Chapter 33

6.9K 153 4
                                    

Gusto niyo akong makausap? Group chat?

Ang cute ni Bea Bianca!! Hahaha. She's so pretty. Kaya 'wag niyo siyang i-bash please. Work lang naman po. Tapos mas bagay si YLONA AT BAILEY DIBA?! Hahahaha.

Ligtas si Ylona!!! Woooh!

Chapter 33

Daniel's Point of View

"So, bonding tayo minsan. Isama mo si Kath at Jordan." sabi ni Papa habang papunta kaming sa pintuan dahil pabalik na ako sa trabaho.

Hindi na ako nakasagot dahil may babaeng pumasok at mukang nagulat pa siyang nakita ako.

"Oh My! Papa siya na ba 'yun?" parang hindi makapaniwalang tanong niya.

Papa? Ibig sabihin kapatid ko siya kay Papa.

"Oh! buti naman at nandito ka na. At oo, Daniel kapatid mo si Roanna." tuwang-tuwa siyang lumapit sa akin at yumakap.

Napangiti na lang din ako dahil akala ko mararamdaman ko ang pakiramdam ng isang anak sa labas. Masayang masaya ako dahil tanggap nila ako.

"Ang tangkad mo naman! Alam mo bang matagal na kitang gustong makita. Kaso 'yang si Papa." natawa na lang si Papa.

"Ang kuya mo ba?" tanong ni Papa.

May isa pa akong kapatid. Tanggap niya kaya ako?

"Kakauwi lang po kagabi. Nagpapasama nga ako sa kanya dito kaso puyat at pagod daw sa byahe. Isa pa din 'yung excited na makita ka brother kaso hindi daw talaga niya kayang labanan ang antok." sabi pa niya. "Diba sabi mo Pa may anak na si DJ? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita." excited niyang tanong sa akin.

"Nasa bahay siya. Kung gusto niyo po bumisita ka sa bahay mamaya." medyo nahihiya kong sagot.

Naninibago lang naman.

"Talaga?" bumaling ang tingin niya kay Papa. "Punta tayo 'dun, mamayang gabi. Pa, sama natin si Kuya." sabi niya kay Papa.

"Oh sige, pero mauna na kayo mamaya dahil may meeting pa ako. Susunod na lang ako." pumalakpa sa tuwa si Ate.

"So, mamaya sasabay ako sa'yo kapatid. Tapos Pa, sunduin mo ako. Nakaka-excite talaga." sabi pa niya. Napatingin siya sa wrist watch niya at medyo lumungkot ang expression ng muka niya. "Ayy, I have to go. Pupunta pa ako sa shop ko. Bye, Papa. Bye na din Daniel welcome to the family." humalik siya sa pisngi ni Papa at niyakap naman niya ako.

Sinabayan ko na siya sa paglabas ng opisina ni Papa.

Laking gulat ko nang may pumutok na party poppers.

Halos lahat ng mga nagta-trabaho sa opisina ay nandoon. Napatingin ako kay Papa at kay Ate, naka ngiti silang pareho sa akin. Tumabi sa akin si Papa na harapin ang mga ka-opisina ko.

"Good Morning everyone. I would like to announce to you, my son. Daniel." pakilala ni Papa sa akin.

Inakbayan ako ni Papa, hindi ako makaimik. Ang sarap pala sa pakiramdam na ipinagmamalaki ka ng sariling mong tatay.

"Wala ka bang gustong sabihin?" tanong ni Papa sa akin.

Napakamot ako sa batok ko.

"Ahm. Sana po 'wag niyo akong bigyan ng special treatment dahil lang sa.. Sa nalaman niyong anak ako ni Sir- ah Papa." sabi ko. Nakaka-panibago kasi eh.

"Nux naman Sir. Anak ka pala ng may ari eh." sabi ni Lester.

"Pa-blow out na 'yan!" sabat pa ni Katsumi at naghiyawan ang lahat.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now