P17

14 1 0
                                    

#SWP17 

Kapag talaga alam mong paulit-ulit nalang ang mga nangyayari sayo araw-araw parang ang bilis nalang din ng panahon. 

Sa ilang taong lumipas, doon ko lang naitindihan ang lahat. Na ang buhay ay hindi madali, it can be tough. Dati gusto kong makamit lahat ng isang beses lang nasusubukan pero sa ilang taon na iyon, doon ko lang napagtanto na hindi madali ang lahat. Kailangan kong sumubok at sumubok para makamit ko lahat ng gusto ko sa buhay. 

The success is not just about your accomplishments or what you get in life. It is all about what you can give to others and inspiring others. Isa sa mga dahilan kung bakit ko pinagpapatuloy ang lahat kahit pagod na pagod na ako ay dahil gusto kong maging inspirasyon ng mga tao. Gusto kong may matutunan sila sa akin. Gusto ko lahat ng mga salitang binibitawan ko'y isasaisip nila't isapuso. 

Lahat ng mga nakukuha ko ngayon ay hindi dahil sa gusto ko lang at hindi dahil sa gusto ko lang lakarin ang napakadilim at napakahabang tunnel na pinasukan ko, kundi dahil gusto kong mapatunayan sa sarili kong kaya kong mag-isa. Hindi ko ginagawa ang lahat ng ito dahil gusto kong sumikat at magkaroon ng ilang libong tagahanga o tagasuporta kundi dahil gusto kong maging liwanag sa madilim nilang paglalakad. Gusto kong maging inspirasyon sa lahat. 

I always write what my mind wants to say. Sarado palagi ang bibig ko kapag may gusto na akong sabihin pero lagi naman bukas ang isip at mga kamay ko para sulatin lahat ng ito. Nagsusulat at nagtutula ako hindi para magpa'impress sa mga tao. Sinasabi ko lahat ng gusto kong sabihin para kahit sa ganun man lang na paraan maibahagi ko naman kung ano ang pumapasok sa isip ko. 

"Thank you so much for watching our episode for today. Don't forget to like, subscribe, share and comment down below.  This is Beverly Garcia na nagsasabing umibig, lumigaya at maging malaya. Hanggang sa muli. Paalam!" 

Pinindot ko ang camera button ng aking cellphone para matigil ang video agad ko iyong sinave at nilipat sa laptop ko.

I'm a content creator. Naguupload ako ng mga ginawa kong tula sa YouTube, tiktok, at facebook. Hindi naman ako nabigo dahil kumikita naman ako ng malaki kahit nakakapagod ang ginagawa ko. Mayroon na akong mahigit eleven million followers sa YouTube at mahigit ten million naman both Tiktok at Facebook. 

Masaya ako sa ginagawa ko. First year college ako nung sinimulan ko ang karerang ito. Ito ang naging sandigan ko sa mga panahong wasak na wasak ako at wala akong malapitan ni sino man para mawala lahat ng sakit ko. Noong una'y mahirap pero kalaunan nung nakita kong may isang taong sumusuporta sa akin, hindi ako huminto. Nagpatuloy ako sa paglabas ng mga saloobin ko.

Tungkol sa pag-ibig ang madalas kong content dahil marami sa mga viewers at subscribers ko ang gustong-gusto makarinig ng tungkol sa pag-ibig na mga spoken poetry ko. Kung dati'y isinusulat ko lang ito ngayon naman ay tinutula ko na din. Mayroon na akong dalawang librong na'published at nabenta nationwide. Doon mas dumami ang mga tagasuporta ko. 

Masasabi kong tama lang pala na sila ang nilapitan ko sa mga oras na lugmok na lugmok ako.

I edit almost half part of my video bago ko narealize na malapit na mag ala-singko ng hapon. Dali-dali kong sinave ang video at pinatay ang laptop ko bago ko pinulot ang aking bag at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko. 

"Manang!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. 

"Hay nakong bata ka! Ang bagal-bagal mong kumilos kanina pa pinarada ni Eron ang sasakyan mo sa labas!" Singhal ni Manang. 

"Manang, sorry na. Alam mo namang busy akong tao." Nakanguso kong sabi. Napaigik ako sa sakit ng pabiro niyang pingutin ang tenga ko.

"At may trabaho ka pa, bilisan mo't baka maabutan kana naman ni Mr. Loius at magtatatalak na naman iyon kay Phoenix!" Sigaw niya. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن