P19

14 1 0
                                    

#SWP19 

"Earth to Beverly!!!" 

Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang pag snapped ng daliri ng aking kaibigan sa aking harapan. 

"Ayan-ayan na naman ang Beverly niyo, nawawala na naman sa mundo." Naiiling nitong sabi. 

"May naalala lang ako." Ani ko bago umalis doon para iwasan siya. 

Marami siyang tanong. Hindi siya umaalis sa harapan ko hangga't hindi nakakakuha ng tsismis. 

"Hindi nga, bebs, siya na naman naiisip mo nuh. Sayang may love kana pala!" 

"Bakit sayang?" Taka kong tanong. 

"Sayang si Boss Phoenix! Aba'y mas bet ko yata iyong manok ko kaysa sa love mo." 

Napairap ako. "Gigi, wala akong mahal. Hindi na ako mag-iisip pa ng mga ganiyan-ganiyan nuh, at saka, ang gusto ko ngayon ay mabuhay ng payapa. Yung nga pag-ibig na 'yan, hindi ako mabubuhay niyan. Mas sasaktan pa ako niyan." 

"Ang bitter mo talaga kahit kailan e." Sumunod siya sa akin nung umalis ako para linisin ang isang lamesa dahil may paparating na ulit na mga tao for dine in. 

Tumulong siya nung umpisahan ko na ang paglilinis. Doon siya sa kabilang mesa. Dahan-dahan kong pinagpapatong-patong ang babasaging plato at kutsara. 

"Hindi ako bitter, sadyang hindi lang ako fan sa relationship na 'yan." 

"Hindi fan pero ang lakas-lakas naman bumanat sa mga subscribers niya. Duhh, ang fake naman ni Ms. Beverly Garcia niyo." 

Saktong pagtingin ko sa kaniya'y nakita kong inirapan niya ako kaya napatawa na ako. 

"Kapag pagdating sa mga advice na 'yan, game ako. Pero kapag sinabing ako na ang nasa posisyon nila, huwag nalang. Mas gugustuhin ko pang maghirap ng maghirap kakatrabaho, huwag lang magmahal." 

Binuhat ko ang tray na may laman na mga plato at dineretso ito sa kusina. Agad naman sumunod sa akin si Gigi. 

"Sus! alam mo, bebs, 'yang ka bitteran mo...matatapos din 'yan. May darating na prince charming na muling bubuhay sa patay mong puso! Sana nga dumating na para wala na akong bitter na kaibigan." 

Nagsitawanan ang mga kasamahan namin na nakarinig sa sinabi ni Gigi at inasar ako. 

"Alam mo yung mga sana, hindi lahat natutupad. Kung totoo lang ang mga genie, maniniwala pa ako. Baka kung may makakita pa ng salamangkero, matutupad pa yung isa sa mga hiling ko...pero tulad nga ng sabi ko, hindi lahat ng sana natutupad. Dahil yung sana na una't huli kong hiniling ay nawala lang na parang bula." 

"Shit! ang lalim niyon, bebs! Pakiramdam ko tuloy nagiging manunulat narin ako dahil naiitindihan ko yung ibig mong sabihin. Tingin mo may pag-asa ako?" Napahawak siya sa kaniyang ulo at parang siya mismo ang nalito sa kaniyang tanong. "Sumakit ata ang ulo ko doon ah." 

"May pag-asa naman lahat kung maniniwala ka lang sa sarili mo." Tugon ko rin habang hindi nawawala ang ngiti. Bumalik ako sa labas para makipagpalit sa counter. Dumadami na rin kasi ang mga tao dahil malapit na ang dinner. 

Busy ako sa pagbi-bill ng mga bayad ng mga customers ng biglang may bulaklak na humarang sa paningin ko sa screen ng computer. 

"Ano ba nagtatrabaho ako e—" ani ko ngunit agad napatigil ng paglingon ko'y nakita ko si Phoenix na ngising-ngisi habang nakatingin sa akin. 

Iniikot ko ang aking paningin at ng makita si Gigi na pangiti-ngiti habang nagse-serve ay napasimangot nalang ako. 

"Bakit ka nandito?" Tamad kong tanong at pinagpatuloy ulit ang aking trabaho. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang