Chapter 16

7.6K 169 9
                                    

Wala 'tong edit. Ha? Pasensya na kung puro typo.

Chapter 16



Kathryn's Point of View

"Ohh. Nandyan na pala ang Mommy mo. Diba sabi mo, Jordan ko. Ako na ang mommy mo? Diba? Hahaha. Pano si Kath? Ayaw mo na sa kanya?"

Kumurap ako ng apat na beses para pigilan ang pag-labas ng luha ko.

Lumapit ako sa bag ni Jordan na nakapatong sa kama ni DJ at tinalikudan sila.

I feel so out of place. Pakiramdam ko, nung dumating si Jasmine hindi na ako pinapansin ni DJ kahit si Jordan. I know, yaya lang ako dito. But damn! Ang sakit pa rin.

Anong ibig sabihin ng mga sweet gestures ni DJ nang na-ospital ako? Why do I feel it was something special? Nag over act ba ako? Nag-assume lang?

Damn. I hate this.

"Kath, matagal ka pa ba? Tinatawag na kami ni DJ sa baba oh. Ano ba?" iritableng asik ni Jasmine.

Dali-dali kong isinara ang zipper at nilahad sa kanya.

"Ano bang iniiiyak mo diyan? Ang arte mo ah." Hinablot niya ang bag at lumabas sa kwarto kasama ni Jordan.

Inayos ko ang mga damit na pinag-pilian ni Jordan kanina at ibinalik iyon sa dating ayos. Patuloy pa din ako sa pag-hikbi.

Simula nang manirahan ako kasama ng mag-ama, never pa akong na-trato bilang iba. 'Yung tipong kahit makipag-punasan ka pa ng ice cream sa muka, walang kaso sa kanila. Pero mukang mag-iiba na ang takbo ng pakikitungo nila sa akin.

Isinara ko na ang cabinet at tinungo ang pinto para lumabas. Pinunasan ko din ang muka ko dahil basa ng luha ko.

"Kath." Tawag sa 'kin ni DJ nang papasok na ako ng silid ko.

"Sumama ka na. Mahirap pag wala ka eh." saad niya. Nag-iba sa akin ang meaning ng sinabi niya. Eto na naman tayo Kath. Tama na.

"Kayo na lang tatlo."

"Pero hindi sanay si Jasmine na alagaan si Jordan." Naaawa siya kay Jasmine, pero akong pagod sa byahe ang gusto niyang pasahan ng hirap ng girlfriend niya? Nahiya naman ako. Bahala siya.

"Kasi DJ, pagod ako sa byahe. Please? Gusto kong mag-pahinga." Ayoko kayong makitang mag-kasama.

"OK. Matulog ka na, sleep tight." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Ito na naman ba ang halik na magpapagulo ng nararamdaman ko? Balak niya ba talaga akong pahirapan?

"Sige. Ingat kayo."

Kanina pa ako naka-higa sa kama ko pero kahit isang hikab wala. Hindi ako inaantok sa kahit anong posisyon gawin ko. umupo ako at napahilamos sa muka. Bwisit! Kelangan kong umidlip kahit ilang minuto lang. Kaso wala talaga, 5 p.m na. tutulungan ko na lang si Tita sa pag-hahanda ng dinner.

Bumaba ako sa kusina at naabutan ko si Tita na naka-bihis at mukang may pupuntahan.

"Tita? Aalis po kayo?" mukang nagulat siya sa bigla kong pagsulpot.

"Anak, bakit ka bumaba? Nagugutom ka na? May naluto na ako doon." Ha? Tapos na pala. Nakakahiya naman hindi ako nakatulong.

"Hindi po. Tutulungan ko nga po sana kayong magluto. May pupuntahan po kayo?" tanong ko pa.

"Oo eh. Ikaw muna dito ha?" bago pa ulit ako mapag-salita ay lumabas na siya ng pinto.

Itatanong ko pa sana kung bakit wala sina Magui at Lelay. Nagla-lock ako ng pinto ng makarinig ako ng katok. Muli ko itong binuksan at nakita kong naka-tayo si Julia, may hawak na gown ata. Sinara ko 'yung pinto. Baka may pumasok na mumu. :p

"Julia, napa-sugod ka? Pasok." Nag-lakad siya paakyat ng kwarto ko. Sumunod ako sa kanya.

"I need your help." Sabi niya. Hindi ko napansin na may hawak din pala siya make up kit at mga accessories.

"Anong klaseng tulong? Bakit ka may dalang damit?" kinuha ko 'yung damit at tinignan iyon. Peach; tube long dress; with bead work. Simple siya pero ang ganda.

"Alam mo naman na gusto kong may online shop diba? Gusto ko sanang i-model mo yang dress. Hindi kasi kasya sa akin. Please? Mabilis lang." Ano pa nga bang magagawa ko? Sayang naman ang effort niya.

"Fine. Mabilis lang ah." Pumalakpak siya at agad akong pina-upo sa harap ng salamin ko.

Inuna niya ang muka ko, nilagyan niya ng light make up. Sinunod niya ang buhok ko, tinuwid niya lang. Hayaan ko na naka-bagsak. And lastly, pinasuot niya ung dress. Tinuruan niya ako ng tamang pose at pag-angulo sa camera.

"Wait lang Kath ah. Tumatawag si Quen." Lumabas siya ng kwarto at ako naman, nag-selfie!!!

Patuloy lang ako sa pag-kuha ng shots.

"Kath!! Kathryn! Babalikan ko na lang 'yung gown bukas ah? May emergency lang!!" sumilip ako sa may hagdanan. Luka talaga, iwan ba naman 'to sa akin?

♫♪ "Love is like the sun

Love is in the air

Love is everywhere

Unlimited and free

My Love."♫♪

Tumatawag si DJ.

Phone Conversation

Kath:"Hello?" naririnig kong may nagkakagulo sa background.

DJ:"Kath, si Jordan. Hindi ko alam, hindi ko sinasadya." Kinabahan ako nang maramdaman kong naiiyak na natataranta siya.

Kath:"Bakit?! Anong nangyari?!" nagsisismula na din akong mag-panic.

DJ:"Kath, nahulog sa pool. Kaath, hindi ko siya nabantayan. Sorry. Nahulog siya." Umiiyak na siya. Lalo akong hindi napakali.

Kath:"Ikaw ang kasama pero pinabayaan mo! Jusko Daniel! Ni hindi ko nga 'yan hayaang ma-dapuan ng kahit anong insekto 'yan. Nasaan kayo?! Pupunta ako dyan!" iyak ako ng iyak habang palabas ng bahay.

DJ:"Sa Planet Magenta. Sorry, Kath. Sorry."

End call

Hindi ko na siya sinagot. Pag-labas ko ng bahay saktong may dumaang taxi. Hindi ko na inalintana ang suot ko, babayaran ko na lang kay Julia.

"Manong sa Planet Magenta po."

Diyos ko, parang awa niyo na. Mahal na mahal ko po si Jordan. Kahit hindi siya nanggaling sa akin. Lord, please? Ang bata pa niya para sa karanasang ganoon.

"Ma'am, nandito na po tayo." Inabot ko ang isang libo at dali-daling lumabas.

Dire-diretso akong pumasok sa entrance. Tinawid ko ang maliit na bridge at saka kumanan.

Halos tumigil ang tibok ng puso ko sa nakita ko. Lalo akong naiyak at nanghina.

"Damn you, DJ!!"

~'~'~

Oh, nakapag-UD ako hahaha. Ang problema, wala naman akong assignment. :D

Next Update: Not sure, kasi mahalaga ang next chapter. 'Yung tipong iyon na ang simula ng story? Kung naiintindihan niyo ang ibig kong sabihin, i-comment nyo sa baba. Idede-dicate ko sa makakasagot ng tama. :)

PSS: Salamat sa mga nag-add ng story ko sa mga RL nila, sa mga patuloy na nagvo-vote at nagco-comment. Samahan niyo ako hanggang huli. Mahal ko kayo Besties. :* Kasi eh, tinanong ko kung ayos lang na Besties ang itawag ko sa inyo hahaha. Wala namang sumagot kaya 'yun. xD

Votes, Comments and being a Fan is highly appreciated.

♥Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now