Chapter 2

17.5K 291 12
                                    

Chapter 2 – New Friends

 

 

 

Kath's Point of View

 

Grabe ang bango naman ng unan na to. Hmmm. Sarap yakapin. Parang ayoko nang tumayo, gusto ko na lang matulog.

O.O

≧◡≦

Omy!!! Si DJ kasi 'to, dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko na nakayakap sa kanya. Nakakahiya!! Pero ang bango niya, pramis. Bumangon ako dahan-dahan para hindi magising ang mag-ama. Ch-in-eck ko muna silang dalawa kung pinagpa-pawisan sila. Umupo ako sa kama para ayusin ang higa ni baby. Napansin ko'yung clock sa may lampshade, gabi na pala, mag-luluto muna ako.

Bumaba ako ng kusina. Napa-ngiti ako sa ganda noon, kompleto na ito sa gamit at naka-linis pa nitong tignan. Naka-organisa lahat ng kasangkapan sa kusina. Nag-simula na akong mag-luto 'yung light lang. Tocino and fried tilapia.

Sa bahay, ako lahat linis, luto, pamamalengke at pag-aalaga kay Jordan. Busy na kasi Daniel sa trabaho minsan inaabot siya ng 10 pm sa pag-uwi. Minsan na lang din mag-bonding ang mag-ama. Sabado at lingo ang day off niya, pero kadalasan dinadala pa din niya ung trabaho sa bahay.

Pumunta ako sa kwarto para gisingin si DJ, pero naabutan ko silang nag-kukulitan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute kasi nilang tignan, kahit bata pa si DJ para mag-kaanak. Bagay naman sa kanya.

"Hi baby!" Masayang bati ko dito at hinalikan sa pisngi. "How's your sleep? Hmm? DJ kumain ka na. Nakapagluto na ako." Umayos naman siya ng pagkakaupo at binigay sakin si Jordan.

"Tara na kumain." Sabi ni DJ. Tapos inayos niya ung damit niya pati ung buhok. Gwapo lang ;) Landi alert Kath..

"Una ka na sa baba, bibihisan ko lang ng pantulog 'to. Mabanas ung suot niya eh." Kumuha ako ng pantulog ni Jordan para pagkatapos kumain matutulog na lang siya.

"Ok.. Sunod ka agad ha? Para makakain ka na."

 

I just noddedthen he left.

11 months na si baby, mahigit 9 months na din akong nag-tatarabaho kayna DJ at malayo sa pamilya ko.

Na mi-miss ko na sina mama at papa, yung mga kaibigan ko.

Pero di ko magawang mag-bakasyon man lang kasi walang mag-aalaga sa mag-ama.

Malaki ang malasakit ko sa mag-ama lalo na kay DJ kasi tinanggap niya ako kahit wala kaming alam sa isa't isa at kahit kelan hindi niya ako pinag tangkaan ng masama.

"Baby! Stop it. Nasasaktan ang mommy." Hinihila niya kasi ang buhok ko. T-T Masakit kaya. Buhol-buhol na nga ang buhok ko.

"*still holding the hair.*" nage-enjoy po siya sa pag-hila.

 

"Jordan!! Bitaw na. Naiinis na ako." Nag-pout lang siya at sumimangot. Napapagalitan ko din siya minsan. Kahit nga si DJ eh, alam na mana-mana lang. Binuhat ko si baby at pinatong lang niya ang ulo sa balikat ko. Aww cute.

Bumaba kami pero di pa din kumikibo ung baby ko at naabutan kong gumagawa ng graham cake si DJ. Tignan mo 'to. Sabi nang kumain na eh. Tumingin naman siya sa amin. Binigyan niya ako ng ANONG-NANGYARI-DIYAN-LOOK. He's referring to Jordan.

"Nasaway ko. Hinihila niya kasi ang buhok ko eh." Natawa naman siya tapos nilagay ung ginawa niya sa ref.

"Aww. Napagalitan ka ng mommy? Makulit ka daw eh. Hinihila mo ung buhok niya. Tignan mo oh, gulo." Tapos inayos niya ung buhok ko and tugged at the back of my ear. Simple gestures that can make me blush.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now