     Ayoko nga! 

Dapat choosy sa una, Bebs. Dapat dalagang filipina lang. 

Phoenix: 

      Sige na🥺🥺🥺🥺

I laughed. Hindi ko alam na marunong palang gumamit ng emoji si Phoenix. 

Ako: 

     Basta ipaalam mo ako ha! Ikaw may kasalanan kung papagalitan ako nung angry birds na bakla. 

Napatawa ako ng bigla siyang tumawag sa akin. 

"Isusumbong kita, tinawag mo siyang angry birds na bakla!" Akusa niya. 

"Eh, ano naman? Totoo naman iyon ha." Tugon ko rin. 

Humagalpak siya ng tawa. "Sabagay..." 

Napatawa narin ako. "Halos lahat nga sa amin doon sa restobar iyon ang tawag sa kaniya habang nakatalikod ito at walang alam. Naku, mabuti nga hanggang ngayon hindi kami nahuhuli. Kaya ikaw boss, subukan mo lang sabihin sa kaniyang angry birds siya na bakla, ipapatapon talaga kita sa Manila Zoo!" 

Tawa lang siya ng tawa habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Napapanguso nalang ako. "Stop laughing," I said. 

 "You're so cute, Beverly." Lintaya niya. 

"Stop it, hindi mo nga ako nakikita." 

Napasabunot ako sa sariling buhok ng maramdaman ang bahagyang pagusbong ng damdamin at ang pamumula ng pisngi. Ah, shit.

"Dito pa nga lang na iimagine ko na ang mukha mo. Sa sobrang ganda mo, ikaw pa rin 'yung... 'yung future misis ko." 

Mas sumabog lang ang init sa mukha ko. "Stop it, ahh!" Impit kong tili. Kinikilig ako! 

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasaakin. Binibini, ikaw ang aking irog; ikaw ang nagpapatibok ng aking puso." 

Ano bang mahika ang mayroon si Phoenix at ganito nalang ako kiligin ngayon? I admit, he's extra hot right now. Hindi na siya yung payat na gwapo. May mga muscle na siya sa braso, umiigting ang panga, and handsome. Plus point na ang pagiging g'wapo ni Phoenix ngayon pero mayroon talaga sa kaniyang ugali ang nagbago. Parang mas bet ko ang ngayon na Phoenix kaysa nung dati. 

Nagpaalam na siya dahil may gagawin pa daw. Napailing-iling nalang ako ng bago siya magpaalam ay sinabi niya muna sa akin kung gaano niya ako kamahal. Gusto kong sisihin ang sarili dahil nagmumukha lang pinapaasa ko si Phoenix. Ayoko siyang nasasaktan. Mas lalo lang akong nagagalit sa sarili dahil nasasaktan ko ang kaibigan ko. 

"Ano kayang susuotin ko?" Tanong ko sa sarili. 

Kanina pa ako naghahanap kung anong dapat kong suotin sa date daw namin ni Phoenix. Hindi ko lang alam kung saan ba kami, kaya nalilito ako dahil baka ma'overdress ako. 

"Beverly, anak?" Napatigil ako sa pagkukumpara sa dalawang damit ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Manang. 

"Pasok po," 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now