P26

8 1 0
                                    

#SWP26

"Beverly Garcia, panagutan mo ako!" Sigaw niya ulit. 

Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at tinabunan ko ang kaniyang bibig gamit ang maliit kong kamay. 

"Marinig ka ni Manang, Phoenix!" 

"Hmm, ano naman at saka..." halos hindi ko maitindihan ang sinasabi niya dahil sa kamay ko. Kaya tinanggal niya ito't bago nagsalita ulit, "Binigla mo ako, Beverly! Nagiinarte 'yung tao sa bahay tapos bibiglain mo sa pa regalo mo!" 

"Eh, malay ko bang nagiinarte ka lang at naghihintay nang susuyo sayo." Inirapan ko siya. 

"Hindi kaya!" Tanggi niya. 

"Eh, ano ha! Ha!" Piningot ko ang kaniyang tenga. Napaigik naman siya sa sakit. 

"A-ah aray! Tama na!" Sigaw niya pero mas piningot ko pa ito bago bitawan. Naiiyak niya akong tiningnan habang nakanguso. 

"Daig mo pa ang babae kung magpasuyo!" I hissed. 

"Malay ko bang may puso ka pa pala para suyoin ako!" Sigaw niya rin pabalik. 

"Sinisigawan mo ako, Phoenix Wyatt Villanueva Montecarlos!?" sinamaan ko siya ng tingin. 

"Hindi po," biglang naging maamo siyang tuta. Napairap nalang ako. 

"O-okay, back to our topic. . ." Nanunuyo ang aking laway sa kadahilanang kung makatingin siya'y akala mo naman mawawala ako. "Nang dahil sa away ninyo ni Anton, alam kong nagalit ka sa akin. Hindi naman kita masisisi kasi kasalanan ko rin. Sana, nakinig nalang ako sayo. Sana mas pinili ko munang sabihan ka tungkol sa pag-uusap namin ni Anton bago ko siya kausapin. I'm really sorry. K-kung pwede ko rin puntahan ang mga pinsan mo para personal silang kausapin at humingi ng tawad, gagawin ko. Basta ba huwag kanang magalit sa akin. Kasi...k-kasi, Phoenix, masakit sa puso." 

"You don't need to apologize to them. Nagagalit lang ako sa sarili ko kasi 'yung inakto ko kahapon pakiramdam ko nasasakal ka sa akin. Hindi ko alam pero possessive ako pagdating sayo."

"Hindi ako nasasakal, Phoenix. Tama lang 'yung ginawa mo at mga sinabi mo sa akin. Alam kong nag-aalala ka lang sa akin." 

"A-ayoko lang kasing nakikita kang nasasaktan." Umiwas siya ng tingin. 

Agad ko namang hinawakan ang dalawang pisngi niya at pinaharap siya sa akin, "At ayoko rin iniiwasan mo ako. H-hindi ko kayang binabalewala mo ako at hindi kinakausap. Kasi, Phoenix, gusto...gusto—"

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ngayong sinasabi ko ang lahat ng ito kay Phoenix parang ang sagwa palang pinadalhan ko pa siya ng cake imbes na kausapin siya ng deretso. 

"Gusto mo narin ako," hindi iyon tanong. Pinamulahan ako ng pisngi nang mapagtantong masama nga talaga na ideya ang pagbigay ko sa kaniya ng cake na iyon. "Tayo na, Ms. Beverly Garcia?" Bulong niya. 

"Ha?" Nawindang ako ng marinig iyon. Nabitawan ko ang kaniyang pisngi at napaatras sa sobrang gulat. 

"Ha?" He imitated what I said. 

He laughed and stepped closer to me, parang nakukulangan pa sa lapit namin dalawa.

"H-hindi kita maitindihan," I murmured shyly. 

"Sabi ko, tayo na." Ulit niya sa sinabi kaya napapikit na ako sa sobrang inis sa sarili. Ngumiti pa talaga siya na halos ikalaglag ng panty ko. 

Kinikilig ako!

My heart almost went out of my chest. Hinawi ko ang buhok ko at umayos ng tayo. "Excuse me, hindi pa tayo, Mr. Montecarlos." Masungit kong sabi. 

Tibayin mo ang sarili mo, hindi ka dapat maging marupok, Garcia! 

"Talaga?" Mas lumapit pa siya sa akin. "Sa pagkakaalam ko, ang nilagay mo doon sa cake ay "Kapag hindi ka pumunta sa mansyon, hindi kita sasagutin." So technically, tayo na. Girlfriend na kita." 

"Mali ang pagkakaitindi mo!" I blurted out, "S-sabi ko, pumunta ka ng mansyon kasi...kasi—" 

Napatigil ako sa pagsasalita at naglakihan ang mga mata ng bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at sakupin ang aking labi. Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang pagbilis nang aking puso. 

"Tayo na, baby?" Ani niya ng ihiwalay ang labi sa akin. I tried to chase it but failed. "Answer me, first..." nahihimigan ko ang tuwa sa kaniyang boses. Pinatakan niya ulit ako nang isang nag-aalab na halik. 

Halos magwala na ako ng hindi ko na naman maabot ang kaniyang labi. "Baby?" Hinaplos niya ang pisngi ko kaya napapakit nalang ako. Lumamlam ang kaniyang mga mata.

"Umm..." wala sa sarili akong napatango. 

Matunog siyang napangiti. "Talaga?" 

"Tayo na..." bulong ko. 

Mas lumawak lang ang kaniyang ngiti, umaabot na ito sa kaniyang mata. 

"Ngiting-ngiti ah," bulong ko. 

"You're mine, baby." 

Nanatili lang ang paningin ko sa kaniyang labi. Sobrang pula nito at parang nagliliwanag sa aking paningin. Napakurap-kurap ako at wala sa sariling humakbang palapit. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. At dahil mas mataas siya sa akin, kailangan ko pang tumingkayad bago ko tuluyang nasakop ang mapula niyang labi. 

The kiss soft and gentle, it was perfect. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa ulap at dinadala ako sa sariling paraiso ko. The moment na dumadampi ang kaniyang malambot na labi sa akin pakiramdam ko'y wala na akong ibang hihilingin pa kundi siya. Siya lang. 

"What's with that sound, Mr. Montecarlos?" Tanong ko ng bigla siyang nagdabog at matunog na tumikhim. 

"It's represent my disappointment." Tugon niya. 

Kakatapos lang ng aming halik session kuno namin. Ayaw niyang tumigil! Halos magti-thirty minutes na kaming naghahalikan pero ayaw pa rin niya. At ngayong, tinulak ko na palayo sa akin ay nagdabog pa! 

"Ha," 'di makapaniwalang nilingon ko siya. "Disappointment? Really?" 

"Yeah!" Nakanguso niyang sabi at nakangusong ibinaon ang mukha sa aking unan. 

"Sige, from now on..." sinamaan ko siya ng tingin pero parang balewala lang iyon sa kaniya. 

Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo, "From now on?" 

"Hindi ka na makakahalik sa akin!" Sigaw ko bago nagmamadaling tumakbo palabas ng aking kwarto. 

Narinig ko ang sigaw niya. "Baby! How dare you tortured me!" He cried. 

Humalakhak ako. Pagbaba ko'y naabutan ko pa si Manang na nagprepare ng dinner namin. Nang makita ako'y biglang nagliwanag ang mata't nanunukso ang tingin. 

"Uy, anong ginawa niyo sa taas? May apo na ba ako?" Tudyo niya. 

Eksaherada akong napasinghap. "Manang, judgmental ka masyado!" 

"Hindi kaya nuh, nagsasabi lang ako ng mga possibleng mangyari." Ngiting-ngiti siya. 

"Malabo 'yan.." bulong ko. "Bata pa kami, Manang. Naniniwala akong marami pa kaming pagdadaanan." Napangiti ako. 

Naniniwala ako dahil ngayong tinanggap ko na si Phoenix sa buhay ko alam kong hindi niya ako bibiguin. Mahal niya ako at sa ngayon, iyon muna ang panghahawakan ko. 

Nung unang relasyon ko man ay hindi ko kayang ipaglaban. Ngayon ay lalaban ako, pipilitin kong lumaban para sa relasyon namin ni Phoenix. 


Itutuloy. . .

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now