P16

7 1 0
                                    


#SWP16 

"Dad, Phoenix is busy. Siguro sa ibang araw nalang pwede natin siyang makasama." ani ko ng makabalik sa dining.

Hindi ko alam kung nawala na ba ang pamumula ng aking pisngi. Grabe, hindi pa ako graduated ng high school pero alam ko ang tungkol sa mga ganun. May mga kuya ako na playboy at mga pinsan kaya hindi na ako inosente pagdating doon. Tapos ngayon, si Phoenix! Ang landi talaga ng lalaking iyon! Kaya pala hindi na magawang bumisita dito sa mansyon dahil may iba ng binibisita! 

Wala daw babae pero babae naman yung sumagot sa tawag niya! Napaka talaga! 

"Hmm, sayang naman." Tumango-tango sny aking ama. 

"Phoenix is just a busy guy, tulad ko, siya rin ang nagpapatakbo ng bagong restobar ni lolo." 

"That's good then. Mas mabuting, mga bata palang kayo'y alam niyo na ang kalagahan ng pagkakaroon ng negosyo." 

Nagpasalamat akong natapos rin ang breakfast. Sawa na akong marinig ang mga sinasabi ni Daddy na kasinungalingan; na mahal niya ako't ayaw pabayaan. It's lie. Kahit gaano ko man sabihin sa sariling katotohanan lahat ng iyon ay hindi ko kayang paniwalaan. 

Nakanguso na ako ng ihatid ko si Anton sa kaniyang sasakyan. Kailangan niya nang umuwi para asikasuhin muna ang pinagagawa sa kaniya ni lolo sa planta. 

"Babalik ako agad, after lunch. Alam kong hindi ka komportable kapag nariyan ang ama mo kaya sa akin ka sasakay, okay?" Sunod-sunod akong tumango at lumawak na ang ngiti sa labi. 

"Arasso..." tugon ko. 

Humagalpak siya ng tawa. "Korean ka na yooo~

Natawa na rin ako ng gayahin niya ang heart sign ng mga koreano. Ginawa ko rin ito at pinagdikit ang aming mga daliri. "Korean na akooo~" 

Dumating ang hapon at tuluyan na nga kaming bumyahe papuntang Purok Santiago. Suminghot ako at agad ko naman naamoy ang panlalakeng amoy ni Anton. 

"Ang bango!" Hindi ko mapigilang sambitin iyon. 

Ngumisi siya. "Perfect combination nuh, gwapo na plus mabango pa...equals Antonio Villanueva."

Unti-unting nawala ang aking ngiti. "Oo nga, mabango ka't gwapo pa pero mahangin ka! Mabaog ka sana!" Ani ko. 

Tumawa siya. "Oh, huwag naman ganiyan bestfriend... yung future anak-anakan mo!" 

Umirap ako. O 'di ba, bestfriend na nga naging instant Ninang pa! The best bestfriend award goes to Beverly Garcia! 

Nasa iyo na lahat, bevs. Salong-salo mo na!

Dumating kami sa Purok Santiago at isa lang ang masasabi ko. Sobrang ganda nito. May mga lokal na pagkain sa bawat tahanan. Makikita ito mula sa kalsada sapagkat sng kanilang mga handaan ay nasa labas lamang ng kanilang bahay upang mabigyan ang kanilang mga bisita't kapitbahay. 

"Mamaya daw mayroong parada, titingnan natin." Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Tama nga siya, hindi rin masamang ideya na pumunta dito. 

Mabubusog ako sa dami ng mga pagkaing inaalok sa amin kahit hindi pa naman kami nakakarating sa mismong event sa plaza'y puputok na siguro ang aking tiyan sa dami ng nakain. 

Hindi ako sigurado pero parang ginaganap ang Pista sa Nayon bilang pasasalamat sa mabuting ani na natanggap nila ngayong taon at anibersaryo ng ninuno nilang si Santiago na isa sa mga unang nanirahan sa bayang ito. 

May mga makukulay na banderitas, kawayan, at dahon nang saging na nagsisilbing dekorasyon. Makikita mo ang kanilang pagkamalikhain sa naging resulta ng kanilang dekorasyon. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now