P27

14 2 0
                                    

#SWP27 

Ang relasyon ay parang panahon, mabilis. Minsan, kahit kakagising mo palang, maya-maya niyan gagabi na agad. Kapag talaga alam mong puno ng masasayang ala-ala ang araw mo, hindi mo na napapansin na mabilis na lumilipas ang takbo ng panahon. Hindi mo na namamalayan na 'yung taong minsan mo nang naging kaibigan ay 'yung taong magpapatunay sayo ng tunay na kaligayan. 

Sa mga nakalipas na taon, doon ko napatunayan na hindi naman pala masamang umibig muli. Hindi naman pala masamang magmahal ng isang tao dahil doon mo malalamang sila magpapabago ng pananaw mo sa buhay. Si Phoenix ay masyadong perpekto para sa akin. Ni minsan hindi niya nakakalimutan ang mga pangako niya para sa aming relasyon. Lahat iyon ay hindi niya sinusuway. Sa kabila nang mga nagawa niya sa akin, hindi pa rin siya naghahanap ng kapalit. Ni isang piso, ayaw niya. 

Pero sa mga nakalipas na panahon, hindi lahat puro masaya. May pagkakataong nag-aaway kami, at may pagkakataong may nagagawa kaming pagkakamali sa isa't isa. Ngunit, hindi iyon naging dahilan upang ayawan na namin ang isa't-isa. Pinangako naming lalaban, kaya lalaban kami hanggang sa huli. 

"Babe, okay lang ba talaga?" Malungkot kong ani. 

Tumawa siya at mahinang pinisil ang aking ilong. "Of course, baby. Request naman 'yan nang mga fans mo. At saka, number 1 fan mo ako oh! Naghihintay rin ako!" I smiled.

It supposed to be our date night pero sadyang kilala na ako ng iilang tao kaya hindi naging tahimik ang date namin dalawa. Niyayaya nila akong umakyat sa stage para mag spoken word poetry. Gusto ko naman pero nasa date pa ako. Ayokong magalit si Phoenix sa kadahilanang hindi magiging memorable ang aming date dahil dito.

"Sure?" paninigurado ko.

"Hay nako naman, baby!" Naiiling niyang sabi. "Tara nga dito!" Hinila niya na ako paakyat sa stage at itinapat doon sa microphone. 

"Baby..." bulong ko.

Hindi siya tumugon. Umaksyon pa siya na parang 'Fighting' tapos hinalikan ako sa labi bago ako iniwan doon sa stage. Ilang saglit pa akong nakatulala doon habang nakatingin kay Phoenix na hinihintay ako. 

Lord, paano mo nagawang ibigay sa akin itong tao na ito? Paano mo nagawang bigyan siya nang pagkakataon? Sobrang perfect niya para sa isang tulad ko. 

Unti-unti akong napangiti. Hinawakan ko ang microphone habang nakatingin pa rin sa aking nobyo. Wala pa akong naihandang bagong poetry pero habang nakatingin ako kay Phoenix mayroon na agad mga salita ang lumalabas sa isip ko. 

"Mula sa aking kinatatayuan ngayong gabi.
Kitang-kita ko kung paano kuminang ang iyong mga mata kahit wala ka namang sinasabi.
Kita ko mula sa aking kinatatayuan
Kung paanong isigaw ng iyong mga mata ang katagang mahal...kita.
Hindi ko alam kung bakit ganiyan ka o baka iyon talaga ang epekto ko sayo, sinta.
Sa unang tingin palang, alam kong may kakaiba na,
Alam kong may tinatago kanang kakaiba.
Bata palang tayo'y ramdam ko na ang paghaplos ng iyong pag-ibig sa mga palad ko
Pasensya na, sadyang manhid lamang ako kaya hindi ko ito naramdaman noon."

"Pasensya na, mahal kung mataggal akong nagbulag-bulagan sa pag-ibig mo noon,
Pasensya na, kung minsan napapagod na ang mga tenga mo sa pakikinig sa bawat bukas ng aking bibig
Sa bawat bigkas ko ng mga salitang nagpapasakit ng iyong dibdib
Kaya pasensya na kung doon pa kita tinanggap nung panahong wasak na wasak ako."

"Hindi ko sinasadyang masaktan ka nung mga panahong nasasaktan ako,
Hindi ko sinasadyang balewalain ka nung mga panahong nandyan ka sa tabi ko,
Hindi ko sinasadyang saktan ka sa parehas na rason,
Tulad mo, nagmahal lang din ako.
Pero alam mo...nakakatuwa lang kasi hindi ko alam kung saan nagbago ang lahat
Hindi ko alam kung saan nagumpisa ang lahat
Hindi ko alam paano ba nagumpisa ang lahat
Kung bakit sa ilang taon kitang nakasama bigla ko nalang naramdaman ang pagbukas muli nang aking palad para sa panibagong mga kamay na pumapagitna sa aking mga daliri.
Niyayakap ako ng mga ito na para bang takot na ulit akong mawala sa madilim na kahapon.
Sa unang pagkakataon, niyapos ako ng pagmamahal mong hindi ko naramdaman noon."

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now