P3

40 7 0
                                    

#SWP3
 

"Sa pagkagising natin sa umaga,
laging hanap ang haplos ng pag-asa,
Ang pag-asang nagsisilbi nating tadhana.
At ang mga taong inspirasyon natin sa bawat paghinga,
Ang magsisilbing araw na mawawala,
kapag ang gabi ay nagpapakita."
-Unspoken 2

···

Sobrang hapdi. Sobrang sakit, ng makitang unti-unting nawawala ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ganitong klaseng buhay ang binigay saakin ng panginoon. Bakit hindi nalang niya nilubos lahat ng paghihirap ko. Bakit inunti-unti pa...

"Lolo bro, bakit?" napahagulgol ako habang hinihimas ang lapida nang bago lang na napayapa kong lolo. "Bakit pati ikaw, iniwan narin ako?" niyakap ko ang kaniyang lapida, habang hindi parin tumitigil ang pagtulo ng aking luha.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong naroon basta nagising nalang akong nasa loob na ako ng aking kwarto. Siguro binalikan ako nila manang sa sementeryo at nakita akong tulog na. Matamlay akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at lumipat sa pag-upo sa harap ng aking salamin. Hindi ko maiwasang matawa sa nakita.

Ang payat-payat ko na!

Kung dati may makikita pang laman sa aking mga braso pero ngayon kulang nalang ay liparin ako ng hangin sa sobrang kapayatan.

I sniffed as I stared at myself for a few more minutes before I decided to take my early bath. Right after I took a bath, I heard manang keep calling me and repeatedly knocking on my door. I was shocked to see that she was carrying a pair of new scaffolding uniform.

"Manang, bakit may uniform kang dala?" gulat ko paring sabi. Napatawa naman siya sa aking reaksyon bago ibinaba ang pares na uniform sa aking kama.

"Sa sobrang busy mo sa kakabantay sa lolo mo, nakalimutan mo na kung anong araw ngayon!" Kinuha niya saakin ang bitbit kong towel at siya na mismo ang nagpunas sa aking basang buhok. "Magmadali ka anak, may pasok ka pa!" ani niya pa na mas ikinagulat ko.

"Pero manang, wala pa akong gamit, at saka...june na pala?" napakamot ako sa sariling buhok.

I don't know! I thought it was a week before June.

"Hinanda ko na rin ang gamit mo, nasa baba na." pagkatapos akong sabihan ni manang sa mga dapat kong gawin pagdating sa school ay nagdali-dali narin akong nagbihis ng aking uniporme. Kahit bangag pa dahil sa gulat mas binilisan ko pa ang pagbibihis.

If only Anton was just here.

"Daddy!" maligaya kong sabi ng makitang nasa dining room siya at kumakain. I kissed his cheeks. "Good morning." I greeted him bago umupo sa katabi niyang upo.

"Morning." Malamig niyang sabi. Ngumiti lang ako at nagsimula na din kumain.

"Papasok ka sa school?" tanong niya na ikinabigla ko. Masanay na siguro akong mabibigla ngayong araw na ito.

"Opo, Ngayon ko lang din po nalaman. Mabuti nalang nandito si manang." Magalang kong sabi. Sa kaloob-looban ko ay sobrang lungkot ko.

When mommy was still here, she always reminded me kapag may pasok kami at wala. Even though I was the one na pumapasok sa school, she was still updated sa mga nangyayari sa loob ng eskuwelahan namin. Kahit schedules ko ay alam niya. Laging siya din ang naghahatid sundo sa akin, minsan kasama pa si daddy or sila ate at kuya.

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now