P25

7 1 0
                                    

#SWP25 

Nagising nalang ako ng nakaparada na ang sasakyan ni Phoenix sa harapan ng aming mansyon. Napaayos ako ng upo at nilingon si Phoenix. Nakatingala siya sa kisame ng kaniyang sasakyan at nakapikit. 

I bit my lip as I remembered what happened earlier. Phoenix didn't have any bruises because Anton didn't punch him back, but his knuckles were covered in blood and were now resting on the steering wheel of the car. I could clearly see from where I was sitting that his grip was tightening. I took his hand and my handkerchief to wipe his hand. 

"You don't need too," pilit niyang kinukuha ang kamay niya sa akin pero hindi ko ito hinayaan. Napabuntong-hininga nalang siya at hinayaan ako sa paggamot sa kaniya. "H-hindi ka sana nakipag-usap sa kaniya. People's change, bebs. Kung nakilala mo siya bilang isang mabait at may dignidad na tao, ngayon iba na. Paano kung wala ako—kami? Anong mangyayari sa inyo? Sana tinawag mo ako, sana sinigaw mo pangalan ko, sana...sana tumakbo ka palayo. Dahil bebs, paano kung wala ako?" 

"I'm sorry," humikbi ako. "Hindi ko naman kasi alam na ganun ang mangyayari. I-i only give him 5 minutes to explain, pero dumating sa puntong naging marahas siya. Akala ko hindi niya kayang gawin iyon sa akin. Ang sakit lang, Phoenix. Simula bata palang kaibigan ko na si Anton pero parang hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kilala." Humagulgol ako. 

Natahimik siya. Ilang minutong puro hagulgol at singhot ko lang ang maririnig. Alam kong galit si Phoenix sa akin. 

"P-p..." 

"You need to rest," biglang sabi niya dahilan para matigilan ako. Bumuntong-hininga siya't inabot ang aking ulo. Napapikit ako sa sobrang gaan nito. "Kanina ka pa iyak ng iyak, bukas nalang tayo mag-usap ulit." 

Umiling ako. "No. We need to fix it now, galit ka sa akin e." Suminghot ako. 

"Hindi ako galit, okay? Kanina ka pa hinihintay ni Manang. Sige na!" 

Wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Pero hindi ako naniniwalang hindi siya galit sa akin. "Magpapahinga na ako," ani ko. 

Tumango siya. Akmang palabas na ako sa kaniyang sasakyan ng bigla siyang magsalita ulit. "Uhm..." 

"Bakit?" Nilingon ko siya. 

"If...If you're walking my way, I'll never let you walk alone. Good night, Beverly." 

Lahat ng sinabi sa akin ni Phoenix ay tumatak sa isip ko hanggang umaga. Hindi ko alam kung anong gagawin. Simpleng mga salita lamang ang binitiwan ni Phoenix pero ang lakas ng impact nun sa puso ko. Hindi ko maiwasang kiligin. Iniisip ko palang, nag-iinit na ang puso ko. 

"Anong ano 'yan, Beverly?" 

Natigil ako sa ginagawa at tiningnan ang kaibigan. "Anong ano?" balik kong tanong.

Ngumuso siya at parang may tinuturo-turo gamit ito. Kumunot ang aking noo at nagtataka siyang tiningnan. 

"Ayan oh," ngumuso na naman siya. 

"Ha?" 

"'Yang nguso mo, girl! Jusko, kulang nalang ipatong lahat ng problema sa world diyan sa nguso mo. Ano nga bang problema mo't nakasimangot ka? Mamaya may mag reklamo na hindi maganda ang pakikitungo ng mga staff sa customers natin!"

"Wala akong problema," ani ko at ngumuso na naman. 

"Ako'y tigil-tigilan mo diyan sa mga kasinungaling mo ha. Day, kilala na kita!" 

"Wala nga kasi," sinamaan niya ako ng tingin kaya halos matakot ako doon kasi parang lalabas na mata niya sa sobrang sama. "Hindi nagte-text si Phoenix simula pa kaninang umaga..." 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now