P11

15 1 0
                                    

#SWP11

Nang umabot ang lunes ay halos hindi na ako mapakali. Kahit ang pagtatapos ng aming panghuling klase'y inaabangan ko narin. Kaya nung sumapit ang oras ng uwian ay mas nauna pa akong lumabas kaysa sa aming guro.

Paglabas ko'y deretso na ako hanggang sakayan ng tricycle. Anton is not here, umuwi na siya ng Maynila at nangakong babalik sa susunod na linggo sa hindi malamang na dahilan.

"Manong, sa may akasya lang," hininto niya iyon sa eksaktong lugar kung saan ko tinuro ang lugar kung saan ako ibaba. Nasa bayan ako ngayon. Dito ako pinapunta ni Toni nung nag-usap kami sa cellphone.

Pagkatapos kung magbayad ay nilibot ko na ang aking paningin. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Toni. Mabuti nalang at may pangtawag pa naman ako.

"Hello..." I said.

"Where are you?" Bungad niyang sabi.

Rinig ko ang ingayan mula sa kabilang linya.

"Nandito na ako sa may akasya," I said. I looked around me, bukas pa ang ibang store sa paligid ko at maingay din.

"Okay, wait me there. Lalabas lang ako para makita mo ako." She said before dropped the call.

Hindi na ako nagsalita at nanatili lang sa aking kinatatayuan. Ilang saglit pa'y nakita ko na siya sa hindi kalayuan sa akin. Nakatayo siya sa isang bahay na sarado. Nang makalapit ako'y doon ko lang nakumpirma na isa pala itong studio.

"Mabuti at nandito kana, kanina pa kita hinihintay. You can also stay here whenever you want. We have our own duplicate key. Kapag na approve na ni Kap na sumali ka sa amin, pwede kana agad magsimula," Tuloy-tuloy niyang sabi habang iginagaya ako papasok ng studio.

Hindi ko maiwasang hindi humanga ng makita ang buong patio ng studio. Wala pa kami sa mismong kwarto nun pero hindi ko na maiwasang humanga.

"This is what we called a Poet House. As you can see naman sa mga certificate and records na nakadikit sa dingding."

May mga larawan din mula sa mga kompetisyong sinalihan nila. Ilang beses na pala silang nanalo sa mga poetry contest sa iba't-ibang parte ng bansa. Nanliit tuloy ako sa sarili ko dahil mga batikan na pala sa pagsusulat at pagtutula ang makakasama ko dito. Tapos ako, hindi man lang nakaranas sumali sa mga kompetisyon kahit sa school man lang.

Nanatili akong tahimik habang iniisa-isa ang pagtingin sa mga larawan. "That's our Seniors, sila yung madalas na nagtuturo na ngayon sa atin. Hindi kasi gaanong kalaki ang ating Poetry House kaya madalas ang mga Seniors at Founders nalang ang nagtuturo sa atin."

"Ang galing pala, hindi ko inaasahang may ganito pala sa Isla Amore. Gusto kong makaperform agad sa harap ng mga tao pero mas gusto kong matuto pa mula sa mga batikang poet artist."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kasiyahan lalo na nung pumasok na kami sa studio. May mga instruments doon sa gitnang bahagi ng stage at sa harapan naman ng mga instrumento ay ang mic na may stand.

"Toni, salamat at bumalik ka agad!" Isang kulot na babae ang lumapit sa amin. May bitbit siyang mga papel. Agad siyang natigilan ng dumapo ang paningin sa akin.

"Ah, by the way. Siya yung bagong na recruit ko. Beverly Garcia." Pakilala niya sa akin. Nang makitang sa akin palapit nakatingin ang babae kahit na siya naman ang tinawag nito.

"Nice to meet you po," magalang kong sabi at inilahad sa kaniya ang aking kamay. Kinabahan ako ng pasadahan niya lang ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"A high school student from..." sinadya niyang putulin ang sinasabi.

"Isla Amore Integrated School." Agap ko.

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now